NASA harapan na siya ng pinto ni Billy, any moment ay alam niyang lalabas ito para magsimba. Dati ay madalas silang sabay magsimba sa hapon iyon usually. Pero lately ay hindi na nila nagagawa. Lagi na kasing si Lyka ang kasama niyang magsimba. At alam niyang kahi tinext niya ang kasintahan ay hindi ito sasabay sa kanya dahil galit pa rin ito sa kanya at hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya.
Kagabi ay hindi na naman siya nakatulog, hindi niya kasi alam kung paano lalapitan si Billy at hihingi ng sorry dito sa kagaguhang ginawa niya kahapon. Ilang beses siyang nagpraktis ng sasabihin pero ng nasa harapan na siya ng pinto nito kagabi ay dinadaga naman siya kaya bumalik na lang siya sa unit niya.
And he is feeling guilty dahil mas namomroblema pa yata siya kung paanong hihingi ng sorry kay Billy kaysa sa girlfriend niya! Knowing Billy baka umabot na naman ng ilang buwan bago ito makipagbati sa kanya o kausapin siya at ayaw niyang mangyari iyong muli. And with Lyka, alam niya, kapag lumipas na ang galit nito ay madali na niyang mapapaamo ang girlfriend.
At hindi nga siya nagkamali. Nagbukas ang pinto nito, nakadress ito at mukha ngang magsisimba. She looks so pretty in that floral pink dress and flat pink sandals. Her long brown hair na nakalugay akala mo ay yung sa creamsilk commercial nakaipit lang iyon sa tainga nito, ni walang hairpin or what, her lips in baby pink lipstick at siguro'y nagpolbo lang ito ng babypowder, because he is catching her scent at amoy baby ito. And Jansen felt a throb in his heart. He felt like a highschool boy na kabang kaba ng makita ang crush, that's what he feels! What is this? Si Billy lang naman ito.. A siguro kinakabahan lang siya dahil may kasalanan siya dito at baka hindi siya kausapin. But surprisingly nang mapatingin ito sa kanya ay bahagya siya nitong nginitian. But he felt something is off, her smile didn't reach her eyes. Walang sigla ang mga mata nito at malamig ang mga iyon. At hindi siya sanay na ganito ito, she's bubbly and witty and full of antics, laging nakatawa at masigla.
"May kailangan ka?" sabi nito habang nilolock ang pinto nito. Ang pagtatanong pa nito ay para bang isa siyang estranghero dito.
He felt cold dahil napakalamig ng tinig nito. Sabi na eh, galit at nagtatampo pa rin ito. Iba naman ngayon, kinakausap nga siya at hindi inisnob at nginitian pa nga siya, but she was cold as ice.
"A, kasi- ano, m-magsisimba ka ba? Is it okay kung sumabay ako?" ano ba ito nabubulol pa siya!
Tiningnan siya nito ng walang emosyon ang mga mata. "Okay" tipid nitong sagot at sumunod na lang siya dito.
Nagtaka siya dahil hindi sila dumiretso sa basement para sumakay ng kotse nito. Meaning, magkocommute sila? Hindi na siya nagtanong at sumunod na lang dito. Nang nasa daan na sila ay nagpara ito ng traysikel palabas. Nang may humintong traysikel ay sumakay na ito at sumunod na rin siya sa loob. At natigilan siya dahil tila kaysikip sa loob, dapat pala sa sidecar nalang siya umangkas.
Dahil matangkad siya ay halos nakayuko siya sa traysikel at bahagya siyang umusog upang makaupo ng maayos si Billy na mula pa kaninang bumaba sila ay hindi umiimik. Siya naman ay biglang nainitan kahit kakaligo lang niya, idagdag pang alas kuwatro na ng hapon at medyo makulimlim at mahangin kaya bakit siya naiinitan? Paano kasi'y para silang sardinas ni Billy sa loob ng traysikel.
Ang mga braso nila ay magkadikit at nagkikiskisan maging ang mga hita nila. At sa tuwing may madaanan ang traysikel na bahagyang lubak sa daan ay napapasubsob siya at kulang na lang ay masinghot niya ang mabangong buhok ng dalaga, actually kanina pa niya naaamoy ang kahali halinang halimuyak ng buhok nito na dinadala ng hangin, it smell of roses and lemons. Napapapikit pa siya habang nag eenjoy kapagkuwan ay napahumindig siya sa ginagawa. Ano ba naman itong ginagawa niya at sinisinghot ang kaibigan? Nakakahiya ka Jansen!
"Billy?" tawag niya dito para madivert ang atensyon niya sa kung anu anong naiisip niya. Pero wrong move yata dahil ng humarap si Billy sa kanya ay halos magdikit na ang mga mukha nila. Nagkatitigan sila.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomansaThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...