Chapter 124 Pamilya at Kaibigan

226 11 4
                                    

Matapos ang pagsusulit na binigay ni Prof. De los santos ay agad na sinubsub ang mukha ng dalaga sa desk nito. Para siyang nalanta nalang bigla na dinaanan ng bagyo.
" Ayos ka lang ho ba kayo? Your Highness? " usisa ni Carine Joy sa kaniya. Ngunit tila hindi narinig ang pag usisa ng kaibigan niya.
" Huy, " tapik naman ni Catherine sa balikat ng dalaga.
" Ay putakte! " reaksiyon nito ng magulat sa ginawa ng kaibigan niya.
" Lutang ka na naman. May problema ba? Your Highness? " usisa naman ni Critine.
" Oo. Pwede bang wag niyo na akong tawaging, your highness. Just call me, Princess. " pakiusap niya ulit sa mga kaibigan nito.
" Uy, alam mo ba na kanina pa nakatitig sayo si sir. " balita nito sa kaniya.
" H'wag niyo iyong pansinin. Na-mis lang niya na barahin ko siya. Pasalamat siya at lutang ako kanina. " lokong tugon ni Princess at nagtawanan sila.
" Alam mo, lodi ka na naman. Pinapa-walk out mo mga professor nating suplado. " tawang hanga ni Carine Joy sa kaniya.
" Oo nga, tapos walang nakakatalo pagdating sa scores. " dagdag pa ni Cristine.
" Kayo talaga. " tawang sambit ni Princess na bumalik na naman sa pagka-makulit.

Princess Pov's
Hindi ko alam na lutang na pala ako kanina. Siguro nasa akin lang lahat ng atensiyon niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako lutang. Hay naku Princess! Sign na ba 'to na hindi kana pwedeng maging isip bata. Siguro nga no.
" Tara, maglakad-lakad muna tayo. " yaya ko sa kanila.
" Sige tapos mangbato tayo ng manga. " ay loko talaga itong si Cristine. Nahawaan ko na din ata.
" Teka. Parang may dala akong asin. " sabay buklat ko ng bag na ikinatawa nila.
" Ay grabi. " sambit nila na parang mga baliw. Ang sakit sa tiyan.
" Gutom lang 'yan. Libre ko na kayo at walang aangal. " bara ko agad sa kaniya.
" Bakit naman kami aangal? Kakain lang naman kami at hindi ang magbabayad. " sabat ni Catherine na ikinatawa namin bigla. Wahahhh. Tama nga naman.
" Grabi kayo at hawang - hawa ko na ang kabaliwan niyo. " sabi ko naman.
" Princess, ayon si sir oh. Mag isa sa canteen at kaharap ang laptop niya. " turo sa akin ni Carine joy.

Ano kaya ginagawa niya sa canteen? Maiingay kaya doon at dapat na sa teres siya dahil tahimik doon. Mukha kasing nagso-solve na siya ng result kanina.
" Mauna na kayo sa canteen at may tatawagan lang ako. " pauna ko sa kanila.
" Sige, wala kasi kaming pangbayad. " loko pa nilang paalala sa akin.
" Oo na. " tawa kong tugon.

Hahaha. Totoo naman kasing wala silang pambayad. Aanhin ko naman ang pera sa wallet ko. Kaysa naman hindi nagagalaw. Mabuti na iyong ililibre ko sila.

Bahagya akong sumilip sa canteen at tumungo sa bandang kanan kung saan tanaw ko si boss. Ano kaya ang ginagawa niya? Teka maki-tawagan nga.

Nagri-ring na ang phone niya at ayon oh. Tinignan lang niya kung sino ang tumatawag. Ayon. Sinagot na niya rin.
(on call)
" Good morning, boss. " bati ko agad sa kaniya. Para kasing stress siya doon sa kinauupuan niya.
" Bakit ka napatawag? At saan ka ba ha? Hindi mo ata kasama ang mga kaibigan mo? " usisa niya agad sa akin.
" Nandito lang naman ako sa tabi - tabi, boss. Kita nga kitang nasa canteen eh. " pa alam ko sa kaniya.
" Tsk. Pumunta ka na nga dito at ayokong nawawala ka sa paningin ko. " inis niyang sabi. Hala. Ano daw?
" Ayieee. Na-mis niya ako. Ikaw boss ha. Nagtataasan na naman mga kilay mo. " asar ko pa sa kaniya.
" Huy babae. Ayaw mo ba talagang pumunta dito? " pasumbat niyang usisa.
" Bye Boss. " loko ko pang sabi sabay hang out ng call.
(Call ended)

Enebe. Kiligin ka naman Princess. Nag aalala kasi ang matanda mong boss na parang babae kung mangtaray. Bahala siya basta ako di ako tutuloy sa canteen. Uutusan ko nalang pala iyong head ng bodyguards ko.

