*Creek
Sobrang tahimik na sa hallway tapos yang soundeffect lang ng pagbukas ng pinto yung maririnig. Kita pa man din sa parang may salamin nung pinto na andun na yung prof. Mukang nag-aattendance na nga e. Syempre asa likod lang ako ni Kuyang pogi, hinayaan ko na syang mauna, nakakahiya kaya.
"You're late."
Matigas at pasupladang sabi nung prof na naka eyeglasses tapos naka-bun yung buhok sa likod. Parang pang Miss Minchin ang dating. Grabe mukang terror to. Shet.
"Akin na yang COM nyong dalawa."
Inabot na ni Kuya yung registration form nya kung san nakalagay yung schedule namin tapos ginaya ko lang sya, kaya inabot ko na din yung sakin. Grabe hindi ata ako huminga for 10 seconds. Nakakatakot -_- . Ang gusto ko na lang gawin sa ngayon e makaupo na para macomfort naman ako ng chair ko. Ughhhhh
Naghanap agad ako ng vacant chair para makaupo na at saktong may nakita ako sa pinakalikod na row malapit sa bintana. Cliche ba? Bakit nga ba yung mga upuan sa likod ang laging bakante sa ganitong mga sitwasyon? Ah ewan, bahala na. This time ako naman ang naunang maglakad kay Kuya para makuha ko yung pwesto malapit sa bintana "window facer" kasi ako. Mas gusto kong nakikita yung mga puno sa labas kesa mahigit sa isang oras kong titigan yung prof. Lalo na kung terror.
*after 3hrs
"Class dismissed"
Waaah. Gutom na ko! Hindi pa nga pala ko naglulunch! Ah peste, walang hahara-hara sakin ngayon baka makain ko kayo ng buhay.
"Ah miss ballpen mo nalaglag"
Sabi ni Kuyang gwapo sa kalagitnaan ng pagaalboroto ko, nakatayo na din sya at mukang ready to go na. Kinuha ko naman yung inaabot nya sakin. Sana ayos pa yung tinta pilot pen pa naman yung gamit ko :3
"Thanks. Thank you na din pala sa kanina."
"Wala yun. I'm Lance and you are?" sabi nya sakin ng nakangiti
"Alex. Hmm, pano una na ko. Salamat ulit." sabi ko na lang kasi gutom na talaga ko.
Syempre dumiretso na ko sa canteen bago pa magsimula yung next class ko.
Ang bilis lang lumipas ng oras. Andito na naman ako ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama ko at nakatitig sa kisame. Sana naman tumagal na ko sa school na yun. Sana nga last na yun. Nakakasawa na yung ganito. Nakakasawa na.
Yan na lang ang huli kong naalala na tumatakbo sa isip ko bago ako tuluyang madala na naman sa agos ng mga panaginip ko.
Nasa bookstore ako ngayon at nagtitingin ng libro na pwede bilhin, medyo bookworm lang ako e. Pero feeling ko kaninang pang may nakatingin sakin. Tas pagtingin ko sa right ko may lalaking nakatayo at nakaharap sakin. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. Malinis. Mukang mabango. Ma-gwapo inshort. At oo, naassess ko na agad ang itsura nya. Hindi naman sa malandi ako o what pero dahil nga yan dun sa condition ko kaya automatic ko ng napapansin ang mga bagay-bagay kahit hindi ko man gustuhin. Naglakad sya papunta sakin tas tumigil then pinatong nya yung braso nya sa shelf at tiningnan ako na parang pinapanuod. Gwapo nga weird naman. Problema nito?
Sinarado ko na lang yung libro na binabasa ko, bwisit lang. Lakas makatrip nito a.
"Oh bakit binalik mo na? tapos mo ng basahin?"
Sa isang araw na lang siguro ko babalik dito para walang asungot.
"Oh aalis ka na? Ang suplada mo naman."
Tuluyan ko na syang tinalikuran at nagsimula na kong maglakad palayo pero hinawakan nya yung braso ko. Aba, problema nito?!
"Ano ba?! Problema mo?! Magkakilala ba tayo ha?!"
"Oh easy, easy. Hindi pa. Ako nga pala si Daniel" sabay abot sa kamay ko at nakipaghandshake sakin.
"Oh yan, kilala mo na ko. Gusto ko lang naman makipagkaibigan" sabi nya ng nakangiti. Hindi yung ngiting nakakaloko o may masamang balak. Ngiting tao lang.
Tiningnan ko lang sya. Ang weird talaga nya.
"Ano hindi ka pa rin ba magsasalita?"
Kinuha ko yung kamay ko sa kanya. Bwisit na nga. Asungot pa. Chansing pa. Anak ka ng.
"Lakas mo rin e no, pagkatapos mong mangbwisit at mang istorbo bigla-bigla mo na lang hahawakan yung kamay ko at makikipagkaibigan?! Humanap ka ng ibang iti-trip mo lul"
Kala nya a. Malay ko ba kung budol-budol yun. Level up na ba sila? ano yun version 2.0 nila? Ah ewan. Leshe
"Hahaha. Ang suplada talaga. Di bale malalaman ko din pangalan mo"
Nilingon ko sya at nakita ko lang naman ang isang gwapong muka na nakangiti ng abot tenga at nakalabas ang perfect at mapuputi nyang mga ngipin. Pero bad trip ako sa kanya kaya ang nasabi ko na lang ay
"Asa ka pa"
***
"Alex, Alex gising"
"Hmm.."
"Alex nananaginip ka na naman, gising!"
Dun ko na lang narecognize ang boses ni Nanay, shit. Bigla akong napaupo sa kama ko.
"Okay na ko Nay, gising na ko" sabi ko habang nakataas ang isang kamay pero nakayuko at natatakluban ng buhok ang mga mata para hindi na nya makita ang mga luhang hindi ko alam kung pano nakalabas.
"Sure ka? Okay ka na? Gising ka na? mukang binabangungot ka na naman e"
"Opo sure na."
"Ah sige, maiwan na muna kita kung ganun"
Di ko na kailangan ipaliwanag pa kay Nanay. Mukang alam naman na nya kung ano at sino na naman ang laman ng panaginip ko. Napanaginipan ko na naman si Daniel at ngayon naman ang scene e yung first meeting namin. Hindi bangungot ang mapanaginipan sya. Itong paggising ko ang bangungot dahil dito wala na sya at kahit kelan, dito hindi ko na sya pwedeng makita.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...