One week had passed at ang gulo-gulo ng utak ko. As in. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Sinubukan kong balikan ang mga ala-ala ko kung kahit isa man lang ba dun ay may hint kung sino si L pero wala. Kinausap ko na rin si Mang Teban pero wala akong nakuhang kahit ano sa kanya.
All of a sudden ng dahil sa kinuwento sakin ni Eve nagkaroon ako ng urge hanapin si L and I feel restless.
From: Lance Xielan Iqúeras
Uy Alex, asan ka na? Usapan 10 andito na 10:15 na oh
Usapan kasi namin pagkabukas na pagkabukas ng mall e dapat andun na kami. Sabay kasi kaming bibili ng regalo para sa kapatid ni Xander. Kung nagtataka ka kung bakit e eto lang naman ang nangyari.
Flashback...
Naglalakad ako sa hallway ng bangag na bangag dahil 3 days na simula ng marinig ko ang kwento ni Eve. 2 periods kaming free dahil may meeting ang mga prof namin so I took the chance to sleep.
Naramdaman kong parang umaalog yung pwesto ko. May lindol ba?
"Alex, huy Alex gising"
"Hmm"
"Saglit lang to, pag-usapan lang natin yung report natin malapit na kasi tayo"
I open one of my eyes while the other is still close. Tamad na tamad kasi talaga ako dumilat.
" hmm, sige lang usap kayo makikinig ako "
Sabi ko habang nakasubsob pa din ang ulo sa braso ko pero paside-view sa kanila.
Mejo naaninag ko ang image ni Xan- este asungot na papalapit kaya pumikit muna ko.
" My place... Party... Restaurant... Libre na yung pagkain... Gift.. "
Yan lang yung mga words na nagregister sa utak ko.
Tapos I heard them say.
"Alex G ka?"
So I just nodded my head in response.
End of Flashback...
So that's what happened. Sa bahay pala kami nila Xander pupunta para gumawa ng report parehas kasing malapit samin ni Lance. Kumbaga sya yung center point and best spot to meet up. Kaso nagkataon naman na birthday ng kapatid nya. 7 years old na sya ngayon. Sabi nya okay lang daw kahit di kami magdala ng regalo but Lance insisted kasi importante daw ang mga ganung okasyon sa mga bata. Hindi namin alam kung ano bang gusto ng kapatid nya so we asked Eve instead.
"Mahilig sya sa Deathnote"
Ng sabihin nya yun, may stomach stirred and I feel like throwing up. Mahilig kasi si L sa deathenote.
Alex, yung bata ang may gusto nun hindi si Xander, kalma lang I told myself
Lance Calling...
Ano asan ka na?
Sa bahay.
Ano?!!!
Wag ka naman sumigaw. Magpalamig ka muna jan sa mall.
Ah ewan ko sayo. Basta bilisan mo na lang jan
Then he ended it. Tamad na tamad akong bumaba at nagready. Ewan ko ba siguro dahil makikita ko na naman ang pader na yun. Ughhhh. Erase. Erase. Wag kang magisip ng masasamang bagay not a good idea to start your day.
Pagkatapos kong magayos para mag muka namang tao ay pumunta na ko agad sa mall.. Nagsuot lang ako ng faded jeans and white shirt tapos yung red vans ko.
When I got there, we wasted no time and search for a decent gift until we reached a store for otaku's. Lance get the limited edition of the notebook kasi galante sya, while I get the inverted cross chain with deathnote inscripted on it mas mura to kumpara sa binili ni Lance but I find it cute. Gusto ko nga din bumili ng isa para sa sarili ko kaso next time na lang.
After that dumiretso na kami sa address na binigay ni Lance tapos pumasok na kami sa resto nila which by that time is completely occupied of unknown species. Gorgeous sexy looking species. Grabe wala atang panget sa lahi nila. Kahit yung bata which I assumed to be his brother e gwapo din, kaso ng makita ko naman si Xander ...eek? Anyare?
Maya-maya habang naglalakad papunta samin si Xander in a slow.and not so cool way, bigla na lang sumulpot si Eve sa tabi nya wearing a nude backless dress na mejo flowy yung baba. I love the dress, laid back pero may dating kaso ewan ko ba ng mapunta ang tingin ko sa muka ni Eve na nakangiti nairita ko bigla.
"Lance, punta na lang kayo sa buffet. Let's fill our stomach first before digging in our braincells" then he smiled, his infamous creepy looking smile.
"Ah bro, san namin pwedeng ilagay tong gift namin?" sabi naman ni Lance sabay taas ng paperbag na dala nya.
"Wow ah, nagabala pa talaga kayo. Natouch ako bro" tapos mejo nagtawanan sila. Kelan pa sila naging close?
Xander lead us to a table already full of expensive looking gifts. Nahiya tuloy akong ipatong yung sakin. Ang liit lang kasi nung box ng regalo ko. Hay bahala na, atleast nagabala kong bumili diba?
After getting our food ay naupo na kami. While eating, dun ko lang napansin na wala ni isang detail ng decoration ng deathnote. Bakit kaya? Ahh ewan, maybe to make the place a little formal.
Pagkatapos nun Xan- este. You-know-who lead us to a small pathwalk behind the store. Sa backdoor na kami dumaan. Then it revealed a big house..old american style pero ang ganda. May touch of modernization pa din. Ang pleasant ng feeling pagpasok namin, not the gusty eerie feeling that I expected to feel.
We stayed in the game room..yes may special room sila for that. Gabi na ng matapos kami kasi nga ang magagaling kong groupmates ay naglalaro in between breaks. Si Eve naman she tried to help with some stuff and start a conversation with me pero wala akong ganang makipag usap which is naramdaman nya siguro kaya tumigil na rin sya.
" Alis na kami Xander. Sa uulitin bro, ang sarap ng pagkain nyo! haha. Tsaka tamo, matatalo rin kita. Kailangan ko ng re-match"
"Oo naman, anytime!"
Nailing na lang ako habang nauna ng maglakad kay Lance. Ano ba sila, bro-mance? Yak.
"Alex! "
Napatigil ako ng tawagin ni you-know-who ang pangalan ko.
"Oh?"
" Ingatan mo si Lance ah, ihatid mo sa kanila. Pinapaubaya ko na sya sayo. " sabi nya habang nakangiti ng pang-asar. Seryoso?
"Ano ka ba naman bro, ginawa mo naman akong babae. Si Alex ang babae samin at dapat ihatid hindi ako haha"
"Aaaah. Muka kasi talaga syang lalaki e..."
" Yaan mo na nga yan Lance, nababakla lang yan sayo. Tara na. "
Sabi ko. Gago talaga yang Xander na yan. Bwisit.
--At Xander's household
Knock.knock.
Come in. Bukas yan.
Pagkabukas ng pinto nakita ko ang kapatid kong may hawak na isang paperbag at isang box.
Kuya look, someone gave me deathnote items. I dont know know why they would give me such everyone knows I'm not a fan. And I dont know Lance and Alex either, they gave this to me. Do you wanna have it instead? They're collector's item. It would be such a waste to throw them in the trash.
Dire-diretsong sabi ng kapatid ko. I pat the space next to mine and he sat there for a while until I kissed him goodnight and went out of my room.
He knows I would love to have them.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...