chapter8.4

124 2 0
                                    

I woke up feeling refreshed. Parang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko. Kaya gustong gusto ko magswimming e, it helps me clear my head and filter my emotions . I stared at the ceiling for a moment and turned my head to the side to check the time, 7:25 am. Ayos 5 minutes pa, 7:30 babangon na ko. Tumagilid ako habang binabalot ang sarili ko ng kumot hanggang sa muka ko na lang yung nakalabas. Ang lamig lamig kasi dito tapos todo pa yung AC.

I shifted to the other side and checked the time, 7:31. Ughhh. Sige 9mins. 7:40 babangon na ko.

For the 3rd time I checked the clock, 7:47.

Last na, 8:00 babangon na talaga ko.

I was hoping that I hit my marked time before I open my eyes, slowly I remove the sheet in my head.... and congratulations to me! Finally tumama rin sa oras.

Bumangon na ko at nagunat-unat ng konti tapos niligpit ko na yung kumot at unan ko.

Ayoko talaga magising ng hindi sakto sa oras. It's one of the reasons why I'm always late. Ewan ko ba. I feel odd waking up in odd numbers first thing in the morning .

Paglabas ko ng kwarto gising na silang lahat. Bakit ba ang early bird ng mga to? Ang sisipag gumising ng maaga grabe.

Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas, I prefer this rather than fresh milk.

"Morning"

"Morning din" sabi ko kay Xander na nagtitimpla ng kape nya.

Dumiretso naman na ako sa sala pagkatapos kong timplahin yung gatas ko at nakita ko si Lance na nagrereview na ng notes nya.

"Ano ba yan. Nagrereview ka na agad?" sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya.

" Ang haba kaya nito. Ikaw di ka pa ba magrereview? "

"Mamaya na lang pagkadating ko sa bahay. Para san pa na nagbakasyon ako kung magbabaon ako ng notes."

"Sabagay. Pero kasi di effective sakin yung isang review lang e."

I just shrugged. "Ewan. Sakin din naman. Swertehan lang naman din yung pagpasa ko sa quizzes. Pag kasi nag-aral ako ng wala sa mood lalo akong walang natatapos"

I decided to stay at the porch and let Lance focus on his notes. I feel weird and off  pag nakakakita ako ng ganung nag-aaral habang walang wala pa sa isip ko ang pagrereview. Feeling ko kasi ang tamad-tamad ko.

I look at the girls happily chatting with each other. I wondered why I never been close to girls before. Well, I've never been close to anyone before aside from-

"Uy Alex maaga ka ngayon ah" MJ called out to me, cutting me from my thoughts.

"Wala, ang sarap ng tulog ko kagabi eh kaya ang ganda tuloy ng gising ko ngayon"

"Anong number mo? So we can still contact you if ever na lumabas kami " Marie asked me casually na ikinagulat ko naman. Wala na kong nagawa ng iabot nya sakin ang iphone nya, sosyal diba. Pero kahit RK yang mga yan humble pa din kaya hindi nakakailang sa mga gaya kong dukha na makisama sa kanila. Chos! Haha

We stayed at the house all day. Nagpahinga lang at nagkwentuhan about school stuff like course requirements. Magkakaiba kami ng course and it's nice to learn something out of your field of studies.

After lunch, nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit namin.

"Oh guys wala na ba kayong nalimutan? Medyo malayo ang Batangas kung sakaling may maiwan kayo " Sigaw samin ni Jem.

"WALA NAAA!" Sigaw namin pabalik sa kanya habang asa loob ng sasakyan.

Bumalik naman sya sa loob para tawagin na din si Xander and Eve na nagpapaalam sa Uncle ni Xander who manage the resort for his family since his parents stay abroad for some business.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon