PINUNO ni Billy ng hangin ang dibdib habang tinatanaw ang malawak na dagat. Saglit siyang huminto sa may Roxas Boulevard. Alas kuwatro lang ng hapon at kainitan ng araw.
She had to stop driving. Hindi siya makapagmaneho ng maayos dahil nanlalabo ang mga mata niya sa walang tigil niyang pag iyak. Pagkatalikod pa lamang niya kanina kay Jansen ay bumuhos na ang mga luha niya at nagtataka na rin siya kung bakit hindi na iyon maubos ubos.
Kung ang iba ay mga nakasilong kundi man may payong, siya ay basta lang nakaupo doon sa may parang bench railing at hindi alintana ang sikat ng araw at hindi alintana kahit madumihan pa sa inuupuan niyang bench na maalikabok ang suot niyang tailored blouse and skirt office attire. Na kahit nasisilaw na siya ay lagpas lagpasan ang tingin niya sa kalawakan ng Manila Bay habang ang mga luha niya ay tuloy lang sa pag agos.
Napapahikbi pa siya ng malakas na pati ang mga street vendor na nasa malapit niya ay napapatingin na sa kanya. Kanina nga ay tinanong pa siya ng isa sa mga iyon, isang babae na nagtitinda ng bananaque at samalamig, kung okay lang daw ba siya. Tumango naman siya kahit walang tigil naman ang iyak niya. Napailing iling na lang ang tindera.
Napayuko siya sa pink niyang pulseras na bigay ni Jansen at lalo na siyang naiyak. Everything with her and around her reminds her of Jansen, sa cellphone niya na halos mga pictures nila ni Jansen ang nasa gallery niya, sa bag niya na ang mga abubot niya doon maging keychains ay bigay nito, sa unit niya na lahat ng sulok ay may alaala nito, sa kotse niya, sa probinsiya, sa farm, sa bahay nila at sa bahay nito, and even in her office ay may picture frame siya na nasa table niya at picture nila ni Jansen na akbay siya ang nandoon. Binibiro pa nga siya ng anak ni Raffy na si Mindy na iyon daw ba ang boyfriend niya. Tinatawanan lang niya ang bata pero umuoo naman siya at sinasabing boyfriend nga niya ang nasa picture.
He has been in her heart since she can't remember when. Bakit napakahirap na masabi niya dito na mahal niya ito? Bakit hindi niya masabi sabi at bakit sa tuwing gusto na niyang sabihin ay hindi naman matuloy tuloy? Bakit kung kailan naghintay siya ng matagal at kung kailan malakas na ang loob niyang magsabi dito ay saka naman niya malalaman na may girlfriend na pala ito.
Nang maalala na naman niya kung gaano kaganda at kaseksi ang girlfriend nito ngayon ay lalong lumakas ang mga hikbi niya. Kumbaga sa beauty contest ay may nanalo na. Jusko, pang international ang ganda at pang model ang katawan at tindig. Nasanay na rin naman siya kahit paano na nasasabihan ng maganda at sexy, pero Lord..ng makita niya ang babae kanina ay gusto niyang manliit. Parang Miss Colombia, Miss Brazil o Miss Venezuela sa mga Miss Universe pageant ang datingan ng babae.
Kung pagtatabihin sila nito ay magmumukha siyang ordinaryo. Well sa height niyang five five akala niya ay matangkad na siya but that woman she thinks is about five nine! At akala niya ay sexy na siya pero ng makita niya ang hapit nitong suot kanina na kumurba sa mala coca cola bottle nitong katawan at ang malusog nitong dibdib at kaakit akit na cleavage nito na hiyang hiya ang 32A cup niya. And her face, sultry and very beautiful, iyon ang mga nakikita niya sa mga imported magazine na model ng Gucci or Dolce and Gabanna na may kapartner na napakaguwapong male model na parang si Jansen at ito naman ang female model! Napailing iling siya habang umiiyak. There is no way na mapapansin pa siya ng kaibigan niya! Parang gusto na niyang maglupasay ng iyak sa sahig pero sumosobra na yata siya kapag ginawa pa niya iyon, ngayon nga ay napapatingin na ang mga napapadaan sa kanya at ganoon din ang mga street vendors sa paligid.
At kung hindi lang siya nagdadalamhati ay baka natawa na siya sa mga naririnig na komento ng mga napapadaan na nakakakita sa kanya. May narinig siyang nagsabi na baka daw bagong artista siya tapos may shooting kaya hindi siya nahihiyang umiyak ng umiyak doon, may narinig pa siya na baka daw may EyeMo siyang inilagay sa mata kaya daw hindi maubos ubos ang luha niya at kung anu ano pa. But she is way too hurt and broken to even mind everything around her now. Ang tanging malinaw ay ang sumisigid na walang kasing sakit na kirot sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...