BILLY suddenly felt unwell ng ikambiyo na ni Jansen ang kotse papasok ng Dela Cruz Farm. Well, kanina pa masama ang pakiramdam niya at ganoon din ang puso niya mula ng marinig at makita niyang kausap ni Jansen sa cellphone ang sweetheart nito. Hindi iyon makatkat sa isip niya. Sa buong biyahe ay sinikap niyang makatulog. Ayaw muna niyang masulyapan man lang ang asawa at kumikirot lang ang puso niya knowing na may iba na ito.
Wala namang nakakagulat doon, dati naman itong may iba kahit noon pa, kaya nga hiniwalayan niya ito hindi ba. Ang patuloy nitong pakikipagrelasyon kay Maris kahit na kasal na sila at kahit na buntis na siya noon. Ano nga ba ang aasahan niya? Na mananatili itong single sa loob ng tatlong taon mula ng umalis siya? At may iba na naman ito ngayon, hindi siguro na siya magugulat kung si Maris pa rin ang karelasyon nito ngayon dahil iyon ang dahilan ng pag alis niya noon, pero heto at may iba na namang babae.
At bakit may pakiramdam siya na ang babaeng ito na ang magiging kapalit niya? Bakit niya nasabi? Sa buong biyahe kasi nila kahit sinikap niyang makatulog ay hindi niya magawa. Ipinipikit lang niya ang mga mata pero maya't maya ay napapamulat siya at sinikap na lang niyang sa daan ituon ang tingin kahit gabi na. At kahit sa may bintana sa gilid niya siya nakatingin dahil nga iniiwasan niyang mapatingin kay Jansen habang nagmamaneho ito ay kita naman niya sa gilid ng mata niya ang paminsan minsan nitong pagtingin sa cellphone nito na nasa standee sa harap nito at kitang kita niya sa gilid ng mata niya na napapangiti ito kapag may nababasang message mula sa sweetheart nito.
Samantalang kanina ay halos sigawan na siya nito at nagagalit dahil sa di kalakihang maletang dala niya! Ito pa talaga ang may ganang magalit samantalang ito nga, may sweetheart na namang iba! Akala pa naman niya ay nagseselos ito kanina kay Railey dahil bigla itong nagalit. Siguro ay natamaan lang ang male ego nito at ayaw nitong nababanggit lalo at naririnig ng anak nila na may ibang humahalik sa kanya. Dahil bakit nga ba naman ito magseselos ay may iba na nga ito.
At wala talaga siyang balak magdala ng maraming damit because she will stick to the three weeks na ipananatili nila sa Pilipinas na mag ina. She thinks that's enough time para makapagbakasyon silang mag ina at makilala at makita ni JD ng personal ang mga lolo at lola nito at ang daddy nito. At bakit pa ba sila mag eextend ng pag stay, e nasa LA na ang buhay niya, nilang mag ina.
Really Billy? Nandoon nga ba? Of course! O baka naman, nandiyan lang sa tabi mo? Sa naisip ay napasulyap siya sa asawa na noon ay abalang nagrereply sa sweetheart nito dahil noon ay nasa stoplight sila kanina. At matamis itong nakangiti habang ginagawa iyon! Biglang natilihan si Billy. Oh God! Hindi ito maari! Paano niyang naisip na nandito ang buhay niya, nilang mag ina at si Jansen iyon? E sa nakikita niya ay malalim na ang relasyon nito sa sweetheart nito, patunay ang tila lang siya hangin sa tabi nito dahil mula pa kaninang magkasagutan sila at magalit ito dahil lang sa maliit niyang dalang maleta ay hindi na siya nito kinausap. At anong gusto nito, na manatili siya dito at makitang masaya ito sa piling ng babaeng iyon? Lalong kumikirot ang puso niya sa tila pambabalewala at hindi pagpansin at pagkausap sa kanya ng asawa.
At isa pa tapos na sa kanila ang lahat, dahil finally ay pumayag na ang asawa niya sa annulment na hinihingi niya mula dito na tatlong taon nitong iniiwasan. At ang sabi pa nito kanina ay napirmahan na nito iyon. At ano pa nga ba ang magiging dahilan ng pagpirma nito sa annulment kundi dahil siguro ay gusto na nitong pakasalan ang sweetheart nito! She felt a searing pain at her heart knowing that it was finally over between her and Jansen. At hindi niya namalayan na napahikbi pala siya.
Dahilan para mapalingon ang asawa sa kanya. At nagulat na lang siya na nakahinto na sila at ngayon ay nasa harap na sila ng bahay ng mga Dela Cruz.
"Hey are you okay? Are you hurting somewhere?" alalang tanong ni Jansen na si Billy ay napakislot. Oh God bakit ba siya napahikbi? Kung makatingin pa naman sa kanya si Jansen ngayon ay para siyang nasa ilalim ng microscope, na kahit gaano niya itago ay makikita at makikita nito.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...