Chapter Nine

156 4 0
                                    

KASALUKUYANG nasa gitna ng meeting si Jansen kung saan siya nagpipresent ng bidding nila sa prospective client ng magvibrate ang phone niya na nasa bulsa ng slacks niya. He continued but then again was distracted dahil sunud sunod iyong nagvibrate na tila ayaw tumigil ng caller.

Nag excuse siya saglit sa mga kameeting at lumabas ng meeting room at agad na tiningnan ang caller. He gritted his teeth. It was Billy!  Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya? O mas tamang sabihin, ano na naman kayang gulo ang pinasok nito?

Lagi kasing ganito ang eksena nila. Tatawagan lang siya nito kapag may problema o gulo itong pinasok. At sigurado siya ng tulad ng safeguard na ninety nine point ninety nine percent, ay problema ang dahilan ng pagtawag nito.

Ida dial na lang niya ang cellphone niya ng muli na naman itong tumawag. "Billy! This better be good, nasa gitna ako ng meeting at...what happened to you why are you crying?" tila naman binuhusan ng malamig na tubig ang inis niya dahil sa pag iyak nito sa kabilang linya. Worry washed him out, anong nangyari dito?

"Oh babe! Please tell me, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba?" natatarantang sabi niya.

"May nabangga akong kotse eh" anito at nagngagawa na naman.

"You what? Nabangga ka? Ayos ka lang ba, hindi ka ba nasaktan?" nag aalalang sabi niya.

May dalawang buwan na ng niregaluhan ito ng daddy nito ng kotse. Regalo daw ito para sa nalalapit na debut nito. Natutuwa siya dahil muling bumalik ang closeness ni Billy sa parents nito, dati kasi ay may gap ang mga ito, nagtampo kasi si Billy sa mga magulang nito mula ng iwan ito sa lola nito.

Marunong naman na ito ng basic ng driving. Sa probinsiya ay idinadrive nito ang lumang kotse ng daddy nito. Pero kailangan pa rin niya itong irefreshdahil iba ang driving sa probinsiya at iba naman ang driving sa Maynila. Dalawang weekend ang ginugol nila sa pagtuturo niya dito. At katakot takot na kunsumi at disgrasya ang inabot nila bago ito natuto ng tama.  His one month pay ay halos napunta sa pagbabayad ng mga nasagi nitong bakod, mga paso at halamanan, at mga puno at posteng nananahimik. Thank God at wala namang nasaktang ibang tao kapag naibabangga nito ang kotse, puro sa mga nananahimik na bagay nito iyon naibabangga.

Atakala niya ay tapos na ang problema niya dito ng matuto na ito ng tamang pagmamaneho at makapag adjust ng driving sa city,  madali naman itong turuan, yun nga lang ay may pagka accident prone, ang bilis magmaneho..daig pa ang lalaki kung makapagmaneho.

Paulit ulit niya itong pinagsabihan na huwag sobrang bilis sa pagmamaneho dahil bukod sa delikado at baka makabangga ito o mabangga ito o may masaktang ibang tao ay maging suki naman ito ng mga highway patrol.

Unang beses kasi nitong solong nagmaneho papasok ng school nito ay natiketan na ito agad ng overspeeding. At halos linggo linggo siyang nakukunsumisyon at nahahighblood, dahil linggo linggo rin ay may violation ito na siya lahat ang umayos at umasikaso para mabawi ang lisensiya nito.

Minsan tuloy ay nahihiling na lang niya na sana Law na lang ang kinuha niyang kurso, para kung naging abogado siya ay mas madali niyang maaayos ang mga gulong sinusuot ng kaibigan. E sa mga ginagawa niyang pagtatanggol dito kapag may nang aagbrabyado dito o kaya ay sa pag aayos ng mga gusot nitong ginagawa ay daig pa niya ang abogado nito!

"Ayos lang ako, hindi naman ako nasaktan"sabi naman nito na ikinahinga niya ng maluwag.

"Anong sabi ng may ari?" aniya na napatingin sa wristwatch niya, five minutes lang ang hiningi niyang break sa mga kameeting niya.

Muli na naman itong ngumalngal ng iyak na nailayo niya ang cellphone sa tainga niya, nakakarindi kasi ang pag iyak nito,akala mo ay magugunaw na ang mundo kung makangalngal.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon