Chapter Twenty

164 3 0
                                    

"HEY babe! Natulala ka na diyan?" naaaliw na pinagmasdan ni Jansen ang hitsura ni Billy sa sinabi niya. Nakaawang pa ang bibig nito na parang may pagka OA sa pagkagulat.

Alam niya magugulat ito, maging siya ay nagulat din sa biglaang desisyon niya. Hindi niya ito puwedeng pabayaan sa problema nito. But he'll be damned kung hahayaan niyang ang boss nito ang ipapakilala nitong fiancé sa lola nito! The man is older, has been married and has a child. Paano kung mahulog ang loob ni Billy dito habang nagpapanggap ang mga ito?

Gusto naman niya ay isang single at walang sabit na lalaki ang makatuluyan ng kaibigan niya kaya siya na ang tutulong dito. Wala siyang tiwala sa lalaking iyon. Tingin ba niya ay may gusto talaga ito kay Billy at sinasamantala nito ang closeness nito kay Billy para lalong mapalapit sa dalaga. At hindi niya nagugustuhan ang mga tingin, paghawak at pag akbay nito kay Billy! Para kasing may something e, parang gusto talaga nito si Billy! Sa naisip ay bigla na namang uminit ang ulo niya.

Good thing at may five months contract ang girlfriend niyang si Maris sa Madrid at bukas ang alis nito. Kaya malaya niyang matutulungan si Billy sa problema nito. Saka na lang niya ikukuwento sa girlfriend ang gagawing ito. Alam niya maiintindihan nito iyon, dahil kahit kailan ay hindi niya ito kinakitaan na pinagselosan nito ang closeness niya kay Billy at natutuwa siya na naiintindihan nito ang friendship nila ni Billy. And for that he loves her more.

Napangiti siya pagkaalala sa kasintahan. After kasi ng kontrata na ito nito sa Madrid ay aasikasuhin na nila ang kasal nila. At kapag ikinasal na sila ay magbibitiw na ito sa trabaho para mapagtuunan ang pagiging full time housewife nito sa kanya. But he will allow her to be a freelance photographer kung gusto nito, yung walang kontrata para hindi kumain ng oras sa pagbuo ng pamilya nila. Ayaw din naman niyang hindi nito magamit ang talent at pinag aralan nito. At lalong natuwa si Maris sa kanya na pinapayagan pa rin niya ito sa gusto nito.

"Babe, pakitikom na yang bibig mo at baka pasukin ng lamok!"natatawang kuha niya sa atensyon ng kaibigan na nabatobalani na yata.

Napakurap kurap naman si Billy at bigla niyang naitikom ang nakaawang na bibig. Nakakagulat naman kasi itong si Jansen. Kung anu ano ang pinagsasabi!

"Eh Jansen..alam kong nag aalala ka sa akin at gusto mo akong tulungan pero alam kong hindi ka puwede siyempre hindi papayag ang girlfriend mo diba? At saka baka magselos iyon, siyempre kapag nagpanggap tayo palagi tayong magkakasama lalo na kapag nandiyan si lola, siyempre as bf and gf kailangan nating maging sweet sa harap ni lola.. kaya thanks for volunteering kahit hindi puwede" aniya pero bakit ang bigat ng dibdib niya? Bakit umaasa siya na sana nga puwede ito.

Lihim namang natatawa si Jansen sa hitsura ni Billy. Kung kanina ay shock na shock sa sinabi niya ngayon naman ay tila ito mukhang tindera na hindi nakabenta, mukhang nalugi ang hitsura at lungkot na lungkot. Siguro ay dahil iniisip nitong hindi siya puwede. Well kahit yata nandito pa si Maris at nagkataong wala itong kontrata ay magvovolunteer pa rin siya kaysa naman sa boss nitong tanders ito humingi ng tulong! Nag iinit kasi talaga ang ulo niya maisip pa lang na lagi itong makakasama ni Billy! That man is very experienced at and Billy is innocent and naïve, baka mamaya ay mag take advantage pa ito kay Billy at makapangbugbog siya ng matanda sa kanya ng wala sa oras!

Patatagalin pa sana niya ang tila naluging hitsura ni Billy dahil natatawa siya pero tila may kumukudlit naman sa dibdib niya sa lungkot na nasa mga mata nito ngayon. And suddenly a surge of joy rushed through him when realization hit him. Billy was sad dahil gusto rin nitong siya ang tumulong dito at magpanggap na fiancé nito! At iniisip nitong nagbibiro lang siya kaya nalungkot ito.

At hindi na nga niya ito natiis.

"Puwede ako babe. Maris has a five month contract at bukas ang alis niya. Saka ko na ipapaliwanag sa kanya I'm sure maiintindihan naman niya" aniya habang matamang tinitigan ang kaibigan na biglang umaliwalas ang mukha. Her pretty face suddenly lightened up na pakiramdam ni Jansen pati paligid niya ay biglang nagliwanag sa ngiting sumilay sa mga labi nito.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon