PERO napakunot noo si Jansen habang tinitingnan si Billy na tumatakbo na tila umiiyak. Kung narinig man nito, ang pag alok niya ng kasal kay Jane at nakita ang paghalik dito bakit naman ito iiyak? Ito nga halos araw araw na kausap sa phone si Railey. And it's as if may mababago pa sa pagsasama nila. One week na lang naman talaga at babalik na ito ng LA.
At wala naman itong sinasabi na hindi na ito matutuloy bumalik ng LA. At hindi na siya umaasang may mababago pa sa pagitan nila ni Billy. At ayaw na niya itong pigilan pa. Dahil kung mahal pa siya nitong talaga tulad ng sinabi nito noong gabing iyon na ayaw na nito ng annulment ay dapat na komprontahin siya nito. Dapat ay ipaglaban siya nito at ang inaasahan pa nga niya dito ay magselos ito kay Jane.
Pero ni hindi niya ito kinakitaan ng selos noong lunch nila sa bahay ng mga Magtanggol. Nagtelebabad pa nga ito kausap yung Railey.
"Hindi ba si Billy iyong tumakbo?" sabi ni Jane na sinundan ng tanaw ang tinitingnan niyang si Billy. Malayo na ito.
"Yes it's her" tipid niyang sabi.
"Akala ko ba okay lang sa kanya na maghiwalay kayo? Na siya pa ang nag initiate niyon? Bakit parang umiiyak siyang nagtatakbo?"tanong ni Jane na si Jansen ay natutulalang napatingin sa kasintahan.
"B-baka may problema lang siguro iyon"sabi na lang niya pero maging siya ay nagtataka na rin. Why would Billy be running and crying like that? Unless narinig nga nito ang alok niyang kasal kay Jane at nakita nitong hinalikan niya si Jane. Pero bakit?
Si Jane na ang sumagot sa mga tanong sa isip niya. "Hindi kaya narinig ka niyang nag alok ng kasal sa akin at nakitang hinalikan mo ako? Jansen sa tingin ko mahal ka pa rin ng asawa mo. Dahil hindi siya magtatakbong umiiyak ng ganoon kung hindi."
"W-what did you say?" hindi makapaniwalang napatingin siya kay Jane.
"Jansen, mahal kita pero gusto kong ayusin mo muna ang kung ano ang meron kayo ni Billy. Babae rin ako at ayaw kong makasagasa o makaapak ng damdamin ng kapwa ko babae. Go ask her Jansen and then you decide. At isa pa may anak na kayo. Ayaw ko ding makasira ng pamilya. Kung talagang wala ng pag asang magkabalikan pa kayo ni Billy come back to me then. Pero linawin mo muna sa kanya. Dahil tingin ko mahal ka pa rin ng asawa mo"mahabang sabi ni Jane na walang nagawa si Jansen kundi mapatingin na lang sa direksyon ng bahay kung saan nagtatakbo si Billy.
Nang hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan ay nagpaalam na si Jane. Tulala pa rin siya. Could what Jane said be true? Na mahal pa rin siya ni Billy? Jansen's heart started beating loudly. And in quick steps ay tinahak ni Jansen ang pabalik ng bahay. At paakyat pa lang siya ay naririnig na niya ang pag iyak ni Billy sa silid nila. Nang pihitin niya ang pinto ay nakalock iyon. Kinuha niya ang duplicate key at ng buksan niya iyon ay nakita niya ang nakasubsob na si Billy sa may kama. Ang malakas na mga hikbi nito ay tila may humahampas sa puso ni Jansen sa sakit.
Umupo siya sa kama at hinawakan ang asawa niya. Iniupo niya ito at tumambad sa kanya ang luhaan nitong mukha. His heart tightened. He has never seen Billy cried like this before.
"Why are you crying Billy?" he asked with anticipation. Habang masuyong hawak niya sa balikat ang asawa to face her. Matiim niyang tinitigan ang asawa. Waiting any moment sa isasagot ni Billy. At hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag sinabi nga nitong mahal pa rin siya nito. Noong gabing sinabi nito iyon ay hindi siya naniwala dahil ang gulo kasi ni Billy, nanghihingi ng annulment tapos uurong at sasabihing mahal pa rin siya.
But now seeing how hurt Billy is marahil dahil sa nadatnang tagpo kanina na kasama niya si Jane, could it be that Billy really love him still? Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Jansen. As he await for what her wife has to say.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...