*The next day nagising na lang ako ng biglang lumiwanag.
"Lord kukunin nyo na ba ko?" sabi ko habang nakapikit pa din, di ko kasi maimulat mata ko sa sobrang liwanag. Eto na yata yung sinasabi nilang namamatay na lang sa pagtulog tapos hindi na nagigising...
"OO"
Ganun ba talaga ang boses nya? Bat ang pangit yata?
"Wag po muna please, madami pa kong kelangan gawin sa buhay"
"Gaya ng anooo..."
Si Lord ba talaga to? Ba't pang horror yung boses? Mas muka pang nananakot e. Teka... Baka naman si kamatayan to?.... Hala!
" Kung sino man po kayo wag nyo muna kong kunin! Kailangan ko pang makapagtapos para tulungan ang pamilya ko! Tapos yung lola ko lalong magiging masungit yun pag nawala ako! Tapos pano na lang si Cody?! Mawawalan na lang sya ng gwapong tati. Tapos kelangan ko pang maligawan si Janella Salvador..."
Teka bat parang natatawa yun? sino ba talaga to?
"Tapos kung hindi talaga pwedeng kami ni Janella magpapakababae na lang ako tapos si Enrique Gil na lang ang liligawan ko o kaya si Enchong Dee..."
"ANOO?! BRUHA KA! AKIN SILA! MGA PAPA KO YUN! BRUHA KA!"
"aww tama na! Tama ba namang sabunutan ako? Tsaka nasasaktan ako it means hindi pa ko patay! YES I'M ALIVE!!!"
"OO! Hindi ka pa patay pero pag di ka pa bumangon diyan tutuluyan na kita! "
Napamulat ako bigla at nakita si MJ na nakapamewang habang magkadikit at nagfoform ng isang straight line ang mga kilay. Pano nya kaya nagawa yun? Hmmm.
"Ano?! Hindi ka pa din babangon? Grabe Alex ang hirap mong gisingin.Tulog mantika ka talaga..."
Sinabayan ko na sya sa sasabihin nya pero syempre sa isip ko lang. Wala e ganto talaga ko. Lahat na ata ng nakasama ko sa bahay yan ang pambungad sakin sa umaga. Hay..
I got up from bed pagkalabas na pagkalabas nya. Nagunat-unat. Tingin sa wallclock na nagsusumigaw na alas onse na at maya-maya ay goodafternoon na ang bati sakin. Kumuha ako ng damit at mabilis na nagshower.
Naabutan ko si Prince at Princess sa kusina na gumagawa ng sandwhich. Magkapatid nga pala sila. Anyway, naghanap na din ako ng makakain ko kasi gutom na gutom na ko. Hmmm alin kaya?
"Oy, Alex right? Mamayang mga 3pm magvo-volleyball kami sa labas wanna come?"
Tanong sakin ni Princess midway ng pagsubo ko ng carrot at baby corn.
"Uhm sure."
Pagpunta kong sala nakita ko silang naglalaro ng monopoly.
"Waaah. Ang daya nyo naman e! Pinagtutulungan nyo ko. Ubos na yung cash ko oh! $50 na lang panalo na ko tapos tinira nyo naman ako ng tinira!"
Reklamo ni Lance habang naka-pout. Para syang bata hahaha. Yung mga kalaro nya naman natatawa na lang din sa kanya kahit si Xander na walang emosyon nakikitawa din. Hmmm ang ganda pala ng ngipin ni Xander pwedeng model ng toothpaste hmmm.
Biglang napatingin si Xander sa way ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Oh pano ba yan panalo na naman ako" sabi ni Xander habang pinapakita ang dalawang gold card nya sa kanila.
Psh. Tsamba.
"Ano? May sinasabi ka Alex?"
"A-ako ba? " sabi ko ng nakaturo sa sarili ko. Hala nasabi ko ba ng malakas yun?
" Oh lalaro na yang si Alex oh, pakitaan mo nga tong si Xander" Asar naman ni Rimmo sakin tapos nagsunod-sunod na hanggang sa lahat na sila nagche-cheer na.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...