Chapter Twenty One

139 5 1
                                    

"BILLY I'm sorry I can't..may malaki kasing project ngayon at medyo busy ako.." hindi na natapos ni Jansen ang sinasabi sapagkat binabaan na siya nito ng tawag. Gusto kasi nito ngayong gabi sila umuwi ng probinsya. Birthday pala ni Lola Marcella. At gusto nitong mag undertime siya sa trabaho para makaabot sila sa salu salong ihahanda sa birthday ng matanda.

It's only two pm. Kung aalis sila ng alas tres, by seven pm ay nandoon na sila. Okay lang naman sa kanya, kasi Friday na din naman, pero nagkataon lang talaga na kailangan siya hanggang mamaya sa project na ito. Actually nasa site pa siya. Kanina pa siya tinetext nito pero hindi pa niya narereplayan at hindi siya makabuwelo dahil tutok sila ng mga kasamahang engineers at ibang architects sa project na ito na isang twin tower na high end highrise condominium at highrise commercial building sa BGC.

Napapikit si Jansen. Nagtatalo ang isip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi siya puwedeng umalis na lang basta, as Chief Architect, na sa kanya ang final say ng project na ito. Pero tila naman may kumukudlit sa dibdib niya knowing na nagtampo si Billy dahil tinanggihan niya ito. One hundred percent sure siya na nagtampo iyon dahil binabaan pa siya nito ng tawag. 

Nang magmulat siya ng mata ay nakita niyang sinesenyasan siya ng isang co architect niya na balik na sila sa meeting nila. Nag excuse lang kasi siya saglit na sasagutin ang tawag ni Billy. Nagsenyas siya ng ten minutes more para makapag isip siya kung ano ang gagawin. Sumenyas naman ito ng okay.

May isang buwan na rin silang nagpapanggap ni Billy na magfiance. So far ay wala namang naging problema. Ang dating pag uwi ni Billy na once a month lang ay naging every two weeks at lagi na ay kasama siya nitong umuuwi. And they have been acting smoothly and so effectively na ni minsan ay hindi nakahalata ang lola nito. Natural na kasi sa kanila ang sweetness nila at closeness kaya hindi iyon mahirap gawin.

Kapag nakaharap ang lola nito ay hindi nawawala ang akbay o yakap niya sa dalaga. May mga ilang beses na nagbiro ang lola nito na bakit hindi daw nito nakikita na hinahalikan niya si Billy. Tinawanan lang niya iyon at sinabing nahihiya si Billy na gawin niya iyon sa harap ni Lola Marcella. Na sinegundahan naman ni Billy. Pero noong minsan ay naglalambing ang lola nito na magkiss naman daw sila. Hindi naman nila mapahindian ang lola nito, kaya pinaunlakan nila. Ang balak niya ay sa pisngi lang niya ito hahalikan. Pero ng lalapat na ang labi niya sa pisngi ni Billy ay bigla namang humarap si Billy at sa mga labi nito naglanding ang labi niya. At dahil pareho silang nagkagulatan ay natigilan sila pareho dahilan para tumagal ang pagkakalapat ng mga labi nila at tila naman awtomatikong bumuka ang mga labi ni Billy dahilan para lumalim ang halik niya dito at sa sobrang gulat yata niya ay nastuck na ang labi niya sa labi ni Billy at tila may sariling isip ang labi niya na inangkin ang mga labing hindi niya kayang tanggihan. Nahimasmasan lang siya ng magsalita ang lola ni Billy na tila kinikilig.

"Hep! Mga apo nandito pa ako at baka nakakalimutan ninyo!" ang nanunuksong sabi ni Lola Marcella.

Napatingin siya kay Billy na marahan siyang itinulak. Napangiti siya sa hitsura nitong tila nangamatis ang mukha, pulang pula iyon.

"E lola kaya nga po, nagpipigil ako minsang halikan si Billy, nakecarried away po kasi ako sa sobrang ganda niya at tamis ng mga labi niya.." may pilyong ngiting sabi niya at natawa siya ng malakas ng lalong mamula si Billy.

Sa kabila ng pamomroblema niya ay napangiti siya sa alala ng tagpong iyon. Billy is so adorable.

At gusto rin naman niya na nakakauwi siya palagi sa kanila at mas natuwa ang parents niya lalo na ang mommy niya dahil napapadalas ang uwi niya. At natutuwa din ito na lagi silang magkasama ni Billy. Naikuwento na niya sa mga magulang ang pagpapanggap nila ni Billy. At si Billy naman alam niya ay naipaalam na din sa magulang nito. Hindi nga lang niya alam ang reaksyon ng mga ito at hindi pa nagkuwento si Billy. Pero ang parents niya noong una ay tutol ang mga ito, baka daw magkaproblema sila ni Maris kapag nalaman ito, inassure naman niya ang mga magulang na mahahandle niya iyon ng maayos. Napahinuhod na rin niya ang mga ito ng sinabi niyang tatlong buwan lang naman iyon. At by the time na makabalik si Maris ay tapos na ang pagpapanggap nila ni Billy.

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon