Chapter Thirty Three

153 5 0
                                    

BILLY noticed ng mga sumunod na araw ay nagbago kahit paano ang pakikitungo ng asawa sa kanya. Hindi na ito malamig makipag usap sa kanya, medyo mahahaba na rin ang mga sagot nito kapag tinatanong niya though hindi pa rin ito ang madalas magpasimula ng usapan lagi na ay siya, tinitingnan na siya nito kahit paano kapag nag uusap sila though hindi matagal, madalas na rin itong sumabay kumain sa kanya, hindi na rin ito gaanong makalat sa bahay, at sinamahan na rin siya nitong magroceries noong isang araw.

Ilang beses na rin siya nitong hinahatid at sinusundo sa opisina kapag coding siya. At sinabi pa nito na kapag malaki na raw ang tiyan niya ay hindi na siya puwedeng magmaneho papasok ng opisina, ihahatid at susunduin na lang daw siya nito araw araw, na siyempre ay gustong gusto niya. At gusto rin nito na magleave na siya sa trabaho sa ikawalong buwan ng tiyan niya para daw hindi siya mahirapan. Sang ayon din naman siya doon.

Masaya na dapat siya kasi nag improve na ang pagsasama nila kahit paano, pero nalulungkot pa din siya. Lagi na lang kasing may kulang. Wala man lang sweetness o lambing kung pakitunguhan siya. It's as if Jansen has reservations in getting close with her. Na para bang pinapakisamahan lang siya nito para maging maayos ang pagsasama nila but he has no intension na palalimin pa ang relasyon nila. It's as if ayaw nitong makapasok siya sa puso nito..

"Billy!" naagaw ang atensyon niya mula sa pinag aaralang design sa monitor ng pc niya sa matinis na tili ng kaopisina niyang si Rowan. Pasadlak itong umupo sa visitors chair niya at tila kinikilig na hindi niya mawari.

"Kung makatili naman ito, nasa opisina tayo Rowanna!"saway niya dito.

"Rowan lang Billy"nakangiwi namang sabi nito sa pagbigkas niya ng buong pangalan nito.

"E bakit ka ba kasi tumitili diyan?" nakataas ang kilay niyang sabi na muling itinuon ang tingin sa pc niya. Malamang sa malamang ay tsismis ang hatid nito o kaya ay may nakita itong guwapo kaya tumitili ito ng ganito. Ganoon ito palagi, hindi yata dadaan ang isang linggo na hindi siya nito pupuntahan sa opisina niya at tsitsikahin kahit na kung tutuusin ay under niya ito at boss siya nito. Gusto naman niya iyon, kahit paano ay narerelax siya sa mga kuwento nito at nawawala ang stress niya sa trabaho. At first name basis ang tawag nito sa kanya at walang kaso sa kanya iyon.

Noon ngang malaman nito na ikinasal siya ay pilit siya nitong pinapagkuwento pero tinatawanan lang niya ito dahil wala itong nakuhang anumang detalye sa kanya. Hindi kasi siya makapagkuwento that time dahil hindi naman normal ang naging kasal niya. Alangan namang ikuwento niya na pinakasalan lang siya dahil nabuntis siya.

Wala itong ilang sa kanya, at okay lang iyon dahil magkaibigan sila at naging kapitbahay pa nga niya sa townhouse niya dahil nabili nito ang katabi ng townhouse niya na hindi na niya nauuwian mula ng mag asawa siya. Ito ang pinakabago sa mga interior designers nila. Mga anim na buwan na itong nagtatrabaho sa Alpha Brava. Pero kahit bago ito ay naging malapit agad sila sa isa't isa. Siguro ay dahil halos magkaedad lang sila at halos magkapareho ng ugali. Carefree, spirited, at happy go lucky.

"Jusko Billy saan mo ba nakita yang mister mo? Wala bang kapatid yan? O kaya kaibigan na ganyan kapogi? Ireto mo naman ako. Ang guwapo shet!"tila ito inaasinan sa pagkakilig at ang lakas pa ng boses.

"Heh, hinaan mo nga. Marinig ka ni Raffy!"natatawang sabi niya. Dahil coding siya ay inihatid siya ni Jansen kanina, at inihatid siya nito hanggang sa may lobby. Eksakto namang papasok si Rowan at napatanga ito ng mapatingin kay Jansen. At dahil alam niyang kukulitin siya nito ay nagkunwari siyang may nakalimutan sa kotse para mauna na itong umakyat at sumakay ng elevator. Pero heto at wala pang isang oras ay hindi nakatiis at pinuntahan pa siya.

"So how was it? Daks ba? prangkang sabi nito na nanlaki ang mata ni Billy. Agad din ang pag iinit ng pisngi niya.

"Ano ba yang pinagsasabi mo! Ke aga aga!"naeeskandalong sabi niya na iniwas ang tingin dito. Dahil kahit lasing siya ng gabing may mangyari sa kanila ni Jansen ay nakita niya iyon at naaalala niya ng malinaw. Kinabahan pa nga siya ng makita ang dragon nito na kung hindi siguro siya lasing ay baka umurong siya, jusko daks na daks, he was..he was so huge and hard! Kaya nga pagkatapos niyon ay ilang araw na masakit ang pagitan ng mga hita niya at iika ika siyang maglakad na nagtaka pa ang lola niya, sinabi na lang niya na natisod siya at masakit ang paa kaya umiika ika siya. At kinagabihan ay nilagnat pa siya, at muntik na siyang matawa ng sinabi ng lola niya na baka daw napilayan siya sa pagkatisod kaya siya nilagnat.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon