Now playing: Classic
Max volume + Chips +sabog na mga kasama = ride of your life
On the way kami ngayon sa Batangas, wala kasing pasok ngayon dahil all souls and all saints day na bukas kaya naman nagsuggest ang magaling na si Eve na pumunta sa resort nila Xander.
Flashback...
" Ano kamusta report nyo? "
Bungad samin ni Eve pagkaupo na pagkaupo namin. Andito kami sa isang fastfood chain para maglunch. Ewan ko ba kung bakit lagi ko ng nakakasama tong mga to. Anyway, so andito kami dahil tinext kami ni Eve na treat nya kami ng lunch dahil sa wakas natapos na ang reporting at katatapos lang din ng semi finals namin inshort oras na para huminga, matulog, at magsaya ng saglit bago kami maging mga panda at zombie na naman sa finals.
"It went well thanks to Xander, grabe di ko akalain yun a. Pagtitingnan mo sya mukang walang alam tapos nung nagsalita na sya parang ibang tao na ang kaharap namin. Professional ang dating at mukang kagalang-galang kaya nakaligtas kami sa interrogation ni Miss Minchin" sabi naman ni Lance. Grabe naman to makapuri, bakla ata talaga to e. Sabi na may HD (hidden desire) sila para sa isa't- isa.
Tuloy lang sila ni Eve sa paglolokohan habang may silent war na nangyayari samin ni Xander.
" Uhm guys, tutal naman wala tayong pasok this friday gusto nyo out of town tayo? May resort kasi sila Xander sa Batangas e. Chance na to take a break" sabi nya ng excited at ngiting-ngiti pa. Kung makapag-aya sya parang sya yung may-ari ng resort psh.
" What?! No " Sabi naman ng iritableng si Xander..
" Dali na bro, minsan lang tayo makapagpahinga at mawalan ng quiz. Actually may quiz pa din tayo sa Monday pagbalik natin. At mukang magbabaon pa ko ng notes na aaralin. Sige na naman Xander pleaaase " sabi ng mukang tae na si Lance sabay nag puppy eyes.
Ba yan, yung inangas nya nung unang kita ko sa kanya sya namang pagka-isip bata nya ngayon.
" Ayoko. Panggulo ka lang sa date namin "
Sabay nakita kong parang nagulat si Eve at nagblush ng konti.
" E hindi naman ako makakagulo e, kasama ko tong si Alex. Di namin kayo guguluhin pramis. "
" Oh yun naman pala Xander e, pumayag ka na, kj neto. "
" Oh sige na, sige na. Basta wag kayong pahara-hara sa harapan ko" sabay irap ng mokong. Sabi na e. Sabi na lumabas din ang tunay na kulay. Bakla nga to. Daig pa kong maka-irap.
"Oy sinong nagsabi na sasama ko? " sabat ko naman. Syempre oras na para sirain ang pangarap nila mwuahahaha >:)
" KAMI !!! " sabay na sabi ni Lance at Eve ng nakangiting parang aso.
Shet naman -.- kahit kelan wala akong future maging kontrabida. Pang bida lang kasi ang beauty ko. Chos! Ah takte nahahawa na ko sa kabaklaan ng dalawang to haay.
" sige na, takte naman kasi lakas mo rin e no "
Sabi ko kay Lance sabay suntok ng mahina sa braso nya.
End of flashback...
Kaya ngayon here I am at nagsusuffer ang eardrums sa napakagandang boses ni Lance. Hala sige atungal pa. Leshe. Kasama nga din pala namin si MJ, Rimmo, Marie, Jem, Prince, Princess, and CM. Sabi kasi nila Lance boring daw akong kasama kaya nag-aya sya ng iba. Pagkatapos nyang idawit yung pangalan ko ilalaglag ako. True friend talaga noh? -_-
I opened the window at dinama ang malinis at malamig na hangin. Wow lang. Ang sarap huminga kung ganito kalinis ang lalanghapin mo araw-araw. The scent of the trees na papatuyo pa lang galing sa katatapos na ulan, the grass and the sea and even the earth is very welcoming and relaxing. The sky is so clear and the rock formations are magnificent. Pati ang mga party animals natigilan ng makita na nila ang dagat, sobrang ganda kasi talaga ng view. No camera can capture what I'm seeing right now, its beauty can't be contained in a single photograph.
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...