Chaper Thirty Eight

151 3 0
                                    

MALAPAD ang ngiti ni Jansen habang papasok siya ng lobby ng office nina Billy para sunduin ang asawa. Last Saturday was the best time of his life. He had made love to his wife for the first time since they got married at sa pagkakataong iyon ay malinaw ang isip niya at hindi lasing gaya ng una nila. And it was the best night of his life, owning Billy, seeing how beautiful she was as he possess her body and soul. Even pregnant at six months with their baby boy, Billy was a sight to behold. At may palagay siyang hindi na kailanman magmamaliw sa alaala niya ang gabing iyon na naangkin niya ang asawa niya.

Hinayang na hinayang siya na hindi niya maalala ang unang beses nila, na parang panaginip lang ang dating sa kanya niyon, but this, if being with Billy would be like this, every night of his life ay wala na siyang mahihiling pa. Kapagkuwan ay pilyo siyang napangiti, dahil inumaga na sila noong Sabado ng gabi na itinuloy nila iyon sa masters bedroom. Kaya tuloy kahapon ay iika ika si Billy, naguilty tuloy siya at nataranta kahapon at baka mamaya ay makaapekto iyon kay baby at wala na siyang ginawa kundi asikasuhin ito at alagaan sa lahat ng gusto nito para bumuti ang pakiramdam nito.

Ayaw sana niyang papasukin ito ngayon sa opisina pero kaya naman daw nito. Maiinip lang daw ito sa bahay. Pero nagkausap na sila na sa ikawalong buwan ng tiyan nito ay magmaternity leave na ito para hindi ito mahirapan. Natuwa naman siya at pumayag si Billy. Ang balak niya ay sa probinsya muna ito hanggang sa makapanganak. At least doon ay nandoon si Lola Marcella at ang mga magulang niya at panatag siya na may kasama si Billy. Dito kasi ay ang housekeeper lang ang kasama nito pero hindi naman araw araw na naroon ito.

Hindi pa niya nasasabi kay Billy pero alam naman niyang papayag ito. Uuwi na lang siya every Friday night at babalik na lang ng Maynila ng Lunes ng umaga para makasama niya ito ng weekend at sa kabuwanan nito ay magleleave na siya agad ng mga two weeks before ito due manganak para naroon siya kapag naglabor ito.

And he couldn't wait to see her again na kahit nasa opisina siya kanina ay nakantiyawan pa siya ng kaopisina niyang si Ronald na mukha daw siyang tuliro siguro ay namimiss niya si Billy. Napapangiti siya sa tuwing maaalala niya si Billy at wala din siya sa konsentrasyon sa trabaho which is a first, paano ay pandalas ang tingin niya sa cellphone niya hoping na magtext ang asawa niya. Pero sa pagkadismaya niya ay hindi man lang ito nagtetext. Sabagay, mula ng ikasal sila nito ay never pa siyang tinext o tinawagan ni Billy kundi lang sa tuwing ihahatid niya ito or susunduin. At may sumasakit sa dibdib niya dahil doon.

Gusto niya itong itext kung kumain na ba ito noong lunchtime pero ewan ba niya tila siya highschool boy na biglang nahiya. Ang ginawa na lang niya ay tinext na lang niya ito na susunduin niya ito, which is alam naman ni Billy talaga dahil simula ngayong going seven months na ang tiyan nito ay ayaw na niyang magmaneho pa ito mag isa kaya hatid sundo niya ito starting today. At ng magvibrate ang phone niya ay natawa si Ronald na eksaktong may ipinapakitang disenyo ng blueprint ng isang project nila dahil halos hindi siya magkandatuto sa pagpindot ng cellphone niya na muntik pa niyang mailaglag ang phone niya. But to his disappointment ay simpleng "ok" lang ang reply nito sa text niya. Wala man lang kumusta ka sa work mo or kung kumain na ba siya. At lalo ng natawa si Ronald dahil nalukot ang mukha niya at nasira na ang mood niya sa maghapon.

"Jansen, pare, daig mo pa ang may buwanang dalaw ah, kanina panay ang ngiti mo mag isa ngayon naman sambakol yang mukha mo. Kulang na lang matunaw yang cellphone mo, aba'y mas madalas pa ang tingin mo diyan kaysa diyan sa pc mo. Miss mo na ba si Billy agad? Sobrang inlove ka sa wife mo ah!"nanunuksong sabi ni Ronald na inambaan niya ng suntok at tatawa lang itong lumabas ng opisina niya.

Kapagkuwan ay hindi niya napigilang mapangiti. Tama ito, namimiss niya ang asawa niya kahit inihatid lang niya ito kaninang umaga. And love..love naman niya talaga si Billy kahit noong magkaibigan pa lang sila, he care about her more than anyone else in the world..and he loved her once upon a time..at hindi mahirap ibalik iyon, baka nga.. maybe he's starting to fall in love again with Billy..

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon