"Alex sukat mo nga to dali! Bagay to sayo!" sabi sakin nila Cess short for Princess and Marie. Andito kami ngayon sa isang boutique at pinipilit nilang ipasuot sakin yung torquoise blue two-piece swimsuit na nakita nila kanina.
"No way. Ipakain nyo na ko sa piranha kesa ipasuot sakin yan. Tsaka kung type nyo bat di na lang kayo ang magsuot?"
"E kasi meron naman kaming dala. Magsswimming tayo mamaya at alam naming wala kang isusuot, we're just doing you a favor para hindi ka na mahirapan mamayang pumili" Marie said.
"Teka pano nyo nalaman na wala akong dalang ganyan?"
"Uhm- ano kasi..."
"Pinakealaman NYO yung gamit KO?!" I said ng medyo galit kunwari para di na sila makulit.
"Oo e kasi concern lang naman kami sayo. Lahat tayo magsswimming mamaya tapos ikaw asa gilid lang" Cess explained without looking in my eyes.
"Sino ba kasing nagsabi na kailangan nakatwo-piece dapat pag nagswimming? May dala naman akong swimming trunks tsaka extra shirt e."
"What?!!! Swimming trunks? Ano ka lalaki? No. We're not letting you go out in trunks. Babae ka. Sexy. Sabi nga diba 'if your sexy then flaunt it' "
Ay grabe ang kulit ng mga babaeng to.
"Speedo naman yun e. Pero sige. Okay. Fine. Hands up na ko sa inyo. " sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay as a sign of resignation.
"TALAGA?!"
"Yep"
"So tara na. Punta na tayo sa fitting room." At eto na ang pinakahihintay ko. Pagkatalikod nila I sprint towards the exit. At nung mapansin nila na wala ako sa likod huli na. I waved my hands at them habang sila naman nakasimangot na parang ewan. I ran outside the shop bago pa nila ko maabutan.
Hingal na hingal ako pagkatapos tumakbo at full speed. I need some refreshment. I found a stall selling fruit shakes and ordered strawberry.
Naglakad-lakad muna ko when I saw a shop at bigla akong naexcite. Matagal ko ng gustong subukan yun.
"Miss ano pong design nagustuhan nyo?"
"Ah pede ba magpa-customize?"
"Pede po. Kaso po mas mahal po pag customized e."
"Okay lang." I said with a shaky voice. Naeexcite kasi ako talaga.
Binigyan nya ako ng papel at pinadrawing sakin ang design na gusto ko. Buti na lang mejo may skills ako sa pagddrawing.
After an hour natapos na din gawin yung design at ang ganda ng pagkakagawa. Medyo masakit nga lang sa balat.
After that I bought some cute bracelets for Ate Yanny and Kuya Tristan. Tapos T-shirt naman kay Manang Flor at yung colorful na floral scarf naman kay Nanay. Binilhan ko din ng cap si Manong Teban. Kay Cody? Bibili na lang siguro ako ng blueberry cheesecake pagbalik namin sa Manila.
Bumalik na ko sa bahay pagkatapos ko makumpleto yung mga pasalubong.
"Uy Alex san ka ba galing? Di ka man lang nagtext ang dilim na kaya." sabi ni Lance habang nagbabarbeque.
"Ah sorry nalibang kasi ako maglibot kanina"
"Alex! Andito ka na pala!" sabi naman ni Rimmo sabay akbay pa sakin.
"Naku wag kang magpapakita kina Cess at Marie. Galit yun sayo, tinakbuhan mo daw sila kanina." Napailing na lang ako sa kanila.
Nagulat ako ng biglang itaas ni Lance ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...