SA KOTSE ni Perry ay walang patid ang mga luha ni Billy. Naghahalo na ang sipon at luha niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Inabutan siya ni Perry ng box ng tissue na kinuha niya upang ipahid sa mga luha niyang walang puknat at dahil sinipon na siya, she even blew her nose na napangiti si Perry sa kabila ng kaseryosohan ng sitwasyon.
At pagkatapos ay umiyak na naman ito ng umiyak. Hindi tuloy alam ni Perry kung aalis pa ba sila sa kalagayan nito.
"Billy..please stop crying, you'll get yourself ill" he said worriedly. Damn Jansen for making her cry like this! Hindi niya alam ang dahilan ng pag aaway ng dalawa. But he could tell from the looks of it that it is serious. At sa nakita niyang pagdidilim ng mukha ni Jansen kanina, he looks so angry na akala pa nga niya ay magagawa nitong saktan si Billy kaya napalapit siya kanina kay Billy. Gusto niyang malaman mismo kay Billy kung ano ang nangyari pero hindi rin niya ito makausap ng maayos kanina pa. At may isang oras na yata sila sa basement parking na nakahazard dahil iyak lang ito ng iyak.
Pero hindi pa rin ito sumagot basta iyak lang ng iyak.
"Billy.. it's okay kahit hindi muna tayo tumuloy, you don't look okay. Gusto mo ihatid na lang kita ulit sa unit mo?" sabi niya dahil sa tingin niya ay talagang mukhang may dinaramdam ito. Maybe she needs some time alone. Yayayain na lang niya ito sa ibang araw.
"No..it's okay, just give me a couple more minutes and then I'll be allright" garalgal ang tinig niyang sabi. Si Perry ay napatango naman.
She inhaled exhaled at pagkatapos ay kumuha ulit ng tissue upang punasan ang mga luha niya. Noon pa, alam na niyang masasaktan siya, pero hindi niya sukat akalain na ganito pala kasakit kapag nakita mo at nalaman mong nagpalipas ng gabi ang girlfriend ni Jansen sa piling nito. Iba yung alam niyang posibleng may nangyayaring ganoon sa dalawa, which is common na lang ngayon sa mga magkakarelasyon, pero ibang usapan na pala kapag nakita iyon mismo ng mga mata mo. It's too much to bear. Hindi pala niya kaya.
Tapos, ito pa ang magagalit? Ano ngayon kung umiyak siya at namaga ang mga mata dahil doon? Karapatan niyang umiyak dahil nasasaktan siya. Bakit ito nagagalit kung ibang dahilan ang sinasabi niya? O alam nito ang dahilan at kaya ito nagagalit ay dahil ayaw niyang sabihin ang totoo? At bakit gusto nitong aminin niya kanina ang totoo? Anong gusto nitong mangyari? Wala namang mababago sa sitwasyon nila kahit aminin pa niyang nagseselos siya sa nakita. At kung umamin man siya, anong gagawin nito? Na dahil sa nagseselos siya ay iiwan ba nito ang girlfriend nito kapag sinabi niya? At alam niya ang sagot, hindi. What difference would it make kapag umamin siya ng totoong nararamdaman?
Pero hindi siya puwedeng umamin dahil baka layuan siya nito. Ayaw niyang masira ang friendship nila. Iyon na nga lang ang mayroon siya para mapalapit dito at ayaw niyang pati iyon ay mawala pa. At ang higit na dahilan, he just love her as his friend and as his little sister. At matagal na niyang alam iyon. At ang pinaka sa lahat ng mga dahilan, he love his girlfriend so much dahil nakikita niya iyon.
Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat ng sakit na naranasan niya sa lihim niyang pagmamahal sa kaibigan niya. Na kahit yata umiyak siya buong araw at buong gabi ay hindi mababawasan ang sakit. At ano, forever na lang ba siyang ganito? Na aasang isang araw mapansin siya nito bilang isang babae? Ang tanong kailan kaya iyon? At ang isa pang tanong, mangyari pa kaya iyon? Sooner or later, mag aasawa din si Jansen, at kung dumating ang panahon na iyon, ganito pa rin ba siya? Iiyak na lang sa isang tabi?
Alam niya mahirap sa umpisa, pero she has to take steps para unti unting ilet go ang binata, even if it would be baby steps, at least may step siyang gagawin. She should get a life too...Hindi dapat matapos ang mundo dahil lang sa hindi siya matutuhang mahalin ng bestfriend niya ng higit pa sa isang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...