chapter15

194 1 0
                                    

Medical mission: Day 2

Alex

"Aleeeex!"

Lance said as he jumped on me sabay akbay.

Tinaasan ko lang sya ng kilay, "Ang saya mo ata? Anyare?"

"Wala masama bang maging masaya?"

"Ewan ko sayo. Tara na nga" sabi ko tapos nag-lakad na kami papunta sa van. Sabay-sabay kasi ulit kaming pupunta sa Brgy. Kapalaran.

"Good morning Alex!" Bati sakin ni Prince.

"Morning"

"Hi Alex!" Bati naman sakin ni Rimmo sa unahan. Sya kasi yung driver ngayon.

"Hello"

"Alex try this. Gawa to ni mommy. Masarap yan" Jem said habang inaalok sakin ang brownies na hawak nya.

"Ummm thanks." Sabi ko at kumuha ng isa. Bawal tumanggi sa pagkain.

"Ay ang ingay. Kita na ngang may gwapong natutulog"

Napatingin ako sa kaliwa ko kung san nakaupo ang asungot na si Xander. Nakasandal sya sa may bintana habang tinatakluban ng unan ang tenga nya.

"Psh. Kung ayaw mo ng maingay sana nagdala ka ng sarili mong sasakyan."

"Ummm Alex. Actually kay Xander talaga tong sasakyan"

Pinanliitan ko ng mata si Lance. Bwisit. Pahiya ako dun ah.

"So dahil sasakyan ko to wag kang maingay diyan" Xander said habang nakatingin sakin ng seryoso.

Mapula ang mata nya. At magulo ang buhok. Muka syang wasted ngayon.

"O-oy! Ano yan?!" Bigla kasi nyang pinatong yung unan sa may hita ko.

"Wag ka ngang magulo. Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang sakit ng tiyan kaya wala kang karapatan magreklamo" sabi nya at tuluyan na nga syang humiga.

Malaki yung van and we're only 6 and have more than enough space kaya naman nakakahilata si Xander ng ganito.

"Oy tumayo ka nga diyan. Ang bigat mo kaya! " reklamo ko habang inaalog ko yung balikat nya. Kaso ang mokong diretso lang sa pagtulog nya.

"Ba't mo kasi inubos mag-isa yun?! Pwede mo naman i-share. Katakawan mo rin kasi. Kaya wala akong-" napatigil ako sa pag-aalboroto nang mapansin kong himbing na himbing na ang tulog ni Xander at hindi na nya naririnig ang mga sinasabi ko.

"Tsk. Badtrip"

"Alex. Napapansin ko ang init ng dugo mo palagi kay Xander. Samin naman hindi ka ganyan kabagsik"

Lumingon ako kay Jem na sa likuran namin nakaupo. Magkatabi sila ni Lance. Si Prince naman andun sa unahan katabi ni Rimmo.

"Ha?! Wala. Ang yabang kasi kala mo lagi kung sino."

"Asuuus. Hindi rin. Sabi nga the more you hate the more you love" sabi naman ni Lance while grinning at me mischievously.

"Ano namang alam mo sa love e muka ngang hindi ka pa nagkaka-girlfriend" asar ko  pabalik kay Lance at nginitian rin sya ng nakakaloko.

"Ako?! Hindi pa nagkaka-girlfriend?!" Lance said with matching turo pa sa sarili nya.

"Hindi pa nga." Sabi ulit ni Lance sabay pout.

Lalong lumawak ang ngiti ko, "Ha! I knew it! Magtataka ako kung may nag-kamali"

"Oy Alex. Wag ka. Muntik nang may nagkamali diyan kay Lance."  Sabi ni Prince kaya napabalik yung tingin ko sa unahan.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon