Chapter 118 Isip batang prinsesa!

197 9 1
                                    

Princess Maria Pov's
Ay, ang lawak ng Palace at magandang paglaruan tapos magpapakawala ako ng maraming ipis sa hallway. Tapos si boss ay mahihimatay! Oh my goshh.. That was so exciting!
Kaso naisip ko na baka mabagok abg ulo ni boss. Hala, ayoko ngang mangyare iyon at hindi ko siya sinasagot no! " Hi mahal na prinsesa! " bati nilang yuko sa akin.
Nasa hallway pa rin kasi ako at ewan ko kung saan si boss. Iniwan niya kasi ako rito. Kanina pa ako paikot - ikot rito. " Hali ka na sa kwarto mo at nang makabihis kana. Mahal na prinsesa!" tskk. May pa pormal pa siyang nalalaman. Sarap niyang tadyakan para makaganti ako sa pag iwan niya sa akin dito.

Kainis talaga siya, " Oh, nakasimangot ka na naman. Mis mo na ba pamilya mo? " usisa niya sa akin habang nasa tabi ko. Tskk. Gusto ko kasi ng lambing ngayon at namimis ko sina mama. " Uwi muna ako sa bahay. " suyo ko ng ganun sa kaniya.

Bigla naman siyang lumayo ng kunti sa akin. " H'wag ka namang magpalambing at wala ka pa sa legal age. Makukulong pa ako! " sabi niya sa akin. Ay, ang manhid ng Leandrong ito!

Kainis siya! Bahagya akong huminto sa paglalakad at biglang umupo sa lapag. At sinabayan ko ng dabog na parang bata. " Gusto ko nang umuwi! " pagdadabog ko pa habang nakakalas ang sapatos kong suot.

Bigla nalang siyang naging mataray na parang babae at nagtaasan ang mga kilay.
" Damned! Tumayo ka nga diyan at para kang bata! Tayo na sabi eh! " inis niyang utos sa akin.
" Ayoko nga! Uwi muna kasi ako sa bahay! " pagdadabog ko pa at sinamahan ko ng hikbi para mas lalo siyang magpanic.
" Ano ba! Pinagtitinginan na nila tayo. " saad niyang sabi sa akin. Tskk. Bahala siya at gustong magdabog - dabod dito.
" Uwi na kasi tayo! Namimis ko sina mama! " sabi ko ulit habang parang batang paslit na kung magkaawa sa kaniya.

Hindi talaga ako aalis dito sa lapag. " Prinsepe Leandro, nakakahiya ang ginagawa ng prinsesa. Pigilan niyo siya! " sabi nong matandang manang dito sa Palace. Nagdabog - dabog pa ako habang saan - saan na nakarating ang mga sapatos ko.

Ayan, naiinis na siya. " Ano ba gagawin ko dito? Pasaway talaga ito! " pasumbat niyang sabi  na may dalang irap. " Buhatin niyo na siya prinsepe Leandro at baka dumating na ang mga panauhin. " tugon sa kaniya nito.

Kayhahaha.. Bubuhatin ako ni boss. Magtatampo talaga ako kapag hindi niya ako binuhat. Ayan na siya, " Hayst! Pasaway ka talagang bata ka! " inis niyang saad sabi sa akin at kinuha niya ang mga sapatos ko at bahagyang isiunot sa mga paa ko.

Napakaba nalang ako ng maamoy ang pabango ni boss. Oh my gosh.. Gustong gusto ko talaga ang pabango niya habang binubuhat niya ako. " Tskk. Pasaway ka! Sumbong kaya kita sa papa mo! " inis pa niyang sabi habang buhat niya ako at naglalakad siya.

Ay, ang kinis ng mukha ni boss kaso napaka pikun. Sige lang boss at marami pa akong gagawing kalokohan sayo. " Paki buksan nga iyan! " utos niya sa pintuan na nasa harap namin. Mukhang iyan na nga ang kwarto ko.

Pagpasok ko ay bigla na lang akong napatili. " Oh my goshh.. Ang gara ng kwarto ko! " reaksiyon ko pa. Paano, napaka ganda at pang royal room talaga. Ang sofa, kama, sahig at palibot nito ay napaka ganda at napaka garbo.

Nabigla naman ako ng sandali niya akong ibinaba sa kama at humarap sa akin. Hala, ang mga mata niya ngayon ay ibang iba ang mga titig. " Alam mo para kang bata kanina. Sarap mong ilagay sa sako tapos itali ng patiwarik. Magbihis kana at iyong kwarto mo at kwarto ko ay iisa. Kaya umayos ka at sesermunan talaga kita. " at tumayo siya.

