Napahiga ako ng bahagya at si manong ang nagmamaneho. " Manong, sabihan niyo lang ako kapag pagod na kayo para ako naman ang magmaneho. " sabi ko ng ganun.
Mahaba pa ang biyahe at mahigit dalawang oras ang biyahe para makarating sa bayan ng San El Vergara. " Ako na ang bahala dito, sir Carllex. " tugon ni manong sa akin.
Maraming salamat talaga at pagod na talaga ako. Sesermunan na naman ako ni mama at ng asawa ko. Lagi kasi akong nagpapabaya at subsub sa trabaho kaya pati love life ng mga anak namin ay lagi akong huli sa balita.
Oo na, ako na ang subsub sa trabaho. Pupuntahan ko lang naman ang Vergara Brothers para sa isang kasunduan. At sisilipin ko na din ang dalawang binibining napupusuan ng mga anak namin ni Jen.
Sa Bayan ng San El Vergara.
Papasok na nang bayan ang kotseng lulan si Mr. Carllex de la Vega. Pababa na ang ginoo habang nasa labas ng mansiyon ng mga Vergara ang pitong dalagang nagtatawanan habang naglalaro ng football. " Pasa niyo naman sa akin. " inis na wika ng pinakabatang dalaga na kanina pa gustong masipa ang bola.Kaagad namang sisipain ang bola ng biglang gumulong patungo sa ginoong kakalabas lamang ng kotse. " Sorry po sir saka naglalaro po kami. " paumanhin ng dalagang namumula na ang pisngi na tila lahing Kastila rin.
Mapapangiti na lamang si sir Carllex, " Yhu - anne, ang cute mo talaga. " kurot niya sa pisngi ng dalaga. " Sir Carllex, don't do that agaib kasi magseselos si papa. " lokong sabi nito na ikinatawa bigla ni Carllex.
Magkakasalubong naman sila ng mga Vergara na galing sa hacienda at mga walang damit. Bakas ang matitigas na katawan at abs ng mga ginoo habang kasunod nila ang mga asawang may dalang harvest ng mga pananim. " Magandang araw sir Carllex at mabuti'y nakadalaw kayo. " Bati ng nakakatanda sa kanilang si Alex.
Nakipagkamayan siya rito. " Rose at Xandra, isama niyo na sila sa loob at kanina pa kayo nagbibilad sa araw. " utos ni Alex sa kambal nitong anak.
Maiiwan naman sa lilim ng mga puno ang mga ginoo at may gustong iparating si sir Carllex sa mga Vergara. " Andito ako kasi iyong dalawa naming binata ay may crush na. " pa alam niya. " Mabuting balita iyon, sir Carllex. " tugon ni Alejandro na parang kamatis na.
Mapapatayo si sir Carllex, " Alam niyo ba kung kanino sila nagkagusto? " pa usisa niya sa mga Vergara. " Eh kanino nga? " usisa naman ng mga ito.
Mapapatitig na lang siya kay sir Alex, " Sa kambal daw na Vergara. " tugon ni Carllex na ikinagulat ni Alex. " What do you mean? " usisa naman nito na hindi rin makapaniwala.
" Well, dahil sa fb na iyan. Ayon, crush daw nila iyong magkamukhang Vergara. " upo ulit ni Carllex habang namomoblema.
" Hindi ko rin alam iyan. Pero don't worry at kakausapin ko ang mga anak namin ni Maria Rose para sayo. " sabay tapik ni Alex sa balikat ni sir Carllex.
" Sandali, " sambit niya ng biglang nagring at tumatawag ang asawa niya.Hindi naman aalis sa kinauupuan niya si sir Carllex at mananatili roon. Maririnig naman ang boses sa telepono. " Oh pangit kong asawa. Andito na ako sa San El Vergara. Sabihin mo iyang dalawang iyan at ipapakasal ko agad sila. Sige bye, " sabay hang out ng call.
Napatawa na lang ang mga Vergara sa kalokohan ni sir Carllex at babalik ito sa pag uusap.
" So, kamusta iyong buhay niyo rito? Balita ko si Yjune Vergara ay nasa San El Vador. Ikakasal na nga daw. " usisa niya sa magkapapated na nagpapahinga dahil galing ng hacienda.
" Andoon ang trabaho niya saka umuuwi din dito iyon. Hindi naman namin mapilit kasi mahal niya si señorita Athena at nag ampon siya. " sabat ni Luhanne.
" At masaya kaming lahat dahil natupad niya ang pangarap ng daddy namin para sa kaniya." tugon naman ni Alexander.
" Teka, kamusta na pala iyong mga humahabol sa inyo? " usisa ni sir Carllex sa kanila.
" Hindi namin alam saka ayaw naming madamay ang mga anak at asawa namin. Alam mo naman na puro babae ang anak namin. Dito lang muna kami para tahimik lang at malayo sa gulo. " tugon uli ni Alexander.Naiba na ang usapan ng mag usisa si sir Carllex tungkol sa kambal na anak ni Alexander Vergara kay Maria Rose Santos. " Ilang taon na pala ang kambal mo, Alex? " usisa nito na tila interesadong malaman.
