chapter14

159 1 0
                                    

Alex

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong ma-stuck kasama ang pesteng asungot na to. Kainis. Tsk.

"Mag-hapon ka lang bang sisimangot diyan?"

"Wala kang pake" sabi ko kay Xander ng pabulong habang nag-aabot ng kahon ng vitamins sa Ale na nasa pila.

"You're giving them meds to make them feel better but showing them that bitter face of yours cause them to feel otherwise."

"Psh. Makikipagpalit na lang ako kay Prince ng station. Hindi ko mapigilang hindi uminit ang dugo ko kapag nakikita kita"

Paalis na sana ko nang may tatlong batang biglang lumabas sa harap namin. Teka...

"Uy! Si Kuyang gentleman sa jeep oh!" Sabi nung batang babae.

"Oo nga!" Sabi naman nung isa pang batang babae na may maiksing buhok na halos kapareho ko ang gupit.

"Ah kuya pakibigyan nga kami ng vitamins na pang baby tapos pangkasing-edad namin tsaka pang-senior citizen" sabi naman nung batang lalaki.

"Ahhh. O sige. Eto oh" sabi naman ni Xander habang inaabot dun sa batang lalaki yung paper bag na may lamang vitamins at gamot.

"Pero wait. May itatanong lang ako bago ko to ibigay sayo." Sabi ulit ni Xander habang naka-bitin ang kamay nya sa ere.

"Nasaan ang mga magulang n'yo? Bakit hindi sila ang pumunta dito? Supposedly dapat sila ang uma-attend dito diba?"

"May trabaho sila. Hindi nila pwedeng iwan ang trabaho nila o wala kaming kakainin mamayang hapunan" sabi naman nung batang lalaki. Para syang matanda na kung mag-salita. Ni hindi man lang s'ya na-intimidate kay Xander.

"Ah ganun ba." Sabi naman ni Xander pagkatapos iniabot na yung mga gamot dun sa bata.

"Tara na Sophia, Ken" tawag nung bata sa dalawang babae habang dire-diretsong naglakad paalis.

"Dito muna kami! Susunod na lang kami sayo!" Sagot naman nung batang babae na may mahabang buhok.

"Hindi pwede. Umuwi na tayo." Sabi naman nung batang lalaki.

Kaso hindi sya pinansin nung dalawang batang kasama nya.

"Hi ate, kuya. Ako po si Sophia. Sya naman po si Ken" nakangiting sabi sakin nung batang babae. Mahaba ang buhok nyang straight at masigla syang nakangiti samin.

"Hi I'm Alex" sabi ko naman.

"Xander" sabi naman ni Xander habang nakangiti. Muka syang mabait ngayon a. Muka lang.

"Uhmm. Kami po yung tinulungan nyo maka-upo sa jeep tanda nyo pa po ba?" Sabi naman nung si Ken.

"Ahhh yun. Wala yun. Kaso sa susunod dun na kayo sa maluwag na jeep sumakay para mas safe kayo " Sagot ulit ni Xander.

Buti na lang wala ng taong nakapila kaya pwedeng -pwede na namin sila kausapin.

"Ano. Kasi po- sa totoo nyan wala kasi kaming pamasahe kaya sumasabit kami araw-araw papasok sa school." Sabi naman ni Ken samin.

"Hindi ba delikado yun? Pano kung mahulog kayo?" Sabi ko naman.

"Hindi po kami mahuhulog. Andyan po si Dennis. Hindi nya kami hahayaang masaktan" sabi naman ni Sophia habang tinitingnan yung batang lalaki ng nakangiti.

Napatingin ako ulit dun sa batang lalaki pero nag-iwas sya ng tingin. Despite his looks I could say that he's a good kid and he reminds me of someone.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon