Chapter Thirty One

154 1 0
                                    

"NAPAKAGANDA mo anak!"natutuwang sabi ng mommy niya sa kanya paglabas niya ng silid niya. Siya lang ang nag ayos ng buhok niya at nag apply ng make up niya. Inilugay niya ang mahabang buhok na pinlansta niya at inipit lang niya sa tainga niya at nilagyan lang niya iyon ng isang gold hairpin sa kanan. Simpleng hikaw at kuwintas lang ang suot niya.

Ang kuwintas niya ay iyong bigay pa sa kanya ni Jansen noong trese siya, ang kuwintas na may pendant na initials nila ng binata, J & B. Hindi niya alam kung bakit iyon ang isinuot niya, may choices naman siya kanina pero sa paghalungkat niya sa jewelry box niya ay iyon agad ang dinampot niya at walang pag aalinlangan na iyon ang gusto niyang suotin.

Ang damit niya ay isang ivory white dress na above the knee, medyo loose sa may bandang tiyan for obvious reasons, off shoulder iyon na tama lang ang baba ng neckline exposing her slender neck and collarbones, puff sleeves din iyon, at sa mga paa niya ay flat closed shoes na kulay beige at hindi na niya kayang magheels at baka matapilok pa siya at delikado para sa baby niya.

Pilit niyang nginitian ang mommy niya. Kapagkuwan ay marahan siya nitong hinawakan sa balikat at masuyong tinitigan. "Billy anak, this is supposed to be the most important day in your life. Ang ikasal sa lalaking noon pa man ay lihim mo ng minamahal, can't you at least forget about everything and just be happy today?"

Puno ng pangamba at lungkot na tumingin siya sa mommy niya. "Mommy kahit anong pilit ko ay nahihirapan akong maging masaya. Knowing that Jansen is doing this just for our baby, he-he doesn't care about me anymore like he used to..he was so angry he doesn't even want to talk to me.."puno ng hinanakit niyang sabi. Inabot din ng dalawang linggo bago naitakda ang kasal nila sa civil na ito. At sa lahat ng mga iyon, sa pag aasikaso kahit civil lang iyon ay hindi nagpakita si Jansen.

Noong araw ding iyon ng galit na galit na tinalikuran siya nito at sinabing hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal na ito ay umalis agad ang binata at lumuwas pabalik ng Manila. At mula noon ay hindi na ito nakibalita, ng subukan niya itong tawagan ay ito pa ang nagalit at sinabing huwag daw siyang mag alala at sisipot ito sa araw ng kasal.

Siya lang at ang mga magulang nila ang naging abala. Mula sa kung saan sila ikakasal, iyon ay sa kaibigang judge ng daddy ni Jansen, sa mga tatayong witness at sa reception na gaganapin sa malawak na bakuran ng mga dela Cruz, kaunti lang naman ang mga inimbita nila, mga malalapit na kaibigan, kaanak at kapamilya, pati mga tauhan ng farm ay imbitado at walang pasok ang mga tauhan ng magkabilang farm ngayon. Pati sa susuotin niya, at maging sa susuotin ng binata, sila rin ang nag asikaso.

As in walang ginawang anuman si Jansen para sa kasal nila. Ang tanging tiniyak lang nito ay na sisipot ito sa araw ng kasal. At sa lahat ng iyon ay sumasakit ang dibdib ni Billy. Akala ba niya ay gusto nitong pakasalan siya at galit na galit pa ito na todo tanggi siya, e ni wala itong ginawa ni isa para sa kasal nila?

At sa nangyari ay mas nagmukha pang siya ang may gustong magpakasal dito at ito ang may ayaw dahil ni wala itong naging kontribusyon ni isa. Mapait na napangiti si Billy.

Now she knows, napilitan lang talaga ang kaibigan niya na pakasalan siya at talagang mahal nito si Maris. Dahil kung hindi ay hindi ito magkakaganoon. That he is so heartbroken na hindi natuloy ang kasal nito sa pinakamamahal nitong kasintahan, that he can't even attend to the details of their wedding.

Para sa baby nila at para sa mga pamilya nila kaya siya pakakasalan ni Jansen. Sabi pa nga nito ay hindi nila kailangang magmahalan dahil ang mahalaga ay may kilalaning ama ang bata. At dalawang linggo, ni hindi nito naalalang itext man lang siya para kamustahin ang baby nila, huwag na siya, kahit ang baby lang nila, ni ha ni ho wala. Namuo ang luha sa mga mata niya.

"Oh no! Don't cry sweetie. You'll mess up your make up!"pang aalo naman ng mommy niya na hinagod hagod ang likod niya. "Look at me sweetie. Maaring galit si Jansen ngayon" ..at maaring hindi pa niya narerealize na mahal ka niya anak..pero hindi na muna isinatinig ni Lisa iyon sa anak..she wants them to find out for themselves their love for each other..well her daughter loves Jansen alam niya iyon, but Jansen..she knows deep in her heart..that he loves her daughter, maybe he just doesn't realize it yet..or he couldn't just admit it because of their friendhip..

Noon Pa Man Ay Ikaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon