"Ano ho ulit ang ginawa ni Sir, Ma'am?" muling tanong ng pulis sa akin na mukhang nagpipigil ng tawa.
Naramdaman ko ang init na namuo sa magkabila kong pisngi, "Ninakawan niya ako ng halik." pangatlong ulit ko sa reklamo ko. But this time, it is quieter compared from the first time I blurted it out when we got here.
Nakita kong napailing si Sir Cael na nakatayo sa likuran ng kaharap kong si - sino nga ulit siya? Ah basta, itong kapatid ni Sir Cael.
Paano kami humantong dito?
Well, after he freaking stole a kiss from me I called his brother out of my anger and disgust. Nawala ang kaluluwa ng propesyonalismo na nananalaytay sa katawan ko at sinabihan ko si Sir Cael na hindi na ako ang mag-ma-manage ng kasal nila at i-re-refund ko na lang ang pera na ibinayad nila.
Bakas naman ang pagkabigla sa boses niya ng itinanong niya bakit at kung anong nangyari. I told him everything that had happened. He was also quite shocked and confused at the same time as to why his brother would drop by my shop.
Wala rin daw siyang kinalaman sa pera na inabot sa akin ng Kuya niya. Siya na ang nanghingi ng dispensa at nagtanong kung ano raw ba ang gusto kong gawin niya para makabawi sa katarantaduhan na ginawa ng Kuya niya.
So, I asked him to bring his brother at the Police Station near my shop para mapa-blotter ko siya. Sexual harassment kaya 'yon!
And here we are!
We are seated infront of each other with me trying to kill him with my gaze. Pero ang kupal, aba! Nakangisi pa na parang proud na proud pa siyang pinapapulis ko siya!
Ugh! I just want to erase that goddamn smirk off his face.
"Kung galit na galit ka, Peridot. Bakit hindi mo na lang ibalik sa akin 'yong halik ko?" mapang-asar na tugon niya.
GUSTO KO SIYANG TADYAKAN SA BAYAG NG HINDI SIYA MAGKALAT NG NAPAKAPANGIT NIYA LAHI!
"Kuya!" suway sa kanya ni Sir Cael.
I clutched my purse tight and challenged his playful stare with my death glare. "Wala akong kailangang ibalik sa'yo." matigas na ani ko.
He chuckled. "Okay, sige. Babawiin ko na lang ba?"
Urat na urat na ako sa lalakeng ito!
Sasagot pa sana ako kaso naaninag ko si Era papasok ng prisinto. Agad naman siyang humalik kay Sir Cael bago nagtanong kung anong nangyari.
Muling napailing si Sir Cael at itinuro ang Kuya niya. "Kapag hindi natuloy 'tong kasal natin, sisihin mo itong si Kuya Kiel."
Lumingon naman agad sa kanya itong mokong na ito. I know he had something funny (well, funny to him) to tell pero nawala ang pagkapilyo niya nang nakita niyang nangingilid na ang luha ni Era.
"K-kuya, alam mo kung gaano kaimportante sa akin na matuloy ang kasal namin." mahinang sambit niya sabay yuko.
Agad namang napatayo si Kiel at umakap sa kanya, "Hey, hey. Matutuloy ang kasal niyo, okay? Ako mismo ang magliligpit sa gustong pumigil sa kasal niyo."
What a goddam paradox this man is! Hindi niya ba alam siya ang puno't dulo ng lahat?
"Edi iligpit mo sarili mong ugok ka! Tsaka itigil mo na nga 'yang pag-akap mo sa asawa ko!" sabay tulak sa kanya ni Sir Cael at akap kay Era.
"Fine." mapagmaktol na sambit ni Kiel na para bang napipilitan lang siyang sabihin ang kung ano mang susunod na salita ang lalabas sa bibig niya, "I'm sorry for stealing a kiss from you, Peridot. It was very immature and shameless, and I didn't value your being a woman."

BINABASA MO ANG
Stonehearts 8: Peridot
Romance| Stonehearts #8 | COMPLETED | A crystal of positive attitude, a ray of growth and a blinding sunshine, Vivienne Peridot Hermoso is one radiant energy. This lady born on the 19th of August always believed that by honoring positivity, abundance in ev...