Chapter 35

3.1K 77 5
                                    


Before this special day ends, Happy Mother's Day to all mother out there.❤❤

Enjoy the update~

----------

"MISS Hailey, sakto at gising na ang mommy. Where is your father?" Pambungad na wika saakin ng Doktor.



Pagkabukas ko kasi ng pinto, nasa loob pala si Dok at kausap si Mommy. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya medyo umurong yung dila ko na kausapin si Mommy.



"Nasa labas ho." Magalang na sagot ko kanya.




"Kindly tell them to come inside, hija. Your mom's medical result is out and I need to discuss something about your mom's condition." Wika ng doktor na agad ko namang sinunod.




Dumungaw ako sa pinto para tawagin si Daddy.




"Daddy kakausapin po tayo ni Dok." Agad namang pumasok si Daddy matapos kong sabihan siya.




Si Miguel at naiwan sa labas. He'll wait for me to come out sabi niya.




"After running some tests and assessment, we found out that there is something wrong with your mother." My Dad almost fell down from standing kaya agad na inalalayan ko siya para hindi siya tuluyang mahulog.



"Malala po ba to?" Daddy asked as his voice trembled. I know that he is scared that something may happen to Mommy. Same with me, I'm also scared na may mangyari kay Mommy.




Sabi ko nga, siya parin ang mommy ko.




"Well don't worry, hindi naman malala ang sitwasyon ng Mommy mo but she will never gonna live like a normal person." Seryosong wika ng doktor at tumingin sa hawak niyang folder.




"What do you mean, Dok?" Naguguluhang sabay na tanong namin ni Daddy. Sumulyap ako kay Mommy na ngayon ay nakatingin sa bintana.




"Your mom is suffering from Prosopagnosia." The doctor answered.




"Prosopag-what po?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano yung sakit na yun. I'm not familiar with.




"Prosopagnosia." Pagulit ng doktor.




"Anong klaseng sakit ho yun?" Dad asked this time at nakatayo na siya ng maayos pero nakaalalay parin ako sa kanya. Baka mamaya matumba na naman to.




"Prosopagnosia is a neurological disorder characterized by the inability to recognize faces." Paliwanag ng doktor saamin pero parang ang lalim ng mga terms na ginamit niya.




"In short ho?" Tanong ko sa kanya.




"Face blindness." Seryosong sagot niya. Napatingin akong muli kay Mommy at this time, nakatingin siya saakin.



"Kung kaagad siyang nagpatingin 20 years ago, baka naagapan siya. Although hindi pa ganon kalala ang sitwasyon niya, it will be better if you'll guide her in terms of recognizing people." Paliwanag ng doktor muli.



Bumitaw ako mula sa pagkakahawak kay Daddy para lumapit sa bed ni Mommy. Humarap ako sa kanya at buong tapang siyang tinanong.




"Tell me the truth, Mom."





BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon