Tahimik lang kami hanggang makarating sa school. At syempre nauna syang bumaba, napaka gentleman talaga.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa tapat ng room. Hindi pa rin ako mapakali.
"salamat"
Sabi ko sabay overtake sa kanya bago pa sya makapasok sa room. Hindi ko na sya nilingon para makita how he reacted, as if namang may pakialam yun kung mag-thank you ako o hindi.
"Good morning!" sabi ni Lance while smiling ng wagas.
"Walang good sa morning"
Nakita kong nawala yung ngiti nya. Ano ba yan, nakakaguilty.
"Wag ka ngang sumimangot jan. Ang panget mo lalo sa umaga pagka ganyan ka"
" e kasi naman ikaw, ang aga-aga ang sungit mo "
" Para kang bata. Ano si Xander kasi..."
"Si Xander? bakit anong ginawa nya sayo?"
"He saved me. Muntik na kasi akong mahulog sa jeep"
" what? niligtas ka na nga galit ka pa? "
" Oo, basta ang init talaga ng dugo ko jan "
" Grabe ka Alex. Napaka cold-hearted mo naman. Nakakatakot ka " sabi ni Lance sabay talikod sakin.
Hay, why did I even bother telling it to him.
Lumipas ang buong period ng hindi ako kinakausap ni Lance. Ni ayaw man lang ako tingnan. Kahit may iaabot o sasabihin sya pinapasabi nya pa sa kaklase namin.
"Para kang timang alam mo yun?"
" Aray naman Alex, bat nanghahampas ka? Di ka lang pala cold-hearted, sadista ka din " sabay talikod nya.
" Aish, ewan ko sayo. Tara nga kain na lang tayo "
Di sya nagsalita kaya sinabayan ko na lang sya sa paglalakad kaso binilisan nya, kaya binilisan ko din. Ang sarap naman pagtripan nitong si Lance, para naman kasing ewan.
" Lumipat ka ng table " sabi nya pagkalapag ko ng tray ko sa harap nya.
" Wala ng bakante " sabi ko habang nakangiti ng pang-asar.
"Aish"
Naaawa na ko sa bakemac nya na sa tingin ko kanina nya pang pinapatay sa utak nya.
"Ano ba Lance, nagthank you naman ako sa kanya kanina. Tsaka ba't ba big deal sayo yun?"
His face lit up when I said that.
" May natitira pa palang kabutihan sa puso mo haha. Wala lang, para ka kasi laging galit sa mundo. Isa pa kaibigan mo ko kaya affected ako sa actions mo "
Gusto ko na sanang sabihin na " Oh? magkaibigan pala tayo?" kaso baka kung ano na namang gawin nya, naaawa na ko sa bakemac.
" Ewan ko sayo, para kang sira. "
After that is another boring day. Sabay ulit kaming umuwi ni Lance.
"Tati!"
Napangiti agad ako ng makita ko si Cody patakbo sakin.
" Payakap nga na mahigpiiiiit.... mmmmmmmmm"
Tapos binuhat ko sya then we spin around. Tawa lang sya ng tawa. Ang cute talaga ng inaanak ko haha.
" Hoy Alex tama na yan, baka maalog utak ng anak ko wag mong igaya sayo "
" Sakin? Baka sayo. Pagkatapos ko tong habulin ng habulin kanina, tapos muntik pa kong maging anemic ipagkakait mo sakin. Anong klaseng kuya ka?!"
" Kayong dalawa tama na nga yang kadramahan nyo, kung gusto nyo pang umabot sa cake at ice cream pumunta na kayo sa kusina. Andun na si Cody "
Pagkatapos yun sabihin ni ate Yanny dun ko lang napansin na wala na nga si Cody. Pano yun nakababa sakin? Buhat ko lang yun kanina ah.
"Aleeex. ayaw mo talaga? bahala ka wala ka ng aabutaaaan "
" Andyan na ko Naaay! Ipagtabi mo koooo "
After that dramatic scene we decided not to have dinner. Busog na busog kasi kaming lahat especially Cody. Grabe ang liit-liit pero parang 3 adults ang capacity ng stomach nya. Mamaw sya -.-
" Tati, what do you mean by being inlove? how about having bestfriend? How about unrequited love? one- sided love? true love? "
Napanganga ako sa mga tanong ni Cody. Andito kasi kami ngayon sa kwarto ko kasi dito daw nya gusto matulog.
"Ah- eh. Where did you get that?"
"Manang Flor"
Napa-face palm ako. Si Manang talaga hay.
"Uhm baby, let's start with bestfriend okay? Bestfriend is someone you can rely on in times of need..."
" You mean like superman?"
Patapusin mo muna ko please. Mababaliw na ko sa batang to T.T
"No baby, being a bestfriend doesn't necessarily mean that you should be a 'Hero-friend ' it's just being there for your friend when he needs you. Whether you do something or you do nothing what matters is you are there for him. Sometimes your bestfriend knows you more than you know yourself because he see you just as you are, not blinded with your fears, insecurities, anger or other discouragements. He will see the part of you that you never dare look at in fear of what you will see and still accept you... "
" Like spongebob and patrick? "
"Yes baby, just like them"
" Then who is your patrick? "
Time check: 12:45 am
That last question just before ate Yanny came in to give Cody a goodnight kiss is still ringing in my head and keeps me from falling asleep. The more I want to sleep, the more I feel awake.
" Then who is your patrick? "
There will always be one answer to that question. Ang hirap lang kasi nasanay ako sa "No erasure"
BINABASA MO ANG
Just Me
Teen FictionAng hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip...