chapter4

178 3 0
                                    

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school, 5:30 am pa lang kaya wala pang tao at nakapatay pa yung ibang mga ilaw. Ewan ko ba , may times na gusto ko lang talaga mapag-isa. And I always liked the silence of mornings like this especially when I came to see the sunrise. Seeing the sun rise again fill me with hopes that there's always a chance to live your life anew, to start fresh, and mark a new beginning.

Dumaan muna ko sa room para ibaba yung gamit ko tapos dumiretso ako sa lobby ng floor namin para tumambay. Pinatong ko yung baba ko sa dalawa kong kamay habang hinihintay ang paglabas ng araw sa medyo orange ng kalangitan. Pumikit ako saglit, ang sarap lang ng feeling ng ganito tapos ang lamig pa.

"Bakit ang aga mo pumasok? Tapos mag-isa ka pang tumatambay dito. Hindi ka ba takot sa multo?"

Napamulat ako ng may magsalita mula sa likod ko at kilala ko na kung kaninong boses yun.

"Ano bang pakialam mo? Bakit ba feeling close ka? We're not even friends"

"Bakit ba ang suplada mo palagi? Kaya wala kang kaibigan e"

"Wala ka na dun. Kaya kong mag-isa. Hindi ko sila kailangan."

"No man is an island" sabi nya ng medyo natatawa.

"Anong nakakatawa? Bakit pa ko maghahanap ng kaibigan if one day alam kong we just have to say goodbye to one another 'coz sooner or later we have to live our lives separately. Masasanay lang ako ng may inaasahan tapos mawawala din naman, mabuti na yung ganito ateast alam kong hindi ako iiwan ng sarili ko."

"Hahaha. So many reasons, well I'm just saying lang naman. Isa pa you don't have to be guarded always as if someone will always hurt you at kung masaktan ka man normal lang naman yun, parte yun ng buhay natin. You don't have to put a period at the beginning of a sentence. Tinatapos mo na kasi agad e wala ka pa ngang nasisimulan"

Tumalikod na lang ulit ako sa kanya pagkatapos nyang sabihin yun. Ewan ko ba pero kasi may point naman yung sinabi nya ayoko lang tanggapin. Naramdaman ko naman na tumabi s'ya sakin.

"Bakit ka nga pala lumipat dito? Alam mo ba na dito ko nag-aaral?" sabi ko sa kanya in a less offensive tone.

"I thought you'd ask that. Nope, hindi ko alam na dito ka pala pumapasok. Dito kasi na-assign si Dad kaya lumipat kami. And purely coincidence lang na dito nila ko in-enroll."

"Aah, buti na yung malinaw."

"E-ehem, ehem. At dito nyo pa talaga naisipan magdate na dalawa."

Napalingon kaming dalawa sa biglang nagsalita at nakita ang isang Chris na nakangiti ng nakakaloko.

"Date?! Yak! Ang panget kaya nyan!" sabay naming sabi ni Daniel.

Tapos napatingin kami sa isa't-isa at bigla na lang natawa. Mas masarap pala manuod ng sun rise ng may kasama.

***

Nagising ako ng naramdaman kong may gumagalaw sa bandang paanan ko sa ilalim ng kumot. Kinabahan ako bigla at pinagpawisan ng malamig. Shet may ganitong scene sa The Grudge. Hindi ko alam ang gagawin kung tatayo ba at tatakbo ako o pipiliting isara ang mga mata ko hangga't kaya. Ayan na, nakikita ko ng gumagalaw kung ano man yung nasa ilalim ng kumot ko papunta sakin, nasa may bandang tiyan ko na sya. Shet, Lord help me. Kung ano man pong mangyari sana sa inyo ako mapunta at hindi kung saan man.

Ayan na palabas na sya ng kumot. Waaah. Naiiyak na talaga ko.

E?

.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon