HINDI naman nagtagal pa si Maris para makapagpahinga na si Jansen, agad din itong umalis. Pagkaalis nito ay hindi naman mapakali si Jansen sa higaan. Nag aalala siya kay Billy. Sigurado umiiyak ngayon ang asawa at inakala nitong may relasyon pa rin sila ni Maris. Gago kasi siya, dahil lang nagselos siya kay Perry ay sinaktan at pinagselos din niya ang asawa.
At minamalas yata siya dahil ng pupuntahan na lamang niya ito kanina sa townhouse na tiyak niyang nandoon ngayon si Billy ay naaksidente pa siya. Pero salamat sa Diyos at gasgas lang ang tinamo niya. Pero gustong gusto na niyang makita ang asawa, mayakap at mahalikan at sabihin ditong mahal na mahal niya ito.
Yes he loves his wife, so much, more than anyone and anything else in this world. Have loved Billy since the beginning of time. Ang labing isang taong gulang na batang babae na nasalo niya ng mahulog mula sa puno ng mangga nila, ay nahulog na mula noon ang puso ng labing anim na taong gulang na binatilyong si Jansen. At age sixteen, he already had girlfriends, lahat magaganda, but when his gaze went to the young girl na nakadagan sa ibabaw niya ng masalo niya ito at magtama ang mga mata nila, ay nakadama ng hindi maipaliwanag na kaba at saya sa puso si Jansen.
The young girl was the most beautiful he had ever seen, he was taken by her beauty, much more at her wittiness and antics, ng tarayan siya nito at batuhin ng mangga na dahilan para magkabukol siya sa noo, at that moment alam ni Jansen, gugustuhin pa niyang lubos na makilala ang batang babae. Kaya naman kinabukasan ay pinuntahan niya ito at nakipagkaibigan dito and the rest is history.
At naroon siya sa bawat mahalagang okasyon sa buhay ni Billy, ganoon din ito sa kanya at habang dumaraan ang mga taon, hindi na lamang pagtinging kaibigan ang naramdaman niya dito, dahil ng tumuntong ng trese si Billy at magdalaga ito ay naguilty siya dahil nagkakagusto siya sa bestfriend niya. He was eighteen that time. Kaya naman sinikap niyang hindi nawawalan ng girlfriend para mawala ang nararamdaman niya. Na sa sandali ay inakala niyang nawala na nga.
Pero hindi niya mapigilang magselos kapag may umaali aligid kay Billy. Hindi miminsang may nasuntok siyang nagtangkang manligaw kay Billy noon, pero hindi iyon nalaman ni Billy. At maging sa mga kabarkada niyang lalaki ay mayroong may gustong pumorma noon sa kaibigan pero hindi na nagawang makaporma dahil natakot sa kanya na daig pa ang overprotective na kuya kung makapagbantay. For the longest time, he assumed the role of not just being Billy's bestfriend but also her big brother. Pero ng nakahanda na siyang mahalin ito, saka naman nito sinagot si Perry dahilan para umalis siya at magtungo ng Barcelona.
But being far away from Billy, at kahit ng makilala niya si Maris at maengage dito ay hindi niyon napigilan na muling manumbalik ang closeness nila ng bumalik siya ng Pilipinas. At nitong huli na nagpanggap silang magkasintahan at may mangayari sa kanila at mabuntis ito ay hindi niya itinuloy ang kasal niya kay Maris hindi lang dahil nabuntis niya si Billy kundi dahil mahal niya ang bestfriend niya.
And now, she left him at kasalanan niya. Kahit masakit ang buong katawan lalo na ang mga paa niya dahil iyon ang tinamaan kaninang bumangga siya ay pinilit tumayo ni Jansen. Hindi na niya kaya pang tumagal ng ilang minuto pa na hindi nakikita ang asawa. He has to see her now at humingi ng tawad dito at sabihin ditong mahal na mahal niya ito.
With so much effort at kahit napapangiwi siya gamit ang saklay ay nagawang makalabas ni Jansen at nagpara ng taxi. Alas dos na ng madaling araw pero hindi alintana ni Jansen at kahit masakit pa rin ang katawan niya, gusto na lang niyang makita si Billy.
His heart thudding loudly ng makababa siya ng taxi at nasa harap na ng townhouse ni Billy. Alam niyang magagalit si Billy oras na makita siya, but he will explain everything to her. So he opened the gate na alam niya ang combination ng lock at ng nasa front door na siya para kumatok ay nagulat siya dahil bahagyang bukas ang bintana at tila may bisita yata si Billy at nasa salas ito at ang kung sinomang bisita nito.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...