Chapter Five

179 5 0
                                    

JANSEN stopped on time ng gahibla na lang ang pagitan ng mga labi niya sa labi ng dalaga.

Oh God! What was he thinking kissing Billly! Was he out of his mind? She's just sixteen Jansen! Get a hold of yourself!

Can't blame him..napakaganda ni Billy lalo na ngayong nagdamit at nag ayos babae ito. This is the first time seeing her like this, and it knocks him off his feet lalo na kanina ng una niya itong makita at bigla na lang siyang hinalikan! Lagi lang kasi itong naka tshirt, jeans at rubber shoes at ni hindi nagpupulbos man lang. But now..she's wearing a dress that defines her young curves looking sexy as hell and her face so beautiful..kaya naman kanina ay nashock siyang talaga ng makita ito with all these changes..

Well talaga namang maganda ang kaibigan niya, that's a given kahit na parang lalake ito kung kumilos, but tonight..she's a headturner and a total knock out. From her silky straight long brown hair na parang modelo ng conditioner, sa brown nitong mga mata na may mahahabang pilik at tila laging nangungusap at natural na mapungay, sa matangos na ilong, with highcheekbones na pang modelo ang datingan, at sa makipot at mapupulang mga labi nito, and seeing her habang nakapikit ito at mukhang hinihintay nitong halikan niya.. good thing he stopped on time! For a while ay tila siya nabatobalani sa ganda ng dalaga at hindi na siya nakapag isip ng tama.

Kaya hindi niya masisi ang kaibigan niyang si Perry kung nakuha ng dalaga ang atensiyon nito. At kanina pa siya nahahahigblood sa tawanan at bulungan ng dalawa at kung makadikit kay Perry ay feeling close naman agad itong si Billy making his blood boil even more. And even the other yung guys around ay halos napapatingin sa kaibigan niya at kanina pa niya gustong hilahin ang dalaga at itago sa mga mata ng mga lalaking iyon!

Napaka sexy naman kasi ng suot nito at nakaexpose ang makinis nitong leeg at balikat at maging ang malporselanang likod nito ay hantad dahil backless ang suot nito and of course, those flawless legs that went on forever na kitang kita dahil medyo may kaiksian ang dress nitong suot. At kanina pa din niya gustong manapak sa mga lalaking iyon na tingin ng tingin sa dalaga! Bakit ba kasi nagpaganda pa ito ng ganito, nakukunsumi tuloy siya!

But he couldn't forget the touch and taste of her lips on his..kaya hindi niya masisi ang sarili kung bakit tinugon niya ang halik nito kanina. And felt guilty afterwards, but even if he's guilty, aaminin niyang nagustuhan niya ang halik na iyon, and if he would be honest enough, gusto niyang ulitin iyon..katulad na lang ng muntik na niyang gawin ngayon..pero alam niyang hindi dapat at hindi puwede..dahil hindi sila talo! She's too young.. and of course she is his bestfriend!

At kahit katabi niya ang girlfriend niya kanina ay ang mga labi ng kaibigan niya ang nasa isip niya. His mind is wandering back to those sweet, soft and luscious lips..it's like he's drinking the finest wine and he is drowning and getting drunked..her lips are intoxicating! But again this is Billy he's bestfriend kaya bakit siya nagkakaganito ngayon kahit katabi niya ang maganda niyang kasintahan. Dati naman ay hindi niya napapansin ang mga labi nito at maging ang ganda nito, dahil sanay na siyang nakikita ito palagi.  

Bakit ngayon ay naaapektuhan siya ng ganito. Kasalanan din nito, bakit ba kasi hinalikan pa siya nito! Tila sasakit na ang ulo niya sa kalituhan at samu't saring nararamdaman niya. But one thing is for sure, this whatever this he was feeling has to stop! Because he felt like he was betraying their friendship if he would kiss her. She's his besfriend and like a younger sister to him so how could he desire to kiss those lips! Has he really gone mad?

So he took all his control and willpower to handle it. He drop his hands that were on her waistline at pagkatapos ay banayad niyang tinampal gamit ng isang kamay ang noo ng nakapikit pa rin na dalaga.

Napamulat naman ng mata si Billy. Nanlalaki ang matang napatitig sa binata, hindi makapaniwala sa ginawa nito. Did he just flicked her forehead? Ang akala pa naman niya ay hahalikan siya nito! Nakakahiya, napapikit pa siya, baka inisip nito na inisip niyang hahalikan siya nito!

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon