Lance
(Yes. Nakiki-POV na rin ang dakilang gwapong kaibigan ng babaeng walang kurba hahaha! Joke lang! Pero syempre yung pagiging gwapo ko hindi yun joke!)
"WOOOOOW!"
Silang lahat yan. Maliban sakin at kay Alex na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa balikat ko.
Kung titingnan mo si Alex para lang syang batang natutulog. Sa isang sem naming magkasama ilang beses ko na rin sya nakitang ganyan. Alam naman nating sobrang antukin ang babaeng to. Kahit saan natutulog!
Slowly, I moved my head to see the view that exhilarates my friends. Napangiti ako.
Kaya naman pala.
Parang isang napakalaking painting na gumagalaw ang view na dinadaanan namin.
The sea is calmed and glistening. Oo. As in parang may maliliit na diamonds ang nakalutang sa buong karagatan.
Tapos may isla na hugis crocodile na nakasideview sa kabilang dulo ng dagat ang matatanaw.
And the horizon is filled with cumulus clouds which remind me of my childhood when I used to see animal shapes at the sky.
I can't help but think that Alex grew up with this kind of scenery. It's very much like her in a way I can't explain.
Looking at the picturesque and looking back at Alex gives me the same feeling.
Natigil ako sa pag-iisip nang sikuhin ako ni Jem.
"Uy Lance, tapatin mo nga ako. Wala ka bang gusto talaga diyan kay Alex?" sabi n'ya sabay nguso sa direksyon ni Alex sa balikat ko.
"Wala. Wag ka ngang malisyoso" cool lang na sabi ko.
Pero sa totoo gusto kong batukan si Jem dahil kung anu-ano na namang naiisip kaso baka magising si Alex e. Hay. Ang hirap nang gwapo ka na nga gentleman ka pa. Tsk. Bakit ba kasi ang gwapo ko? Haha!
"Weh? Matagal na tayong tropa, ako pa ba lolokohin mo?" sabi nya habang nakangisi at pinapakita na hindi talaga s'ya naniniwala.
Aba! Humihirit pa ang mukang pugo na to! Mabanatan nga rin.
"Bakit ba ako na naman ang nakita mo? E kung sarili mong lovelife ang inaatupag mo edi nakadamoves ka na kay Princess"
"Gago, wag kang maingay" sabi ny'a sabay check sa paligid kung may nakarinig ba.
O loko. Napapamura ng wala sa oras e hindi naman madumi bibig nito magsalita. Mama's "good" boy e.
"Oy guys gising na! Andito na yata tayo!" sakto namang sigaw ni Prince sa unahan.
Sobrang lakas nang tawa ko sa reaksyon ni Jem. Halatang gulat na gulat. Akala yata narinig s'ya ni Prince na trip n'ya ang kakambal nito.
Natigil ako sa aking laughtrip na halos naghe-headbang na nang marealize kong natutulog nga pala si Alex sa balikat ko.
Patay!
Dahan-dahan akong lumingon para tingnan kung gising na si Alex.
At oo, gising na po ang Lion. Kung kanina muka s'yang anghel, ngayon muka na syang lion na mananakmal.
"Bastos ka talaga Lance!" sigaw n'ya sa muka ko nang may kasama pang palo sa braso ko.
Mapanakit talaga kahit kelan ang babaeng to!
"Anong bastos dun e tulog mantika ka! Nandito na tayo! Pasalamat ka nga ginising pa kita e."
O diba, lusot-lusot din pag may time hahaha. Gwapo man ako't gentleman nakakalimot rin.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...