Napatitig na lamang si Alexander sa mga anak niyang papalabas ng mansiyon. Na may dalang meryenda. " Ayan na ang mga anak namin. Iyong medyo pormal ay si Rose at iyang parang siga ay si Alexandra. Ewan ko ba, basta nagmana daw sa akin iyang siga. " balita niya kay sir Carllex na ikinangisi nito.
Napangisi na rin ang mga ito at sabay na bibiruin si Alexandra. " Oh, lambutan mo naman ang kilos at naka dress ka. Sayang may nagkakagusto na sayo. " biro ni Jullianne sa pamangkin nito.
Napasimangot na lamang si Alexandra. " Papa, inaaway na naman ako nila tito. " balita niya.
" Xandra, dalaga ka at ayusin mo ang hakbang mo. Halika nga, upo muna kayong dalawa at pagsasabihan ko itong kambal mo. " Wika ni Alex sa kambal nilang anak.
" Pa, paano ba kasi ang lakad babae? " inis na usisa ni Alexandra na tinatawag ding Xandra.
" Hi Rose at Xandra, ang ganda niyo ngang talaga. " bati ni sir Carllex sa dalawa.
" Hi po sir, " bati ni Xandra.
" Mga anak, siya si Mr. Carllex de la vega. Nandito siya dahil gusto niya kayong makilala. " balita ng papa nila.
" Ay, ang pogi niyo sir! " lokong sambit ni Xandra na kinatawa ng mga tito nito.
" Aba! Mukhang makulit ka din ah! " ani Carllex.
" Makulit talaga ito at nanabunot sa mga tito niya kapag napikun. " dagdag pa ni Alex.
" Papa talaga! H'wag mo naman akong ilaglag. " ani Xandra na mas lalong nagtawanan ang lahat.Mapupuna naman ang tahimik at mapagmasid na si Rose. Ganun kasi ang ugali ng dalaga at mahirap patawanin. " Hi Rose, matahimikin ka talagang dalaga. Kamusta ka naman? " usisa niya sa dalagang bihira lang makipag usap sa lahat.
Napayuko na lamang ito at tumugon. " Ayos lang ho, sir Carllex. " aniya ng dalaga.
" Pasensya kana sir Carllex at ganiyan talaga siya. " pagpapaumanhin ni Alex dito.
" Alam mo ba Rose na crush ka ng anak kong si Carll. " balita ni Carllex sa dalaga na ikinatitig nito sa papa niya.
" Hala! Si ate oh! Ayieeeee.. " tukso ni Xandra sa ate niya.
" At Xandra, crush ka din ni Llex kaya andito ako ngayon. " pa alam niya rin kay Xandra.
" Ay, pati ako! Papa, ano iyong crush? " sabay usisa ni Xandra na tila napatawa na naman niya ang lahat sa kalokohan niya.Napuno ng halakhakan ang lilim ng puno na may kubo pahingahan sa makulit at loko - lokong dalagang si Xandra. " Grabi, para kang si Princess. Ang ipis ginawang pet! " dagdag pa ni sir Carllex.
Napakalabit si Xandra sa papa niya. " Pa, sino ba si Llex? Pogi din ba siya? " loko pa nitong usisa. " Ikaw talaga! Napaka pogi niya at sikat. " tugon niya sa anak na tila nagpapa inosente na naman.
Her Pov's
Tahimik lang ako sa tabi ni papa habang nakikinig sa mga kalokohan ng kambal kong ewan. Pinaglihi ata sa kay papa sa sobrang kalokohan. Hindi naman ako naniniwala na may gusto sa akin si señorito Carll. Sikat na sikat kasi siya dito sa bayan namin. Lagi ngang inaabangan ang mga post niya s social media. Kaya imposible naman ata ang sinabi ni sir Carllex.Napatayo na ako para bumalik sa mansiyon. Si Xandra kasi ay napaka kulit at ayaw papigil.
" Maiwan ko muna kayo, sir. " paalam ko na.
" Ate, turuan mo ako mamaya magkarate at tatalunin ko sina tito. " pahabol pa na sabi ni Xandra sa akin.Hindi pa ako nakakapasok ng may naghintuan na mga kotse sa unahan ko. Hala, di naman iyan parking lot. Biglang bumukas ang pinto na aking ikinagulat.
Parang nabuwal ang mga mata ko ng makita ang napaka desente at gwapong binata na pinag aagawan ng lahat. " Hi Rose, I'm Carll de la Vega. It's nice to seeing you, my crush. " sambit niya sa akin na parang napakalamig na yelo sa atlantik ang humampas sa akin.
Hindi ako makagalaw na tanging magagawa ko lang ay tumitig sa kaniya. Naririnig ako ang paglapit nina papa. " Sir Alexander Vergara, can I court this girl? " paalam niya na ikinahinto ng mundo ko.
This is a nightmare right? Panaginip lang ito Rose at wag kang maniwala sa kaniya. Hindi mo pa nakikilala ng lubos ang binatang nasa harapan mo.
**//**
Thank☺☺😘
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
Roman d'amourTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.