Chapter Thirteen

125 2 0
                                    

NAGING abala siya sa school dahil malapit ng matapos ang second sem niya sa second year college at si Jansen naman ay naging abala sa trabaho nito at sa girlfriend nito kaya ang pangako nitong EK sa kanya ay hindi matuloy tuloy. Paano kasi'y mula ng magkabati ito at si Lyka ay napansin niyang tila nawalan ng oras sa kanya ang kaibigan. At hindi na rin naman iyon binabanggit ni Jansen ang tungkol sa EK, hinihintay niyang ito ang magyaya ulit pero walang sinasabing anuman si Jansen tungkol doon at nahihiya naman siyang obligahin ito. Gusto niyang magtampo dahil tila kinalimutan na ng binata ang pangako nito.

Naiintindihan naman niyang bumabawi si Jansen kay Lyka. Afterall siya ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Pero nasasaktan pa rin siya, ni hindi na naulit na magkasabay silang magsimba, balik na naman ito sa dati na si Lyka ang kasamang magsimba. Ang madalas na gawain niyang makikain sa binata tuwing weeknights ay naging madalang na lamang. Paano kasi'y madalas gabihin ito kung umuwi, at iniisip niya kung dahil pa rin ba sa trabaho o dahil kasama lang nito si Lyka.

Kapag Sabado ay hindi naman niya ito nakakasama dahil schedule iyon ng binata with Lyka, kundi nandoon si Lyka ay si Jansen ang nasa condo ng babae. Ang pagtambay naman niya tuwing Linggo sa unit nito ay dumalang na rin. Kung minsan kasi kahit patuluyin siya nito ay halos lagi na lang nitong kausap sa phone si Lyka o kaya ay kavideo chat. Ang nangyayari ay aalis na lamang siya agad at sumasakit lang ang dibdib niya. At sa lahat ng iyon ay namimiss niya si Jansen. Wala na kasi silang masyadong moments together at nasasaktan siya.

Kaya naman ngayon ay Linggo at alam niyang tulog pa ang binata, maaga siyang gumising para ipagluto ito ng soup. Ngayon lang niya ulit nagawang ipagluto ito. At sinigurado niyang masarap iyon. Alas otso ng umaga at tamang tama lang for breakfast ang dala niyang malaking bowl ng soup na nasa tray, umuusok pa iyon at langhap niya ang mabangong amoy niyon. 

Bukod doon ay maaga din siyang naligo at siniguro niyang maging maganda siya sa paningin ni Jansen. Isang printed white blouse at above the knee yellow skirt ang suot niya na may katernong yellow sandals. Dahil basa pa ang buhok niya ay inilugay na lang niya iyon at nag apply siya ng kaunting polbos at baby pink lipstick. Mukha siyang teenager na magmo mall sa getup niya.

May ngiti sa mga labi niya habang kumakatok siya. Alam naman niya ang combination ng lock ng pinto nito pero ayaw niyang buksan iyon, gusto niya kasing isorpresa ito na pagbukas nito ng pinto ay unang tatambad sa paningin nito ang napakasarap na soup na luto niya para dito. Napakunot noo siya ng ilang katok na ay hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto. Tulog pa kaya ito? Inulit niya at ng akala niya ay hindi pa rin iyon bubukas ay bigla iyong bumukas at ang ngiti niya ay tila biglang hinipan ng hangin sa nakita. At kung hindi niya maagap na nahawakan ng mahigpit ang tray ng soup ay baka bumagsak na iyon sa sahig!

"Billy?" it was Lyka who opened the door! Magulo ang buhok , mukhang kagigising lang at nakasuot lang ito ng manipis at maiksing pantulog!

Billy felt like her heart has been ripped apart. Tila iyon pinipilas sa sobrang sakit. Dito natulog si Lyka sa unit ni Jansen! They slept together! Sa sobrang pagkagulat niya ay walang ni isang salitang namutawi sa labi niya. She just stood there in front of the door for a couple of seconds at shock lang siyang nakatitig kay Lyka. At hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay narinig niya ang tinig ni Jansen.

"Hon who was it? Make it fast hon, let's go back to sleep.."ang tila may inis sa tinig ng binata na narinig niya. Mukhang nainis ito na may umistorbo sa pagtulog ng mga ito!

"It was..." hindi naman maituloy tuloy ni Lyka na sabihin dahil maging siya ay nagulat ng makita si Billy. Pareho silang nagkagulatan ni Billy.

At lalo na siyang natulos sa kinatatayuan ng makita si Jansen na biglang niyapos sa baywang si Lyka. Hindi nito pinagkaabalahang tumingin sa pinto kaya hindi siya nito kaagad nakita. At lalong kumabog ang dibdib niya ng makitang hubad baro ang binata and he was only in his boxers! What could a man and a woman possibly do together with those clothes only? At kahit ipusta pa niya ang buong farm ng lola niya sa probinsiya ay sigurado niya, hindi lang basta natulog ang dalawang ito magdamag!

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon