Chapter Seven

152 4 0
                                    

MAYA'T MAYA ay sinusulyapan ni Jansen ang wristwatch niya. Nasa salas siya ng studio type apartment niya at binuksan ang TV to past time habang hinihintay ang magaling niyang kaibigan.

Alas otso na ng gabi, it's dinner time at wala pa ang babaeng iyon na nagrequest ng ulam ngayong gabi. He even got up on time from work, pagpatak ng alas singko ay tumayo na siya, na ikinagulat ng iba niyang kasamahan. Paano kasi he usually extend ng mga thirty minutes o kaya ay isang oras after office hours.

But today's different, may isa kasing trouble maker na nagrequest ng gustong kainin at naalala nga pala niyang wala siyang stocks ng gusto nito. He even had to go to the supermarket to buy some porkchop and ingredients and some vegetables at dinagdagan na niya iyon ng ibang wet and dry groceries at baka may hilingin na naman sa ibang araw ang babaeng iyon!

Nagmamadali pa siyang makauwi agad para makapagluto ng dinner, kailangan pa kasi niyang palambutin ang porkchop sa pressure cooker para mas masarap. Mga six thirty ay nasa bahay na siya. Pero napatingin siya sa katabing unit, madilim pa, wala pa ang brat na iyon!

Ang alam niya ay hanggang four lang ang pasok nito. And it's just her first day in school, so hindi pa ganoon kadami ang ginagawa kapag ganito kaya dapat ay nandito na ito, and besides, magjejeep lang ito ng halagang nuwebe pesos meaning hindi malayo ang biyahe nito kaya dapat ay nakauwi na ito. Unless nayaya ng mga kaklase sa mall o sa lakwatsa sa unang araw ng pasukan!

He annoyingly prepared everything and in just an hour ay nakahanda na ang table pero ang kakain ay wala pa. At tinext na niya ito kung nasaan ito, at ni hindi nagreply. Nang subukan niyang tawagan ay out of coverage naman ito, saan ba ito nagsususuot gabi na!

His patience is about to wear out ng makitang mag aalas diyes na ng gabi saka naman sumungaw sa pinto ng screendoor niya ang pinakahihintay.

Sambakol ang mukha na binuksan niya ang screendoor. "So marunong ka pa palang umuwi? Tinext pa kita ni hindi ka nagrereply!" sarkastikong sabi niya at muling bumalik sa pagkakaupo at kinuha ang remote upang ilipat lipat ang TV at hindi ito pinansin.

She just smiled at him na para bang walang nangyari at pabagsak na umupo sa tabi niya at ipinatong sa sahig ang shoulder bag nito.

Hindi pa rin niya ito pinansin dahil naiinis siya, nagluto siya at lahat tapos late naman itong uuwi! Sige lang siya sa paglipat ng channel, mabuti na lang at nakacable iyon at marami siyang channel na paglilipatan na hindi mahahalatang pabalik balik na siya sa paglipat noon.

"Uyy Jansen sorry na! Nalowbatt kasi ako kaya hindi nako nakareply. Huwag ka ng magalit nagkayayaan lang kasi kami ng mga kaklase ko, sort of first day bonding! Nagmamadali na nga akong pumunta dito kasi alam kong naghihintay ka, kita mo nga dito ako dumiretso imbes na sa unit ko kasi alam kong kanina ka pa naghihintay"niyugyog pa nito ang balikat niya para kuhanin ang atensyon niya.

Not enough dahil inis pa rin siya kaya hindi pa rin niya ito pinansin. Pero nagulat siya ng tumayo ito sa tapat niya at dumukwang upang magpantay ang mga mata nila. Bahagya naman siyang napaurong dahil napakalapit ng mukha nito at konti na lang ay mahahalikan niya ito!

"Uyy sige na pansinin mo na ako, kawawa nga ako kasi kahit anong pilit nila kaninang kumain ako sa pinuntahan namin ay hindi ako kumain kasi alam kong ipinagluto mo ako" kasabay niyon ay tumunog ang tiyan niya tanda na gutom na siya.

"Kitams ang ebidensya nagrarambol na ang tiyan ko" nakalabing dagdag pa nito na hindi niya napigilang mapangiti.

"Yes! Yes! Yes! Ngumiti na siya! Thank you Lord!"nagsign of the cross pa ito na lalo niyang ikinangiti.

"Hindi ka pa kumain?" tanong niyang lubusang natunaw ang galit. Ang buong akala niya kasi ay kumain na ito at hindi na ito kakain sa niluto niya kaya lalo siyang nagagalit kanina. At isiping hinintay pa niya ito!

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon