chapter16

170 1 0
                                    

Xander

"Oh pasa! Pasa!" Sigaw sakin ni Rimmo.

Pinasa ko agad yung bola. Tapos pinasa naman ni Rimmo kay Sophia atsaka nya ito binuhat para ma-shoot nya sa ring.

"Yey! Good job!" Sabi ni Rimmo kay Sophia atsaka sila naghigh-five.

"Oh teka, teka kami din!" Sigaw naman ni Lance sabay dampot ng bola at ibinigay ito kay Ken pagkatapos binuhat nya rin si Ken para sya naman ang mag-shoot sa ring.

"Ayos!" Saka nagfist-bump si Lance at Ken.

Half-court lang ang laro namin. At laro lang talaga sya, hindi seryosohan katulad ng pag kami-kami lang ang naglalaro, more on kulitan lang ganun.

I saw them smiling, kahit na pawisan na kaming lahat it feels refreshing watching them like that.

Nabaling ang tingin ko kay Alex na nakatayo habang pinapanuod rin sila Lance na nakikipagkulitan kina Ken at Sophia at nakikita ko sa mga ngiti nya ngayon na sobrang saya nya. She used to smile like that a lot when she was playing with Dee. I bet he's the one she's thinking of right now.

Alex

"Uy guys 5 pm na, kailangan na nating bumalik sa camp" Jem said kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oo nga noh, ang bilis naman" Prince said while checking his watch.

"Pwede po ba kaming sumama pabalik sa inyo sa camp para mahatid namin kayo?" Tanong ni Ken samin.

"Oo ba, kaso bilisan na natin para hindi kayo abutan ng dilim pabalik  sa inyo" Lance said while smiling.

Lumabas na kami sa lumang basketball court at nakita ko ang magkahalong pink at violet na medyo may pagka-orange nang kalangitan. Sayang ang bilis natapos ng araw na to.

"Wag kang mag-alala may bukas pa naman e"

Napatingin ako ng biglang magsalita sa gilid ko si Xander pero sa daan lang sya nakatingin. Nasabi ko na naman ba ng malakas yun?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Main, hindi nagtagal nagpaalam na rin kami kina Sophia, Ken at Dennis.

"Kuya Xander!" Pahabol na sigaw nila Ken at Sophia bago kami pumasok ng van.

"Oh bakit?" Tanong naman ni Xander tapos medyo nag bend sya ng konti.

Patakbo syang nilapitan ni Ken at Sophia saka sya hinalikan ng dalawa sa magkabilang pisngi.

"Thank you po! Dahil sa inyo nakalaro namin sila Kuya Lance, Rimmo, Jem, Prince at syempre si Ate Alex!" Sabi ni Sophia habang ngiting-ngiti.

"Wala yun. Kami nga ang dapat mag-thank you kasi isinama nyo kami sa hide-out nyo e" sabi ni Xander then he pat their heads.

"Oh pano, alis na kami ha. Kayo rin umuwi na kayo agad bago kayo gabihin. See you tomorrow! Ingat kayo" sabi pa nya sa kanilang tatlo ng nakangiti bago sya tuluyang pumasok ng van.

Nag-wave kaming lahat sa kanila bago kami tuluyang umalis.

---

"Grabe ang c-cute nilang tatlo" sabi ni Prince ng medyo makalayo na kami sa Brgy. Kapalaran.

"Parang si Princess?" Mapang-asar na tanong ni Lance kay Prince.

"Aaay, iba ang kacute-an ni Princess. Malupit ang pagka-cute nun. Sa sobrang cute nya minsan ang sarap nyang yakapin ng sobrang higpit na walang bitawan" sabi naman ni Prince with a hint of sarcasm in his voice.

Just MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon