Chapter One

542 7 0
                                    

MULA sa pinipirmahang blueprint ay napatingin sa salaming partisyon ng opisina niya si Jansen. Nangingiting sinulyapan niya ang bestfriend niyang si Billy na kasalukuyang nakaupo sa visitors area sa labas ng opisina niya. Mag isa lang itong nakaupo doon dahil malapit ng mag alas singko at mag uuwian na kaya wala ng ibang visitors.

Mula sa loob ay kita ang mga nasa labas, pero hindi kita ng mga nasa labas ang mga nasa loob at kitang kita niya sa magandang mukha ng dalaga ang pagkainip habang hinihintay siyang lumabas. Hindi sa inaasar niya ito kaya hindi pa siya lumalabas sa opisina niya. Talagang maraming trabaho ngayon at mga deadlines at idagdag pa na month end pa. Kailangan pa niyang gumawa ng monthly report, bilang chief architech ng Lee Sung Engineering Company kung saan may sampung taon na siyang nagtatrabaho.

At tinext naman niya ito kanina na puwede naman itong maghintay sa loob ng opisina niya pero tumanggi ito. Doon na lamang daw ito sa labas maghihintay.

Noong isang araw pa siya nito tinetext na magkita daw sila. Nang magreply naman siya kung bakit gusto nitong magkita sila ay sasabihin na lang daw nito pag nagkita sila. Pero dahil nga sa naging busy siya ay hindi siya maka oo dito at sumabay pa ang girlfriend niyang si Maris na halos araw araw niyang sinasamahan dahil may photo exhibit ito ng mga photoshoots nito bilang isang professional photographer.

Kahapon lang natapos ang exhibit nito at kasalukuyan naman itong nasa Milan Italy dahil may photo expo ngayon doon kung saan naimbitahan ang kasintahan niya. Kaya ngayon, kahit paano ay medyo maluwag ang schedule niya dahil isang linggo doon ang girlfriend niya.

Pero busy pa rin naman siya dahil sa trabaho sa opisina at heto naman ngayon ang bestfriend niya at mukhang hindi na makapaghintay dahil sinadya na siya nito sa opisina niya. Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? Malamang sa malamang ay problema na naman ang hatid nito. Muli siyang napangiti. She wouldn't be Billy Magtanggol kung hindi problema ang dala at hatid. Naalala ang mga panahon noong bata pa sila noong una niya itong makilala..

Magkapitbahay sila sa probinsiya. Matanda siya dito ng limang taon. Eleven na ito at sixteen naman siya ng magkakilala sila. Magkatabi ang mga farm ng pamilya nila, ang Magtanggol Farm at ang Dela Cruz Farm. Ang pangunahing tanim ng farm nina Billy ay kalamansi at mais at pinyahan. Ang sa kanila naman ay manggahan at palayan at tubuhan.

Kasalukuyan siya noong naglalakad sa gitna ng manggahan nila ng makarinig siya ng kaluskos sa itaas ng punong mangga. Panahon ng anihan kaya hitik sa bunga ang mga mangga nila. Napakunot noo siya ng pagtingala niya ay matanaw ang isang batang babae na busy sa pangunguha ng mangga, halos mapuno ang bitbit nitong plastic bag.

Napapikit siya. Ang sarap paluin ng batang ito! Tatlo silang magkakapatid na lalake at bunso siya, at laging nasusunod ang layaw, may mga kapilyuhan din siya lalo na noong bata bata pa siya, pero lalaki siya kaya natural lang siguro iyon, pero itong batang ito ay babae at nang aakyat ng puno! Siguro ay mga sampu o onse lang ito. At sa ganoong edad ay nang aakyat ito ng puno! Hindi ba nito alam na delikado ang ginagawa nito? Paano kung mahulog ito sa pag akyat, buti sana kung pilay lang ang abutin nito, paano kung mas malala. At naka bestida pa habang nakaakyat ng puno! Kita niya tuloy ang panty nitong kulay pink!

"Bata! Anong ginagawa mo diyan ha! Bakit ka nangunguha ng mangga namin?" sigaw niya dito.

Nanlaki naman ang mata ng batang babae ng mapatingin sa baba at nataranta sa takot ng makita siya. Ang bitbit nitong plastic bag ng mangga ay humulagpos sa mga kamay nito sanhi upang mangahulog ang mga iyon sa lupa na bahagya na niyang naiwasan kundi ay bukol ang aabutin niya.

Pero sa pagmamadali ng bata na bumaba ay halos mawalan ng kulay ang mukha niya ng makita niyang sa isang manipis na sanga ito napaapak at huli na ang babala niya sana dito dahil naapakan na nito iyon at narinig na lamang niya itong tumili at eksakto lang niya itong nasalo ng mahulog ito.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon