INABOT at niyakap ni Billy ang napakalaking Barney stuff toy niya na gift ni Jansen sa kanya noong debut niya. Routine na niya iyon sa pagtulog. At katabi niyang matulog ang stuff toy. Pakiramdam kasi niya kapag ganoon ay tila katabi na rin niya si Jansen.
Pero kung minsan ay naguguilty siya dahil mas gusto niyang katabi ang bigay na Barney ni Jansen kaysa Barney na bigay ng boyfriend niyang si Perry na nakuha nito noon sa claw machine sa Starcity. At noong unang beses na makita ni Perry ang malaking Barney na nasa kama niya at katabi sa pagtulog ay bigla itong nagtampo bakit daw yung bigay nito ay nasa estante lang samantalang ang malaking Barney ay nasa kama niya at katabi matulog. Hindi daw ba niya mahal ang Barney nito dahil sa maliit lang iyon?
Tinawanan lang niya ito at sinabi na lang niya na regalo iyon ng mama niya kaya gusto niya katabing matulog. Hindi na niya sinabi ditong galing iyon kay Jansen dahil baka lalo itong magtampo or worst ay baka magselos pa at pag awayan pa nila. Hindi naman sa mas gusto niya ang bigay ng bestfriend niya kaysa bigay ng boyfriend niya. Madalang na lang kasi niyang nakikita at nakakasama si Jansen these past weeks and months, parang lalong nabusy sa trabaho. Laging gabi kung umuwi, tuwing weekends naman madalas ding wala. Hindi na tuloy siya gaanong nakakatambay sa unit nito at namimiss na niya ito.
Si Perry naman ay boyfriend na niya at palaging nakakasama unlike Jansen na hindi na niya gaanong nakakasama lalo na ng maging sila na ni Perry. Pakiramdam ba niya ay umiiwas ito. Or baka ayaw lang nitong mapagselosan ito ni Perry dahil siyempre hindi naman basta mawawala ang closeness nila nito dahil sa nagkaboyfriend na siya kaya ito na ang umiiwas? Kaya naman katabi at kayakap niya sa pagtulog ang Barney na bigay ni Jansen para hindi niya ito gaanong mamiss.
Kung minsan nga ay gusto niyang kausapin ang binata kung bakit tila umiiwas ito. Hindi naman porke may boyfriend na siya ay magbabago na ang samahan nila bilang magbestfriend. Sabagay hindi rin niya ito masisisi, kahit nga ito noong may girlfriend pa ito ay may times na iniiwasan din niya ito, iyon naman ay dahil sa nagseselos siya. Posible kayang iyon ang dahilan? Baka, pero ang pagseselos nito alam niya ay dahil lang sa nagseselos ito siguro bilang kaibigan. Dahil kung may pagtingin ito sa kanya ng higit pa sa isang kaibigan, ay narito na lahat ng pagkakataon na magtapat sa kanya dahil may three months na palang break ito at si Lyka. Ni hindi ito nagpahiwatig sa kanya ng kahit ano o paramdam man lang. Nanatili lang itong naging bestfriend sa kanya. Kaya baka selos kaibigan lang ang dahilan siguro kaya parang umiiwas ito.
Two weeks pa nga after ng debut niya bago iyon naipadala ni Jansen sa mommy nitong si Tita Luz. Gusto niyang magtampo sa kaibigan dahil talaga palang wala itong gift sa kanya noong mismong araw ng birthday niya. Pero bawing bawi naman ito ng buksan niya iyon at tumambad sa kanya ang malaking stuff toy na Barney. She really liked Barney kahit noong bata pa siya and because Jansen gave it to her, she likes Barney even more now.
Pero may napansin siya kay Jansen noong debut niya, he seem sad and broken because his smiles never reaches his eyes. And his eyes, she could see the pain in there kahit na tumatawa at binubully siya nito ng gabi ng birthday niya. Kabisado niya ito, isang tingin pa lang niya ay alam niyang broken hearted ito. And that 's because of Lyka of course.
Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ito nakipaghiwalay sa girlfriend nito tapos ngayon mukha namang nasasaktan. At ayaw niyang bilhin ang sinasabi nitong gusto nitong magfocus sa trabaho kaya ito nakipaghiwalay kay Lyka. She could sense somehow that he's not telling the truth. May sasabihin ito dapat sa kanya pero naputol ng biglang dumating si Perry. Kaya nga tinanong niya ulit ito ng paalis na ito kung ano ang rason ng pakikipaghiwalay nito sa girlfriend nito. Pero iyon ang sinabi nitong dahilan, trabaho. But she's not really convinced. There's more to it, she could feel it.
BINABASA MO ANG
Noon Pa Man Ay Ikaw Na
RomanceThey were best of friends. Halos sabay na lumaki at nagtutulungan kapag may problema. At dumating ang problema ni Billy at si Jansen lang ang makakatulong. Ipapamana lamang kay Billy ng lola Marcella niya ang farm kung mag aasawa na siya. Pinak...