Dear Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.___________________________________
Napuno na lamang ng pagtangis na dulot ng kasiyahan ang loob ng emergency room. Napayakap sila ng mahigpit sa dalagang nagbabalik sa kaniyang katawan.
" Mama, " unang sambit ng dalaga na biglang nagselos ang papa nito.
" Mama mo lang na mis mo. Paano kaya ako? " padinig ni Carllex sa anak.
" Papa, seloso niyo talaga. " lambing niyang suyo sa papa nito.
" Syempre, love na love ka ng papa. " sabay halik sa noo ng anak nito.
" Saan ho si boss? " hanap ni Princess.
" Baka nasa labas lang saka galit na galit rin iyon. " balita ng papa niya.
Princess Pov's
Napakapa na lamang ako sa dibdib ko. Hayst, may sugat pala ako at hindi pa ito magaling. Gusto ko nang umuwi at magpahinga." Hi apo, kamusta ang pakiramdam mo? Dinalhan nga pala kita ng prutas. " wika ni lola Jena sa akin.
" Thank you ho lola Jena saka ang sarap naman ng dala niyo. Paborito ko po talaga ang dalandan. " niyakap ko si lola Jena at nagmano na rin. .
" Hi apo ko sa tuhod. Dinalhan rin kita mansanas. " pasok naman ni lola Rygoza.
" Wow, thank you po lola Rygoza. " mano ko rin at halik sa pisngi niya.
" Pagaling ka ha saka nabaril iyong bumaril sayo. " balita sa akin lola Rygoza.
" Ang swerte ko talaga dahil ang dami kong lola at lolo. " sabi ko ng ganun at tumabi sila sa akin.
" Princess, mag iingat ka lagi ha! Mahal na mahal ka namin. " sabay halik nilang dalawa sa pisngi.
I'm so happy kasi mahal na mahal ako ng lahat. At hindi ko sasayangin ang tiwala at pagmamahal nilang lahat na inalay sa akin.
Nagpaalam na lamang sina lola na lumabas at naiwan akong mag isa. Kumuha na dalandan at akmang babalatan ng may biglang umagaw dito.
" Ako na ang magbabalat. " inis na sabi nong boses.
Napa angat ang ulo ko ng bahagya ng masilayang ang mukha ng boss kong may pagka suplado. Hala ang cute niya sa puti niyang suot.
" Hi boss, " bati kong ngiti sa kaniya.
Aba, hindi ako pinansin. Ay, nakapokus lang siya sa dalandan na binabalatan niya.
" Boss, ang cute niyo sa suot niyong puting polo. " puri kong sabi sa kaniya." Tskk.. Manahimik ka nalang nga. " sabat niya sa akin. Ay, snob lang ang beauty ko.
" Boss, napano iyang kamay niyo? " usisa ko sa kaniya ng ganun.
Alam kong itatanggi lang niya sa akin kung napano iyan.
" Wala ito! Oh, dalandan mo saka magdesesyon kana. " sabi niya sa akin ng ganun. Aba, galit ba siya?
" Anong magdesesyon? " usisa ko naman.
" Nagbabalak ang papa mo na dapat mong bitawan ang pagiging prinsesa dahil hindi sila titigil hangga't hindi ka nila nakukuha. " balita niya sa akin.
" Anong ibig mong sabihin? Hindi ako magbibitaw! " sabat ko naman sa kaniya.
Kakausapin ko si papa at sasabihin ko sa kaniya na hindi ko bibitawan ang trono ko.
" Boss, pwede bang tawagin mo si papa. " pakiusap ko sa kaniya.
" Iyon lang ba? Sige, " tayo niya at saka lumabas.
Makalipas ang ilang sandali ay pumasok si papa na may dalang papers.
" Gusto mo raw akong makausap, anak? " usisa ni papa at umupo sa tabi ko.
Tinitigan ko si papa at yumakap sa braso niya.
" Pa, hindi ho ako bibitaw sa trono ko. Mananatili ako hanggang sa maayos ang lahat. Pa, wag ho kayong mag alala sa akin." pagtatapat ko agad kay papa dahil alam kong alam niya na hindi ako magbibitaw.
May pangako kasi akong sinumpaan.
" Halika nga rito! Nagdesesyon na ang hari at maninirahan ka sa malaking Mansiyo na nasa sentro ng bayan natin. Kasama mo roon ang prinsepe mo at mga suldadong ipinadala ng hari." balita ni papa sa akin na ikinangiti ko.
" Talaga papa! Yes! Malapit lang ho pala. Saka araw - araw niyo akong dalawin ha. " bilin ko kay papa.
" Oo naman. Sige, lalabas muna ako at may sasabihin sayo ang doktor mo. " paalam ni papa.
Sino naman kayang doktor ang sinasabi ni papa? Iyong bang doktor na gumamot sa sugat ko o si Boss? Ang sungit naman kasi no'n. Ayaw ngang sumagot ng matino. Laging pasungit!
" Princess, " tawag sa akin ng isang boses. Hala, si Boss lang pala.
" Bakit boss? Mis mo agad ako? " usisa kong loko sa kaniya.
" Just shut up! " pasungit niyang sabi sa akin.
Napa upo siya sa harapan ko at tiningnan ang pulse rate ko. Napatitig na lamang ako kay boss. Ay, ang kinis ng mukha niya kahit na suplado.
" Anong tinitingin - tingin mo diyan? " puna niya sa akin ng ganun.
Ay para naman inaano itong lalaking ito. Ayaw na ayaw titigan.
" May dalaw ba kayo, boss? " seryoso kong tanong sa kaniya na ikinahinto niya.
" Damned, tigilan mo nga ako babae. " pagalit niyang sumbat sa akin.
" Bakit ka nagagalit? " usisa ko naman. Para kasing may regla itong lalaking ito! Daig pa ako!
" Gusto mo malaman? " pa usisa niya at napa ekis ang mga braso niya.
Napatitig ako sa kaniya at hinihintay ko ang sagot niya.
" Galit ako kasi wala na akong nagawa para protektahan ka. Galit ako dahil muntik ka nang mamatay ng dahil sa akin. Galit ako dahil ayokong lagi kang nasasaktan. Galit ako dahil mahal kita! " pasumbat niya sa akin na ikinagulat ko.
Namula na lamang ang pisngi ni Princess sa mga narinig niya mula sa binatang kaharap. Hindi niya akalain na magtatapat sa kaniya ang boss niya na wala sa oras.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.