Chapter Thirty

171 3 0
                                    

NAGMUMURANG binagsak pasara ni Jansen ang pinto ng drivers seat ng kotse niya ng makaupo siya doon. His chest heaving in anger and other emotions na hindi niya mapangalanan dahil sa ginawang pagtanggi ni Billy na pakasalan niya ito. Labis siyang nagagalit at nasasaktan sa tahasang pagtanggi ni Billy sa alok niyang pakasalan ito. Billy is pregnant for heavens sake! At hindi niya maintindihan ang dahilan nito na hindi daw sila nag iibigan kaya hindi nito tatanggapin ang alok niya! Pero anak niya ang dinadala nito at hindi niya kayang hindi iyon panagutan!

Naikuyom niya ang mga kamao at tila pagod na sumandal. So it wasn't a dream afterall, gaya ng inakala at pinaniwalaan niya. That's why it felt real, dahil totoong may nangyari sa kanila ni Billy ng gabing nalasing sila! At ngayon ay buntis ang bestfriend niya at siya ang ama! At lalong hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito sinabi sa kanya kinabukasan na may nangyari pala sa kanila, granted na siya ay hindi iyon naaalala, pero ito, bakit wala man lang itong sinabi? Balak ba nito iyong ilihim habambuhay at kundi nangyaring nabuntis ito ay hindi niya malalaman na may nangyari pala sa kanila! Damn it!

Hindi niya alam kung kanino siya mas nagagalit. Kay Billy ba dahil naglihim ito sa kanya at hindi ipinaaalam na may nangyari pala sa kanila o sa sarili niya dahil napakagago niya para hindi matandaan ang mga nangyari sa kanila, well gago nga yata talaga siya dahil may natatandaan siya pero inakala niyang panaginip lang iyon!

At iginigiit ni Billy na ikakasal na siya kaya ayaw nito at ang pinakamatinding dahilan, hindi daw sila nagmamahalan! Bullshit! Hindi ba nito alam na kaya niyang talikuran ang kasal niya kay Maris para dito at sa magiging anak nila? Oo mahal na mahal niya si Maris kaya nga pakakasalan niya ito, pero hindi rin niya kayang pabayaan ang magiging anak niya! At magbestfriend naman sila ni Billy, alam niya mahal siya nito bilang kaibigan, at ganoon din siya dito, pero para sa kapakanan ng anak nila, handa niya itong pakasalan. Pero si Billy, hindi ba nito maatim na pakasal sa kanya kahit para na lang sa anak nila? Ganoon ba nito kaayaw sa kanya? Sino bang gusto nito? Si Perry ba? No way! There is no way na hahayaan niyang may ibang umako sa pagiging ama sa anak niya! Lalong naglapat ang mga bagang niya sa galit.

At kahit nang ibaba niya kanina ang maleta ni Billy at tinanong siya kung gusto ba niyang magkape muna at tinanong nito kung babalik ba siya ng Manila at kung kailan siya babalik ng probinsiya ay halos nasigawan niya ito sa labis niyang galit dahil matapos nitong tanggihan ang alok niyang kasal ay magtatanong ito ng ganoon? Na para bang wala lang ang ginawa nitong pagtanggi sa alok niyang kasal? Kaya kahit nakikita niyang natigagal ito at mukhang nasaktan sa ginawa niya ay nagpigil siya na abutin ito at icomfort. Dahil hindi niya maintindihan ang labis nitong pagtanggi sa kanya! At ang gusto lang nito ay dalawin niya at sustentuhan ang bata! Fine if that's what she wants! Ibibigay niya!

Then he angrily started the engine at bumiyahe na pabalik ng Manila kahit kabaligtaran niyon ang gusto niyang gawin. Dahil ang gusto niyang gawin kahit nagagalit siya kay Billy ay ikulong ito sa mga bisig niya at patahanin ito, dahil alam niya sa mga sandaling iyon ay umiiyak ito sa silid nito! But she doesn't want him to marry her! Ayaw nito sa kanya! Kaya naman mas binilisan pa niya ang pagmamaneho at baka hindi siya makatiis ay maikambiyo niya pabalik ang kotse niya at makalimutan niya ang rejection na nadama niya kaninang tanggihan nito ang alok niyang kasal!


JANSEN felt so exhausted ng umibis siya sa kotse niya. Alas dos na ng madaling araw siya nakadating sa condo niya. Ibinagsak lang niya ang katawan sa kama niya ng hindi na nagbibihis at nakatulog na sa pagod at galit. Naalimpungatan pa siya ng bandang mag aalas sais ng umaga ay nagising siya sa walang tigil na ring ng cellphone niya. Napahilot siya sa sentido niya, lalong sumasakit ang ulo niya sa kakaring niyon. Wala pang apat na oras siyang nakakatulog kaya siguro sobrang sakit ng ulo niya.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon