Chapter Thirty Five

161 2 0
                                    

SA kotse ay tahimik lang si Billy. Pinipigilan kasi niya ang kilig na nadarama at hindi pa rin siya makapaniwala na sakay siya ng kotse ng asawa at magdedate sila nito! Nagpapasalamat siya at hindi na nagsalita pa ang asawa at concentrated lang sa pagmamaneho. Pero hindi naman niya mapigilan ang mayat' mayang pagsulyap sa asawa, na si Jansen ay lihim na nangingiti. Napaka obvious naman kasi ni Billy na excited ito sa date nila, pero ayaw lang ipahalata kaya siguro hindi nagsasalita.

But her eyes won't lie. Dahil kita niya sa gilid ng mata ang maya't mayang pagsulyap nito sa kanya. He cleared his throat at ng nasa stoplight sila ay nilingon niya ang asawa na napaigtad pa sa ginawa niya.

"Hey relax Billy"nangingiting sabi niya.

Tipid naman itong ngumiti. Iyong ngiting parang kinakabahan. At kanina pa naaaliw si Jansen. Bakit ba kung makaasta si Billy ay parang niyaya ito for the first time na magdate ng crush nito? Bahagya naman siyang nalito. Does it mean crush siya nito? Pero hindi, kaibigan lang ang tingin nito sa kanya at wala itong gusto sa kanya. Kinakabahan lang ito siguro dahil iyon ang first date nila as a married couple. Iyon lang siguro iyon.

Actually ilang araw pa bago ang wedding monthsary nila na ito ay iniisip na niya kung ano ang ibibigay na regalo dito or kung hindi man regalo ay kung ano ang puwede nilang gawin sa araw na ito. Dahil sa totoo lang ay sumasakit ang dibdib niya sa ginagawa niyang malamig na pagtrato dito. He's not happy with what he has been doing sa loob ng isang buwang pagsasama nila ni Billy. Dahil nakikita niya ang lungkot at sakit sa mukha ng asawa sa tuwing tatratuhin niya ito ng malamig. They are best of friends bago naging mag asawa kaya alam niya kapag totoong nasasaktan si Billy.

Kaya gusto niyang bumawi kahit paano. Though isang malaking palaisipan sa kanya kung bakit nasasaktan si Billy sa malamig niyang pagtrato dito? Masasaktan lang ang isang babae kapag tinrato ito ng malamig ng lalaki ay kung...ay kung mahal nito ang lalaki. Does it mean mahal siya nito? Napailing siya. He will not go there. He won't fall in love with her again, he will not go through that pain again dahil alam niyang walang magiging katugon iyon mula kay Billy. For her, he is just his bestfriend, na nagkataong aksidenteng nabuntis niya ito, kaya sila nasa ganitong sitwasyon. Dahil kundi nangyari iyon, kasal na sana siya kay Maris at si Billy ay baka nakipagbalikan na kay Perry. Hindi nga ba't ang sweet pa ng mga ito noong huli niyang makitang magkasama ang dalawa sa restaurant? So it's a no for him. He can't fall in love with her again!

Kaya gagawin niya ang lahat upang huwag matibag ang pader na inilagay niya sa pagitan nila ni Billy. Pero sa ibang paraan na lang. He can't stay cold with her for too long. Hindi siya ganoon kay Billy noong magkaibigan pa sila. Kahit galit siya dito noon, saglit lang ang galit niya, because he can't stay mad at her ng matagal. And that explains it siguro kaya sumasakit ang dibdib niya kapag nakikita niya itong nasasaktan kapag tinatrato niya ito ng malamig, because even noong magbestfriend pa lang sila ay ganoon na siya kay Billy. He care for her as a friend kaya di niya kayang magalit ng matagal dito.

At kanina nga habang masaya silang kumakain ng breakfast at tila bumalik sila sa pagiging magbestfriend lalo na ng ituloy nila sa balkonahe ang masayang pag uusap ay narealize niya na gusto niyang itreat si Billy at pasayahin ito sa araw na ito kaya niyaya niya itong magdate. At gagawin lang niya ito, dahil iyon ang gagawin niya noong magbestfriend pa lang sila, ang pasayahin ito kapag nalulungkot o kapag nag away sila.

He will try not to be cold with her anymore, ibabalik na lang niya ang trato niya dito na katulad noong magbestfriend sila. But he will set a limitation, at siyempre, he will still put a guard at his heart. Mahirap na, ayaw na niyang mainlove pa ditong muli. At isa sa number one niyang iiwasan siyempre ay ang magkaroon ng kahit anong romantic intimacy with Billy. He will just have to keep it in a friendly manner..

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon