Thirty One

3.3K 143 44
                                    

I let him kiss me.

All my anger, all the resentment I've collected these past few months were nothing but a puddle of forgotten emotions.

I hate it.

I love him.

I still love him.

Kahit na nakaalis na siya na naiwan akong umiiyak sa sala na parang tanga, alam kong lahat ng 'yon ay dahil nasasabik ako sa dating kami, bago nangyari ang lahat ng kabalastugan na nangyari sa buhay ko, buhay naming tatlo nila Vi.

Gulong-gulo ako. 

Gusto kong magtanong kung bakit at paano niya nagawa iyon gayong may Desiree siyang nag-aabang sa kanya. Si Desiree at ang anak nila. Ngunit, hindi ko kaya. I don't want to hear the truth from his mouth. Because he never claimed the child. He never did. 

I remember that day in his office crystal clear. He said I should hold-on and he'll fix it. Mend things. Ako 'yong kusang bumitaw. Now, I'm asking myself if I did the right thing. If running away, hiding from him, hiding his daughter from him was the right thing to do during those moments and even now.

"Anak, pasensya ka na. . ." Narinig kong bulong ni mama na 'di ko napansing nasa tabi ko na pala at humahagod sa likuran ko. Iling lang ang natatanging sagot ko. 

Hinayaan naman nila akong tahimik na pumanik at magkulong sa kwarto ko kasama ang anak ko. Aiden was reluctant to leave but respected my wish of just being alone. I was quiet and still in shock for the rest of the week. I was paranoid, kinakabahan na baka biglang magpunta ulit sila Kiel sa bahay. If it wasn't for Vi, I think I have lost my sanity.

May mahinang katok na gumambala sa malalim kong pag-iisip. Dahan-dahan na nagbukas ang pinto at tumambad sa'kin si Tanya na naka-uniporme't mukhang papasok na. "Ate, may bisita ka sa baba." Sambit niya.

Judging from the way she said it and from the way her eyes looked. Kilala ko na kung sino ang nasa ibaba. Dumagundong ang dibdib ko saka ko napakapit ng mahigpit sa kumot na nakabalot sa'kin. 

"Pakisabi ayaw ko siyang makita." Sagot ko.

Napakagat ng labi si Tanya, "Ate, alam naman nating hindi aalis si Kuya Kiel ng basta-basta."

"Ikaw ang nagpapasok sa kanya rito, Tanya. Ikaw rin ang magpa-alis."

She sighed. "Ate, kapag hindi ka bumaba. Siya ang aakyat dito." Saka kami sabay na lumingon sa crib kung saan mahimbing ang tulog ng munti kong anghel.

Doon pa lang alam na ni Tanya ang mga sunod na mangyayari. "Sasabihan ko siya na mag-aayos ka lang bago bababa."

Saka siya naglaho sa paningin ko.

Nagdalawang-isip akong bumangon. Alas-tres na ng hapon at alam kong hindi healthy ang magkulong lang dito sa kuwarto ko buong araw. At wala na rin sense ang ginagawa ko dahil 'yong taong ayaw kong makita ang mismong bumalik para siguraduhing hindi matatahimik ang buhay ko.

I took my time making myself presentable as I rake my mind with all the reasons why I should hate Kiel. Why I should loathe him with my whole being. Why I should never ever fall under his charms again.

Stonehearts 8: PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon