Chapter 127 Sa kwarto ng bagong kasal

337 17 3
                                    


Binuksan ko na lang amg kwarto niya na magiging kwarto namin. Ibinaba ko siya sa kama. Hinawakan ko ang kamay niya. " H'wag mo nang isipin 'yon. Magtapos ka muna. " pakiusap ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Wala naman kasi akong kakayahan na tulad ng sa kaniya. " Heto, bihis ka muna. " bigay ko ng damit pantulog sa kaniya.

Tumayo naman siya at kinuha ang inabot ko. " Boss, I have a dream at mabubuntis ako na wala sa oras. Iyon ang nakatadhana, boss. " nagulat ako sa sinabi niya na parang kinilabutan ako.

Napa-upo ako sa sofa na nanghihina ang tuhod ko. 'Ano kaya ang ibig niyang sabihin?' Siguro nga ay may nakikita na naman siyang pangitain. Hinubad ko ng bahagya ang aking amerikana. Masyado na ba akong matanda para panghinaan ng tuhod.

Magbibihis na nga lang ako at magpapahinga na rin. Masyado lang akong excited na makatabi siya matulog. Kaya siguro ay kabado ako ngayo.

After 10 minutes.

Princess Pov's
Nasaan na kaya si boss? Bakit wala siya dito sa kwarto? Ang laki kaya ng damit na pantulog na binigay niya. Pink na pink siya at pares sa pajama ko. Ginawa na naman akong bata sa suot ko.

Sumilip naman ako sa bintana. Saan kaya siya? Wala naman sa tabi ng bintana. Saan ba iyon pumunta? " Boss! " tawag ko pa pero walang sumagot sa akin.

Lalabas na sana ako ng pintuan ng bigla niya akong nasalubong. Hala. Galing ba siya sa baba?

" Oh? Saan ka pupunta? " usisa niya sa akin habang may dala siyang tubig at gatas. Para kaya yan sa akin? Iyong gatas?

" Hinahanap kita. Baka saan ka pumunta? " kamot ko at bumalik na sa kama ko. Ay kama na pala namin ito ni boss.

Nginisian na lang niya ako at nilapag ang dala niya.
" Milk ka muna bago matulog. Sabi kasi ng papa Carllex ay milk ka daw muna. May gatas ka pa kasi sa labi. " sabay pang iinis niya pa sa akin.

" Boss naman. " kuha ko ng gatas ko at umupo sa kama.

" Ubusin mo 'yan. I'm watching you. " hala, may tagabantay na pala ako sa pag inum ng gatas ko. Wala na akong kawala ngayon.

" Boss, ano 'yang binabasa niyo? " usisa ko sa kaniya. Habang paunti-unti ang pag ubos sa gatas ko. Hindi ko kaya mauubos 'to.

" English poetry. Ubusin mo na 'yan. At pagkatapos iyong tubig naman. " hala, pati iyong tubig. Saan ko naman ilalagay iyan? Hindi ko nga maubos ang gatas na tinimpla niya. Tapos may kasama pang tubig.

Wala na akong pagpipilian at ininum ko na ito. Kahit hindi na kaya ng tiyan ko.
" Boss, hindi na kaya ng tiyan ko. " reklamo ko sa kaniya. Ayaw niya kasi akong tulungan na ubusin itong iniinum ko.

" Lapag mo muna diyan. Then, upo ka dito sa tabi ko. " sabi pa niya. Lumapit na lang ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

" Boss, matutulog na ba tayo? " usisa ko ng ganun. Habang hinahatak ang kumot pataas. Matutulog na daw kami at wala akong balak na patulugin siya.

" Oo, masama sa bata ang magpuyat at mas na sa mga kagaya mo. " tsk. Ako na naman ang nakita niyang inisin. Hintayin mo ang ganti ko mamaya.

" Eh di matutulog na. " padabog kong higa sabay sipa ng kumot na hinatak ko kanina. Pati nga unan na nasa uluhan ko ay ginulo ko pa. Tsk. Ang tandang ito!.

Tinitigan na lang niya ako ng masama. " Anong ginagawa mo? Ganiyan ka ba matulog? Isip bata ka talaga. " saad niyang sermun sa akin. Nagsalita na naman si tandang lalaki.

Inirapan ko na lang siya sabay tagilid at sipa ng unan na nasa paa ko. Wahaha. Hulog na sa sahig lahat ng unan ko. " Damned! Umayos ka naman. Ibabalik talaga kita sa tiyan ng mama mo. " sabi pa niya.

Napa-timpi na lang ako sa pagtawa at tinitigan siya habang namumulot ng unan. Pasimple ko namang sinipa ang mga unan niya sa kama. Wahaha. Wala nang natira sa side niya.

Pag angat ng mga mata niya ay bigla nalang nagkasalubong ang mga kilay niya. Ang taray ni boss at mukhang pikun na siya sa akin. " Nagpapansin ka ba? Para kasing may gusto kang sabihin sa akin. At dinadaan mo lang sa pagtapon ng mga unan sa lapag. " hala. Ang talino naman ni boss.

Nagtago na lang ako sa kumot. Mag iisip pa ako ng kalokohan na gagawin. Panay kasi ang basa niya. Mas importante pa ba iyong libro kaysa sa akin? Sunugin ko 'yon eh!

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumilip sa kumot.
" Boss naman. H'wag niyo akong gulatin. " inis kong sambit. Napalabas tuloy ako sa kumot na parang ewan.

Ngumisi naman siya bigla at inabot ang gatas ko na hindi naubos. " Ubusin mo na 'to at matutulog na tayo. " abot niya sa akin.

Inubos ko na lamang ang gatas ko at uminom ulit ng tubig. Tumayo naman siya at lumabas ng kwarto. Ihahated niya ata iyong mga baso sa kusina.

Pasimple ko namang sinilip ang libro na binabasa niya. 'Wow ang ganda nga.' Pahihiramin niya kaya ako nito? Parang ang gandang basahin.

Mapabalik ako sa pwesto ko ng bigla siyang pumasok at isinara ang pintuan. Dumiretso siya sa tabi ko at ibinaba ang mosquito net. Lagot kasi siya kay papa kapag may kagat ako ng lamok. Baby pa kaya ako at dapat niyang alagaan.

" Mahiga kana at patutulugin kita. " mahinahon niyang sabi na ikinangiti ko. Totoo ba iyong narinig ko? Patutulugin niya ako.

Kaagad akong nahiga sa pagka-excite. Gusto ko lang naman maramdaman ang kamot niya sa buhok ko. Asawa niya na kaya ako at gagawin niya lahat para hindi ako mapuyat. Lagot kasi siya kay papa. Nangako kaya siya sa harap ng altar.

Kinabahan na lang ako ng bigla siyang tumabi sa akin. Ang mga mata niyang mahinahon sa oras na iyon. " Humiga ka dito sa braso ko. " lapag niya ng kanang braso na nakaharap sa akin.

Sumunod na lang ako sa utos niya. Humiga ako sa braso niyang matitigas. Napatawa na lang siya ng pinisil ko ito. " Ang tigas, boss. Palagi ba kayo sa gymn? " usisa ko pa na ikinatawa niya bigla.

Totoo naman kasi at matigas siya. " Oo, kailangan kasi iyon sa trabaho ang physically fit. " paliwanag niya sa akin. Napaka inosente ko talaga eh no.

Napapikit ako ng bahagya ng maramdaman ang haplos niya sa buhok ko. Nakaka antok ang haplos niya at nakakalma. Ang sarap matulog ngayon.

Ilang sandali pa ng katahimikan ay natulugan na si Princess sa braso ng husband niyang si Leandro. " Good night, wife ko. " halik niya sa noo ni Princess at kinumutan ito.

Nang bahagya na niyang abutin ang unan ay biglang gumalaw si Princess. Kumalas ito sa braso niya at umunan ang ulo sa unan. Napayakap ito sa bisig niya na lubos niyang ikinakaba. Sa bilis ng pintig ng puso niya ay mapapansin ang pamumula ng mukha niya.

Napangiti na nagulat ang puso ni Leandro sa naramdaman nito. Ipinikit na lang niya ang mga mata at inalalayan ang yakap ng mahal niyang prinsesa na noo'y himbing na sa pagkatulog.


*////**
Thank u po☺☺☺😘











ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon