Chapter Forty One

163 1 0
                                    

"IF ONLY I'm not busy at the company I would go with you Billy" may lungkot na sabi ni Railey habang inaalalayan siya nitong makababa ng kotse habang karga nito si JD sa isang kamay. Then kinuha nito ang mga luggages nila ng anak sa trunk ng kotse nito. Ayaw sana niyang magpahatid pa dito sa airport pero mapilit ang binata.

Alam niyang busy ito. He just assumed the role of CEO sa kumpanya ng ina nitong si Anna Wright, ang R&R Advertising Company na isa sa pinakamalaki at pinasikat na advertising company hindi lang sa LA but across US. Dahil mahilig sa race car driving, pagkagraduate nito ay hindi muna ito nagtrabaho sa kumpanya ng pamilya bagkus ay pinagtuunan ng pansin ang pagkakarera, at hindi nagtagal ay naging sikat na international race car driver, making Railey one of the most sought after bachelors of Los Angeles. Women would always swoon at the tall and very handsome blue eyed Railey Wright.

Kaya naman hindi makapaniwala si Billy na isang tulad niyang hiwalay sa asawa at may anak ang gusto nito. Mula ng magkakilala sila nito ay hindi na siya nito tinigilan. Pero sa una pa lang ay tinapat na niya ito na friendship lang ang kaya niyang ibigay dito. After what happened to her and Jansen, hindi niya kayang buksan ang puso sa iba. Not now, or baka nga hindi na. Her son JD is enough for her to go on with her life hanggang sa tumanda siya. Pero mapilit ito na hinahayaan na lang niya. Pasasaan ba at magsasawa din ito.

Sabi pa nito, sa friendship daw nagmumula ang love kaya maghihintay ito. Alam kasi nitong nilalakad niya ang annulment niya from Jansen. At tama naman ito, love sometimes comes from friendship katulad ng sa kanila ni Jansen. At hindi lang dahil sa guwapo o mayaman ito kaya kaibig ibig ang binata, he is also a gentleman at napakabait. Wala na siyang mahihiling pa kung sasagutin niya ito.

But it's really just friendship ang nararamdaman niya para dito, or to say more accurately tila siya nagkaroon ng kapatid na lalaki sa katauhan nito. Para lang din itong si Perry o si Raffy na laging nariyan at alam niyang handa siyang tulungan anumang oras. And she knows na hindi siya ang para sa lalaki. Hindi pa lang nito nakikilala ang babaeng para dito. At hindi siya iyon. Because she can't give her heart to him or to anyone anymore, matagal na niya iyong naibigay kay Jansen..at kahit sinaktan siya nito..hindi pa rin niya iyon kayang ibigay sa iba..

Napangiti siya sa tila naluging hitsura ni Railey ng pipila na silang mag ina sa check in.

"Hey we'd be back in two to three weeks okay? Huwag ka ng malungkot"she said teasing him. Kahit paano ay nakakaintindi naman ito ng Tagalog at nakakapagsalita ng kaunti.

"How can you say that? Now that you're about to check in I'm already missing both of you" sabi nito na karga pa rin si JD.

"I'm already missing you too Tito Railey. I'll just kiss you tito so that you won't be sad anymore"sabi naman ni JD na nakayakap ang maliliit na braso sa leeg ng binata. Saka nito hinalikan ang lalaki sa pisngi that made Railey chuckled.

"See tito you're not sad anymore, you're smiling now!" hagikhik din ni JD lalo na ng paghahalikan din ito ni Railey sa buong mukha na ikinatawa na ni Billy. The two are really that close. Minsan nga kapag naroon sa bahay ang binata ay ito halos ang kasama ni JD. They would spend the day watching TV, playing or swimming sa pool at maghapong maghaharutan.

And she is so thankful to Railey for that. Kahit paano ay mayroong male figure na nakakasama ang anak niya, though in fairness to Jansen, sa mga video calls nito sa anak kahit hindi niya nakikita at naririnig lang niya, ay hindi ito nagkukulang sa anak. Wala din itong kasawaan kahit ilang oras ang itagal ng video call nito at ni JD. May pagka hyper pa naman ang anak niya, tila hindi nauubusan ng energy at kahit gabi sa Pilipinas at umaga sa LA sa mga calls ng dalawa ay hindi kariringgan ng pagkapagod si Jansen sa pagkausap at pagsunod sa anumang gustong gawin ng anak at nito.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon