Alex
"Oh? Bakit ang aga-aga ang aligaga nyo?" Tanong ko kay Lance kasi hindi sila mapakali dito sa harap ng bahay namin.
May pinaguusapan sila pero hindi ko maintindihan.
"Wala ba kayong balak kausapin ako?!"
Tuloy parin sila sa pagbubulungan. Nakakinis!
Pumasok ako sa driver's seat ng van sabay pinalo ng malaks yung busina. Napatigil sila sa sobrang lakas ng tunog nito.
"Ano?! Buti naman tumahimik na kayo! Ano bang nangyayari?!" Asar kong sigaw sa kanila.
"Oh chill lang. Ganito kasi, si Ma'am Doncha kung kelan late na tsaka nag-pm sakin. Sabi kami daw bahala sa entertainment mamaya dahil last day na daw ng medical mission. Sa hapon pa naman yun kaso naiwan ko yung gitara ko sa school. Yung beat box lang ni Lance ang instrument na pwede nating gamitin." Sabi ni Rimmo habang yung iba nakabusangot pa rin.
"Chill lang daw. Kayo nga ang hindi chill diyan e. Pwede naman kayong mag-perform ng beatbox lang ang gamit a" sabi ko naman.
Sus. Yun lang pala problema nila kala ko naman kung ano na.
"E pag kasi ganun. Si Lance at Xander lang ang magpeperform kasi wala rin namang kwenta kung sasama ako sa stage dahil wala rin naman akong gagawin. Kaso si Xander ayaw mag-perform nang sila lang ni Lance. Wala daw syang tiwala kay Lance. Baka magkalat lang daw sila dun" explain ulit ni Rimmo sakin.
Tiningnan ko naman si Xander, nakatitig lang rin sya sakin habang nakasandal sa pader.
"Ang arte mo alam mo yun?" Sabi ko sa asungot.
"Tss." Sabi nya lang sabay alis ng tingin sakin.
Si Lance naman lumapit sakin and I felt a tug on my shirt.
"Ba't ganun si Xander? Akala ko ba friends tayong lahat? Bakit ba ayaw nya pa rin sakin?" Lance said habang naka-pout. Ang isip-bata talaga kahit kelan.
"Teka nga. Sumasakit braincells ko sa inyo e." Sabi ko.
"Gitara lang ba ang problema nyo?" Alinlangang sabi ko. "Meron ako." I continued.
Pagkasabi ko nun biglang nagliwanag ang mga mukha nila. Mga timang lang talaga 'tong mga to.
"Talaga?! Ba't di mo naman agad sinabi?" Lance said sabay akbay sakin. Kahit kelan talaga.
"E sa ayaw nyo kong pansinin kanina e" sagot ko naman.
"Pero oy ingatan nyo yun a, hindi yun sakin, pinahabilin lang yun nung bestfriend ko" sabi ko naman kay Rimmo.
"Oo naman." Sagot naman ni Rimmo sabay tango sakin
Sigurado ka ba Alex Kate? Ipapahiram mo talaga sa kanila si Alice. Pero wala e nasabi ko na. Tss. Naman.
Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha si Alice sa tabi ng kama ko.
"Uy Alice, ipapahiram muna kita sa mga kaibigan ko a. Wag ka sanang magtatampo" parang sira ko na namang kinausap ang gitara ni Dandan.
Kinuha ko ang lagayan nya sa cabinet atsaka maingat na ipinasok si Alice.
"Oh, ingatan mo yan. Pag yan nasira humanda ka sakin" sabi ko kay Rimmo sabay abot si Alice.
Nginitian lang naman nya ko at tinanguan pagkatapos pumasok na kaming lahat sa van.
Ang tahimik lang ng byahe namin. Pati si Xander na dapat ay nang-aasar na ngayon tahimik lang din.
Hmmm. Nakilala kaya ni Xander si Alice?
Erase. Erase. Stop na nga Alex diba? Ayan na nga yung sign ni Dandan o. Kaya tigilan mo na ang kakaisip kung sya nga ba si L.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...