Alex
"Ang tagal naman ng jeep" bulong ko sa sarili ko. Kanina pa kasi kami naghihintay ng masasakyan pero wala pa ding dumadaan.
"Good things come to those who wait" sabi naman ni Lance kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa langit habang nakapamulsa tapos para syang naka-spot light dahil sa poste ng ilaw na nasa may likod lang namin. Ang gwapo nito ngayon hmmm.
"Oh ba't ka nakatitig? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"
"Oo, hindi mo ba nakikita yung babaeng nakayakap sayo? Nagtataka nga ako ba't hindi ka nabibigatan e..."
"Alex naman e... hindi nakakatawa"
"Seryoso ako Lance"
Sakto namang pagkasabi ko nun namatay yung ilaw sa may poste.
"Ohshit!" Lance said as he jumped on me.
"Ano ba yan Lance, ang bakla mo naman. Ba't ka nangyayakap?!"
"E ikaw e ang hilig-hilig mong manakot" he said in a weak voice habang yakap nya pa rin ako.
"Baliw ka ba, alam mo namang hindi totoo e natatakot ka pa din? Bitaw nga parang sira to" sabi ko habang pilit kumakawala sa yakap nya.
"Minsan may mga bagay na kahit alam mong hindi totoo pinapaniwalaan mo pa rin, na kahit anong pilit mong tanggalin sa isip mo pilit pa ring kumakabog sa puso mo"
"Gago ka ba? Nakakahugot ka pa sa lagay na yan? Bitaw na kasi, chansing ka lang e"
"Buti sana kung may macha-chansing sayo kaso wala e, akala ko nga nung una poste yung nayakap ko e"
"Ah ganun? Poste pala ah"
"Aray! Ano ba yan Alex, joke lang naman e!"
"Ano ha?! Sinong poste?!"
"Aw! Pano mo ko nakikita e ang dilim-dilim? Mamaw ka ba?!"
"Ewan ko sayong bakla ka!" I said as I continue on punching him. Ang kaso he caught my hand and pulled me to him then he hold both of my hands. Para syang nakayakap sakin mula sa likod but in reality his just stopping me from punching him.
"Isang sabi mo pa na bakla ako kakalimutan kong hindi tayo talo"
Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi ni Lance kasi biglang may tumutok saming ilaw.
"Lance?! Alex?!"
"Xander?!"
Napahiwalay kami bigla ni Lance sa isa't-isa. Hala baka kung anong isipin nitong si Xander madumi pa naman isip nito.
"Naisip ko agad kayo nung biglang mag-brown out. Nagbabakasakali ako na hindi pa kayo nakakasakay tapos wala man lang kayong ilaw kaya I followed you but as I can see muka namang wala kayong problema." Xander said coldy.
"Ano, it's not what you think it is. I was teasing him then he got pissed so-" I tried to explain to him pero hindi na nya ko pinatapos.
"You don't need to explain anything, I mean I don't have a say on that, sa totoo nga niyan bagay kayo" he said then he show that annoying smirk of his. What was that? The old Xander is back.
Gusto ko pa sanang magprotesta at sabihin na mali sya pero sakto namang may paparating na jeep na pinara naman agad ni Lance.
"Ano Alex? Diyan ka na lang ba?"
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...