Chapter 113 Who's there crush?

254 7 0
                                    

At 5:00 AM in the morning, huling nagising si Princess habang nag uusap ang lahat. Mapapahikab ito at kaagad na babangon ng makita ang mama niyang nakaupo sa sofa at kasama ang lolo Fierce niya.

" Mama, " parang batang nahiwalay sa ina niya ang dalaga. Nagyayakap ito at bumati sa mama niya at nagkiss sa pisngi. Ganun din sa lolo Fierce niya ng mayakap ito.

Kakamustahin siya nito. " Maayos ba ang tulog mo? " hawi ng buhok ng anak niyang makulit. Tatango na lamang ito at agad na mangungulit sa mama niyang tila agad siyang nangulila rito.

Tutugon naman si Princess. " Ma, na mis ko agad kayo. Susunduin niyo na ba ako? Gising na kasi si ma'am Lean. " usisa ng dalaga na tila sabik agad na umuwi sa mansiyon.

Hahawiin naman ni Jen ang buhok ng anak niya. " Oo, pinasusundo ka na ng papa mo. Nauna na nga sa bahay ang dalawa mong kuya. " tugon niya sa anak at agad itong tumayo.

Magpapaalam muna si Princess, " Ma'am Lean, uuwi na ho ako saka pagaling po kayo. " sabay hug niya sa mommy ng boss niya.

" Maraming salamat Princess at sinamahan mo ang anak ko. " tugon nito at agad na may inabot sa dalaga. Isang munting kahon na may lamang kwintas.

Napalukso na lamang si Princess sa tuwa. " Wow, thank you po talaga dito. Bye po! " tuluyan na niyang paalam. Habang makakasalubong niya sa pintuan ang boss niya.

" Sir Leandro, iuuwi ko na itong baby Princess. Magpaalam kana, anak. " pa alam ni Jen sa binata at binigyan ng minuto ang anak para makapag paalam sa binata.

" Boss, uwi na ako saka thank you nga pala kagabi. See you! " paalam ni Princess na may dalang ngiti sa mga labi nito.

" Thank you din Princess at dadalaw ako sa inyo kapag nakalabas na si mom dito. Ingat kayo sa pag uwi. " tugon niya sa dalagang mahal.

Princess Pov's
Ay, uuwi na pala ako at wala na akong makukulit. Abala kasi sina kuya sa books nila. Malapit na kasi ang pagbubukas ng klase. Magbi - business daw sina kuya pero wala pa din akong napili. " Ma, ano bang gusto niyo para sa akin? Ayoko namang magbusiness kahit na magaling ako sa Math. " pa alam ko kay mama.

Pababa na kasi kami at nasa lobby na. Inakbayan ako ni mama, " Alam mo Princess nasa iyo ang desesyon. Ako nga ay Education ang kinuha ko kasi gusto kong tuparin ang pangarap ng mga magulang ko. Teka, wala pa ding napipili? " usisa ni mama sa akin.

Napakamot na lamang ako ng bahagya. Wala talagang pumapasok sa utak ko pero gusto kong magturo sa mga bata. " Ma, gusto ko hong maging guro tulad niyo. " sabi ko kay mama na ikina ngiti niya.

" Princess, mahirap ang kinuha kong kurso kasi marami kang gagawin. Pero h'wag kang mag alala dahil andito kaming lahat para suportahan ka. " sabay kiss niya sa noo ko.

Napalukso ako sa tuwa, " Thank you po mama saka ako po ang magsasabi kay papa. " hug ko kay mama habang nakatitig sa kaniya.

" Halika na at hinihintay nila tayo sa Mansiyon. Be a good girl, Princess. " bahagyang hawak ni mama sa kamay ko at lumakad na kami papalabas sa hospital.

Ang swerte ko kina mama at sa bou kong pamilya. Paglabas namin sa hospital ay agad kaming pumasok sa kotse. " Tara na papa at baka gutom na ito si Princess. " utos ni mama sa ginoong nasa harapan namin.

Ay si lolo Fierce pala, " Lolo, good morning kiss ko. " kulit ko kay lolo. Lilingon naman siya at ngingiti sa akin. " Apo, mamaya na at nagmamaneho ako. " tugon niya sa akin.
" Ma, " tawag ko kay mama habang naka hug sa braso niya.
" Oh bakit? Para ka namang kuting diyan. " kurot niya sa pisngi ko. Paano, gusto ko ng hug at kisses nila.
" Hug me! Nalulungkot ako. " sabi ko kay mama ng ganun. Ang bilis kasing magbago ng attitude ko. Nakakainis na kasi!
" Halika nga dito! " Hug ni mama sa akin.
" Apo, " tawag ni lolo Fierce sa akin.
" Po lolo, " tugon ko naman.
" Manang mana ka sa mama mo. Alam mo ba na ganiyan din siya noong nag aaral siya sa kolehiyo. Pabago bago ng mode at hindi mo mahulaan. " balita sa akin ni lolo.
" Totoo iyon, ma? " usisa ko naman.
" Oo, ilang beses kong sinungitan at tinanggihan ang papa niyo. Pero hindi siya sumuko. " tugon ni mama sa akin.
" Wow, dapat ganun din ang sa akin mama. Sana po ay hindi siya magsawa na hintayin ako. Lolo, asal bata ba ako? " tanong ko kay lolo.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon