"Manong Teban!"
"Uy Alex! San ka nanggaling na bata ka? Himala wala ka nung all souls at all saints day..."
"Ahh. Sa Batangas po, nag-aya kasi yung mga kaklase ko e ayun. Nga pala, yung white rose na iniwan ko dito tsaka yung note nakita nyo po ba?"
"Ahh Oo nakita ko. Naitanim ko na nga dun sa garden sa likod e"
"Salamat Manong!" sabi ko sabay ngiti ng wagas.
"Nga pala may surprise ako sa inyo... ... ... CHARAN!" sabay labas ko nung pasalubong ko.
" Uy ayos ah, hindi halatang sumbrero yung laman haha "
" Buti nga binalot ko pa e psh, sige na buksan nyo na yan dali!" gusto ko na kasi makita yung expression nya.
"Woah! Astig Alex ah. San mo naman nakuha to?" Gulat na gulat sya habang titig na titig dun sa cap.
"Dun sa 'RAREST' sabi ko habang naka grin pa din.
" 'RAREST?' "
" Opo, pangalan yun nung shop na pinagbilhan ko nyan. Ayos diba? "
" Ayos na ayos! Para ko na din silang nakita ng personal. Salamat Alex ha! " ang tinutukoy ni Manong ay ang Silent Sanctuary, madalas kasing pakinggan nung anak nya yung mga kanta nila e ayun na-adik na rin sya at naging fan nila.
Kung tutuusin simpleng cap lang yun pero dahil may autograph ng banda naging special na yun para kay Manong.
" Teka pano nga pala sila nagkaroon ng ganito? "
"Aba malay ko. Basta nakita ko na lang yan dun na nakadisplay kaya binili ko. Kaya siguro 'RAREST' yung pangalan nung shop kasi puro rare items yung andun buti nga kakalabas lang nyan nung dumating ako kundi baka may nakabili ng iba dyan"
"Naku! magugustuhan to ni Ian. Kailangan kong itago ng mabuti to, delikado."
"Ang damot nyo naman Manong edi hiraman na lang kayo! Haha. Isa lang kasi yan e kaya di ko na sya nabilhan"
"E yun pa! Wala ng balikan to pag hiniram nya. "
Kriiiing!
"Speaking of the devil ayan na tumatawag." Sabi ni Manong Teban habang nilalabas yung cellphone nya
"Hello. Oh? Ha. Osige hintayin mo ko. Oo na andyan na. Sige na. Bye"
"Oh pano Alex kailangan ko munang puntahan yung señorito ko. Salamat ulit dito ha"
"Sige lang Manong. Yaan nyo pag nagpakita ulit sakin yang si Ian ako ng pepektus dun para sa inyo."
"Nakooo. Yun? Magpapakita sayo pagkatapos nung... alam mo na. Haha. Malabo! Sige na alis na muna ko. Ingat ka dyan. Wag kang magkakalat ha!"
"HAHAHA oo nga pala! Sige Manong, ingat!"
Pagkaalis ni Manong nagsimula na kong mag-review ng notes ko. Ang dami nga. Iyak na lang ako huhu. Pero hindi. Kaya ko to. Never surrender! Kaya mo yan Alex aja!
basa...
basa...
basa...
basa...
basa...
basa...
Ayos okay na to. I'm ready for war. Bring it on!
Pagsakay ko dun ako umupo sa pinakadulo ng jeep sa likod. Naglagay ako ng earphones tapos nagpatugtog ng unang makita ko sa playlist ko tsaka pumikit.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...