Prologue

13.5K 289 29
                                        

"Ma'am Dothy, may naghahanap po sa inyo sa labas." narinig kong tawag sa akin ni Yan.

Napa-angat ako ng tingin at nakitang ngiting-ngiti siya habang nakasandal sa pintuan. Napakunot-noo ako saka ko siya tinanong.

"Bakit ang ganda ng ngiti mo?"

Mas lumapad ang ngiti ng loka-loka saka pumasok at umupo sa silya na nasa harap ng mesa ko, "Ate, labas ka na roon at kausapin mo na ang naghahanap sa'yo. Napaka-guwapo!" ipit na tiling sambit niya.

Napa-irap ako, "Alam mo ikaw, wala talagang araw na wala kang pinagnasaan na customer."

"Ate naman! Very slight lang naman, alam ko namang lahat sila ikakasal na ano! Ano lang naman ang mag-window shopping ng very light."

Napahilot ako sa sentido na siya namang tinawanan lang niya, "Lumabas ka na roon at sabihan mo 'yong kliyente na pasunod na ako."

May mga binubulong pa ang lokaret habang palabas, na kesyo napa-uptight ko raw, na kesyo baka tumanda na raw akong dalaga kapag hindi ko raw ginalingan (?) galingan saan, na kesyo baka kulang lang daw ako sa romansa at marami pang iba.

Gusto ko nga sana siyang batuhin ng mug kaso bigay kasi ito ni Mama kaya 'wag na lang. Ang babae talaga na 'yon napakaraming side-comments parati.

Kung alam lang nila kung ano talaga ang gusto ko.

Ginawi ko ang tingin ko sa kalendaryo sa gilid at nakitang jam-packed kami sa weddings, birthdays, at iba pang mga selebrasyon.

Katatapos lang ng tatlong events na kung saan kami ang nag-supply ng mga bulaklak at dalawa roon ako ang event planner.

Ang susunod na magaganap ay ang kasal nila Era at Sir Cael. This wedding is too dear for me to mess up, kaya sa lahat talaga hands-on ako sa pag-aasikaso. Hindi ko na nga matandaan kung paano ba kami naging close ni Era. Sa pagkakatanda ko client ko siya sa dapat na kasal niya noon pero masyadong maraming nangyari sa buhay niya. Pero kahit ganoon masaya ako dahil happy ending pa rin ang kinahinatnan.

Sana all, 'diba?

Lumabas ako sa opisina ko at sinalubong ako ng mahalimuyak na amoy ng iba't-ibang bulaklak na nasa shop ko ngayon. Maraming delivery ngayon dahil may isang binyagan kaming su-supply-an sa Sabado na dinaig pa ang kasal sa dami ng bulaklak na in-order.

"Yan, nasaan si Sir?" tawag ko kay Yan na busy na mag-ayos ng bulaklak sa maliit na paso.

"Nasa kabilang waiting area, Ate. Nahihilo raw kasi siya sa amoy ng bulaklak." sagot niya.

Dalawa kasi ang waiting area ng shop, isa sa loob para sa mga gustong mag-check ng available naming bulaklak at floral designs and arrangements A.K.A ang mga may pake sa event, at isa sa nakahiwalay na maliit na kwarto para sa napilitan lang sumama at gusto lang makalibre ng kape at wifi sa shop.

Habang hawak ko ang clipboard at iPad ko, nagtungo ako sa external waiting area kung tawagin namin.

"Hi, Sir. Sorry for the wait. What can I help you with?" magiliw na bati ko.

Tumigil siya sa pag-scroll sa phone niya saka ako tiningala. Maya maya lang ay napatakip siya ng ilong.

"Ikaw ba 'yong mabaho?" parang tangang tanong niya.

Alam kong napasimangot ako dahil sa tanong niya, "Excuse me?"

"Ikaw ba 'yong amoy bulaklak?"

Then I remembered what Yan said a while back about him hating the smell of flowers. Hindi ko naman siya matutulungan sa problema niya, besides maraming nagsasabi na lagi akong amoy bulaklak. Siguro dahil na rin araw-araw ako rito sa shop.

"Baka ako nga." sagot ko sabay pilit na ngumiti.

Sandali siyang natigilan sa kung ano mang asiwa na ekspresyon ang nasa mukha niya saka niya ako tinitigan. Nang una ayos lang, kaso nang tumigal naging ilang ako.

"Excuse me, Sir?"

"Sorry." mabilis na bawi niya sabay iwas ng tingin. "Pinapabigay pala ito ng kapatid ko. Full payment daw nila."

Then he handed me a white envelope with my name written at the back of it. Kahit na hindi ko kilala kung sino bang kapatid ang sinasabi niya, inabot ko pa rin ang sobre mula sa kanya.

Our fingers briefly touched and he withdrew instantly as if he was burned. Pinigilan ko ang sarili kong umirap dahil sa kaartehan ng taong ito.

"Shit." I heard him whisper but I chose to ignore it. Kung ako man ang minumura niya, mapaliguan sana siya ng pabangong amoy bulaklak.

"Sino nga ang kapatid mo, Sir?"

"Si Climente saka si Emerald." mabilis na sagot niya saka siya tumayo. "Alis na ako." saka siya tuluyang lumabas.

Hindi ko alam kung anong nangyari at kung anong problema niya. Una, dahil bayad naman na si Era at Sir Cael sa akin matagal na. Bakit pa sila nagpadala ng pera? Pangalawa, bakit kapatid ni Sir Cael ang nagdala gayong alam naman nila kung anong bank account ipapadala ang pera? Pangatlo, anong problema ng lalakeng 'yon?

Babalik na sana ako sa opisina ko para makuha ang cellphone ko at matawagan si Era kaso muling nagbukas ang sliding door at muli ko nanamang nasilayan ang wirdong lalakeng ito.

Tama nga si Yan. Guwapo nga.

Itatanong ko pa lang kung bakit siya bumalik pero naunahan niya ako magsalita.

"Sorry, but...."

Then he closed in the space between us in a few strides and before I know it his lips were on mine. It was brief, but it was intoxicating.

"I just need to taste your lips." he finished when he broke the kiss.

I was in a state of daze before I noticed that his arms where around me and that I was clinging unto him. I quickly untangle myself and brought a huge gap between us.

"I'm Kiel. I'll see you around, Peridot." then he again left.

Napahawak ako sa labi ko.

WHAT THE HELL JUST HAPPENED?!

Stonehearts 8: PeridotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon