Alex
Medyo malayo na rin ang nalalakad namin ng marinig ko ang boses ni Jem.
"Good evening po. Alam kong hindi ako kasing gwapo ng lalaking naunang kumanta para sa inyo kanina, pero sana ganun pa man ay magustuhan nyo ang huling kantang ihahatid namin sa inyo."
"Psh. Atleast marunong kumilala ng mas nakatataas sa kanya si Jem. Malayong malayo naman talaga ang level ng kagwapuhan namin diba Sophia, Ken?"
Nakita ko namang natatawa na lang din sila Ken at Sophia sa mga pinagsasabi ni Xander.
Patuloy kaming naglakad nila Xander kahit madilim sa eskinitang dinadaanan namin na halos liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.
Maya-maya lang narinig na naming nagsimula si Jem kumanta.
I thought that I'd been hurt before
But no one's ever left me quite this sore"Wow, may boses din pala si Jem" I said while talking to no one in particular.
"Psh. Mas maganda pa rin boses ko" sagot naman ni Xander. Defensive, sus.
Your words cut deeper than a knife
Now I need someone to breathe me back to lifeDi ko na lang sya pinansin at binaling na lang ang atensyon ko sa dalawang batang nagsisilbing guide namin sa mala-maze na lugar na to.
"Malayo pa ba?" tanong ko kay Sophia
"Konti na lang ate, pagkatapos nito mga 2 liko na lang andun na tayo" sagot naman nya sakin ng nakangiti.
Got a feeling that I'm going under
But I know that I'll make it out aliveHabang papalapit kami, parang may mga boses akong naririnig.
"Uy Xander, may naririnig ka ba?" tanong ko sa katabi ko.
"Oo, ssshh. Wag kang maingay"
If I quit calling you my lover
Move onMalapit na kami sa dulo ng eskinita ng maunang maglakad si Xander samin at sinenyasan kaming tumahimik. Sumunod naman ako pati na rin si Ken at Sophia.
Dahan-dahan syang sumilip habang hawak ko naman sa balikat ang dalawang bata.
You watch me bleed until I can't breathe
Shaking, falling onto my knees
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches"Shit"
Nagulat ako ng biglang mag-cuss si Xander.
"Bakit? anong meron dun? anong nakita mo?" tanong ko sa kanya.
Tripping over myself
Aching, begging you to come help
And now that I'm without your kisses
I'll be needing stitches"Bumalik na kayo sa Camp. Isama mo na yang dalawang bata. Tapos sabihin mo kila Rimmo sumunod dito at magpa-stand by na rin kayo ng ambulance just in case."
Just like a moth drawn to a flame
Oh, you lured me in, I couldn't sense the pain"Ha? Ano ba yang pinagsasabi mo? bakit kailangan pa ng ambulance? Ano ba kasing meron?" sabi ko habang pinipilit silipin kung anong nakita niya.
Your bitter heart cold to the touch
Now I'm gonna reap what I sow
I'm left seeing red on my ownPipigilan pa sana nya ko pero huli na, nakita ko na kung anong dahilan ng mga pinagsasabi ni Xander.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...