Hala! Ano daw? Kwarto niya rin ito? " Bo-boss, " tawag ko sa kaniya. Pero ayon, dumiretso lang sa bandang kana. Siguro nandoon ang kwarto niya.

Sinundan ko si boss at ayan nandito pala ang kwarto niya. Wow, ang cool at black na black talaga ang desenyo ng kama niya. Tssk. Ang sarap palitan ng kulay. Saan na kaya si boss? Mukhang nagbibihis pa siya. " Lagot ka talaga sa akin, boss. " bulong ko habang palinga - linga sa kwarto ni boss.

Masarap kayang humiga dito sa kama. Masubukan nga, " Hays, " sabay higa ko sa kama niya. Ang lambot ng kama saka parang ang sarap matulog dito. Hinaplos - haplos ko pa ang bed sheet at ang lambot talaga. Nag-kumot pa ako at inin-joy ang lambot ng kama.

Makalipas ang ilang sandali.
" Ang babaeng talagang ito. Kahit saan lang makahiga at nang agaw pa ng kama. " inis na sambit ng binatang galing sa shower.

Leandro IV Pov's
Hayst, saan kaya ako matutulog nito? Inagawan kasi ako ng kama ng pilyang ito. Naku! Hindi lang ito babae kanina ko pa ginulpi 'to. " Hey, kama ko iyan. " mahimbi kong tapik sa kaniya. Sana naman magising kasi nakakainis na talaga. Pagod ako ngayon at gusto kong humiga sa kama ko.

Hay. Hindi pa rin siya gising. " Princess, kama ko 'yan. Uy, maawa ka naman sa akin. Kanina pa masakit ang likod ko. " pakiusap ko sa kaniya. Pero ayan, ayaw niyang magising. Ayoko pa namang matulog sa sofa at baka mahulog na naman ako.

Princess magising ka naman oh. Pagod kaya ako at gusto ko nang mahiga sa kama ko.
" Princess, gising kana. " tapik ko pa sa kaniya. Hahalikan ko talaga ito at nang magising.
" Hi boss, ang sarap pala matulog dito. " aba, gising na pala siya. Hay naku, magtimpi ka talaga Leandro at isip bata itong kasama mo.
" Alis kana diyan. Pagod ako ngayon at nandoon sa mesa ang copy ng lesson. Mag aral ka dahil may discussion ako tomorrow. " sabi ko naman sa kaniya.
" Boss, ayokong mag-review at gusto kong matulog dito. Dito lang ako. " sabay kumot pa niya. Hala, nang agaw ng kama ang babaeng ito.
" Eh saan ako matutulog? " usisa ko sa kaniya.
" Ang lawak kaya ng kama. Pwede namang tabi tayo. " tugon niya sa akin. Tskk. Hindi lang man nag iisip.
" Kapag tumabi ako sa 'yo ay pupugutan ako ng ulo ng papa mo. Mag asawa lang kaya ang nagtatabi sa kama. " sumbat kong saad sa kaniya.
" Sa sofa na lang kayo boss at dito sa kama niyo. Good night, boss. " ngisi pa niyang tugon.

Hala, naloko na si Princess. Chismiss na naman ito at lagot talaga ako nito. Dadalaw pa naman si daddy. Si mommy pa naman ay nang-babatuk pa. Bahala na at wala akong choice kundi matulog sa sofa ngayon. " Boss, dito na kayo at babangon na ako. " sabi niya sa akin.

Napangiti naman ako ng bumagon na siya. " Boss, samahan niyo naman ako mag-review. Gusto ko ng kasama para di ako antukin. " pakiusap niya sa akin. Ano ba 'yan. Akala ko makakapagpahinga na ako. Hindi pa pala.

Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa sala. Nasa area kasi ito banda ng kama ni Princess. " Boss, pasensya na talaga at makulit ako. " paumanhin niya habang nagbibihis sa dressing room. Umupo naman ako sa sofa at bahagyang humiga. Masakit kasi ang likod ko sa ka-kokompyuter kanina.

Lumabas na siya at suot ang dress na pang royal highness. Ang balingkinitan niyang katawan na bumagay sa suot niya. " Boss, masakit ba ang likod niyo? " usisa niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng bahagya.

Lumapit siya at umupo sa kabilang sofa. " Masage ko kayo boss at with foot spa. " alok pa niya sa akin. " Sandali boss at kukuha ako ng tubig sa palanggana. " dagdag pa niya habang patungo sa kusina. May sarili kasing kusina itong malaking kwarto na hinati sa dalawa. Iyong kaliwa sa kaniya at kanan naman ang sa akin.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon