"ARE you okay Billy?" tanong ng kanyang boss na si Raffy Brava ang may ari ng isa sa sikat at prestigious na interior designing company sa bansa ang Alpha Brava Interiors. Isa siya sa magagaling na interior designers ng kumpanya and has been working there for two years now. Raffy even offered her to be not just an employee but a partner of the firm na pag iisipan pa niya.
Magkaiba kasi yung empleyado ka lang at iba yung partner ka sa isang kumpanya. Malaki ang responsibilidad kung magiging partner siya kaya pag iisipan muna niya. At saka nag eenjoy pa siyang maging ordinaryong empleyado muna. Besides she's still young at medyo bago pa rin naman sa kumpanya.
Katatapos lang ng meeting nila kasama ng iba pang mga interior designers din gaya niya. Sila na lang dalawang naiwan sa conference room.
Sinulyapan niya ang boss niya na naging kaibigan na rin niya. Well Raffy Brava is not that old, thirty six years old, handsome and wealthy, solong anak din ito ng yumaong si Mr Rafael Brava, at siyang nagmana sa kumpanyang itinayo ng ama nito years ago. Hiwalay sa asawa at may limang taong gulang na anak na babae na nasa poder nito, si Mindy, na kasundong kasundo niya at tuwing isinasama ito ni Raffy sa opisina ay halos wala siyang nagagawang trabaho dahil hindi na siya nito hinihiwalayan at gustong makipaglaro sa kanya. Wala namang kaso sa kanya iyon, she likes kids, siguro ay dahil solong anak lang siya.
Kahit hindi pa sila matagal na magkaibigan ay kilala na siya nito kapag may problema siya o iniisip. Minsan nga napagkakamalan pa sa office ang closeness nila as more than friends na tinatawanan lamang nila. She's already twenty two years old and their fourteen year gap nowadays is not a big deal anymore when it comes to relationship. May iba nga na mas malaki pa doon ang agwat ng edad. But their relationship is purely professional and platonic. He is her boss and her friend.
Pakiramdam ba niya'y nakakakita siya ng isang kuya sa katauhan nito. Nakakatawa kasi ang first time na makilala niya ito. Pagkagraduate ay agad siyang nag apply ng trabaho, at dahil sikat ang Alpha Brava sa mga graduates ng interior designing bilang kumpanya na magandang aplayan, ay nag apply siya agad doon. Dala ang mga sample drawings and designs niya ay confident pa siya noong first day of interview niya.
Sa initial interview at exams ay pasado naman siya pero ng magpresent na siya ng mga designs niya ay hindi na siya pumasa sa labis niyang panghihinayang at lungkot. Nagyabang pa naman siya sa Lola Marcella niya at sa mommy at daddy niya na makakapasok siya sa Alpha Brava. At hindi yata niya kayang umuwing bigo at luhaan.
Nang sabihin ng HR manager na hindi siya pumasa ay nagulat ito ng bigla siyang umiyak at nakikiusap na kung puwede ay mainterview din siya ng President. Ang last interview kasi ay sa presidente ng kumpanya kapag pumasa ang mga designs mo sa Chief Architech during the presentation. Pero dahil nga sa hindi siya pumasa ay pinapauwi na siya at ng iba pang candidates na hindi rin pumasa. Pero heto siya ngayon, siya na lang ang natira sa mga hindi pumasa dahil yung mga pumasa ay pinapasok ngayon at for interview ng presidente.
"Miss Magtanggol I'm very sorry, only the applicants who passed the presentation can be interviewed by the president."
Lalo namang lumakas ang pag iyak niya na nataranta na ang hr manager kung ano ang gagawin.
"Miss sige na, alam ko magugustuhan ng president ang mga designs ko, iba lang kasi ang taste nung chief architech, matanda na siya. Sige na please" aniya na gumagaralgal ang tinig habang sige sa pag iyak.
Si Raffy na saglit na lumabas sa private office niya to answer a phone call ay napatingin sa may pintuan. May naririnig siyang umiiyak. At napangiti siya sa nakita, it was a young beautiful woman na kuntodo sa pag iyak habang nagmamakaawang nakikiusap sa hr manager niya na mainterview din ito ng presidente. Mukhang kasama ito sa mga hindi pumasa at ngayon ay nakikiusap kung puwede niyang interviewhin.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomansaThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...