Pagkatapos noon ay umakyat ako ng stairs. Pupunta ako teres para makapag isip tungkol doon sa panaginip ko kagabi. Mahapdi daw ang likod tapos may tumutubo. Ewan basta may ibig sabihin. Nandoon daw ako sa harapan ng mga taong may pakpak. Hindi ko maintindihan pero parang totoo.

Pagkarating ko sa may teres ay may sofa doon. Umupo ako at bahagyang niyakap ang unan. Hindi ko alam pero parang may ibig sabihin ang panaginip ko.

" Excited na akong umuwi sa bahay. Gusto ko nang humiga sa kama ko at yakapin ang mga tedy bear ko doon. " sambit ko habang nakatitig sa maaliwalas na langit.

" Sabi ko na nga ba at andito ka. Ano bang problema mo? At lutang ka kanina? " usisa ni boss na dumungaw sa akin.

Hindi na lamang ako tumugon at sa halip ay ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko maramdaman ang banayad na hangin at kaingayan sa paligid. Gusto ko ng yakap ni mama ngayon. Gusto ko ng haplos habang nakahiga sa kandungan niya.

Napamuklat na lang ako ng biglang tumabi sa akin si boss. Naramdaman ko nalang ang paghawi niya sa buhok ko at sandaling nilagyan ng hair pin. Napangiti na lang ako bigla sa ginawa niya. Ang caring ni boss kahit na ubod ng sungit.

Sa bayan naman ng San El Vergara.
Nasa mansiyon ang mga dalagang Vergara habang kaniya-kaniyang hawak ng libro. May nakaupo sa sofa, may nasa lapag nakadapa, may nakatagilid habang nagbabasa, may nasa mesa at mayroon namang nakataas ang mga paa kahit dress ang suot niya.

Mapupuna naman ito ng ginoong papasok sa sala.
" Xandra, ibaba mo 'yang paa mo at naka-dress ka. " puna sa kaniya ng tito Yhuanne nito.
" Hindi nga kasi ako sanay, tito. " at tinaas pa ang kabila.
" Sige ka at parating na ang papa niyo. Naku! Se-sermunan ka naman no'n. " tugon nito sa pamangkin niya.
" Ano na naman 'yang narinig ko? " usisa ni Alexander kasama ang mga kapated nito na mukhang namalengke.
" Papa! " nagsitayuan ang mga dalaga at isa - isang sinalubong ang mga papa nila.
" Pa, binilhan mo ba ako ng dalandan? " usisa agad ni Xandra.
" Pa, iyong pinabili kong manga. " usisa naman ni Alejandra sa papa niya.
" Hala, nakalimutan ko. " kamot ni Alejandro ng maalala ang pinabibili ng anak niyang dalaga.
" Ay, " tampo agad nito.
" Mga anak, " tawag ng mga ginang na mula naman sa labas at may dalang mga basket.
" Ma, nakalimutan na naman ni papa ang pinabibili ko. " sumbong ni Alejandra sa mama Allyson niya.
" Ok fine. Babalik na lang ako sa palengke para bilhan ka. " akmang tayo ni Alejandro ng pigilan siya ng mga kapated.
" Tol, walang mangga sa palengke. " paalala nito sa kaniya.
" H'wag ka nang magtampo sa papa mo at marami ang iniisip niya. " paliwanag ni Allyson sa anak niya.
" Ikaw Xandra, bakit nakataas na naman 'yang paa mo. Kababae mong tao. Umupo ka nga ng maayos. " sermun ni Alexander sa isa sa kambal nila ni Maria Rosemarie.
" Papa naman. Siguro hindi talaga ako babae. " tugon nito na hindi na naman mapakali.
" Wahhh. Tomboy ata si Xandra. " lokong tawa ni Jullianne na poging pogi sa sarili kahit barado lagi ni Lea.
" Paano magiging tomboy 'yan? Eh may crush na nga. Diba Llex? " asar ni Alexander sa anak nito.
" Papa, hindi ko 'yon crush dahil siya ang may crush sa akin. " pagtatama pa ni Xandra.
" Sus, hindi ka gumaya sa ate mo. Tahimik na naman sa sulok. Ano kaya pinaglihi ng mama mo diyan? " pa usisa ni Alexander na ikinatuon nila sa dalagang tago lagi ang kagandahan.
" Ayos lang po ako, papa. " tugon nito na parang alam niyang may nakatitig sa kahit hindi niya iangat ang mga mata.
" Hindi ka na ba ginugulo ni Mr. Carll de la vega? " usisa niya sa anak nito at nilapitan sa sofang kinaroroonan.
" Hindi naman ho, papa. Mag aaral ho muna ako bago iyong love life na sinasabi niyo. " tugon na ikinangiti ng lahat.
" Halika nga dito. Para kang mama mo na ang hirap kunin ng tiwala. " sandali niyang yapos sa dalagang anak at hinagkan sa noo.
" Oo nga pala, mamimitas kami ng mais mamaya. Sasama ba kayo? " pa alam ni Lea.
" Ma, sama ako. " sabat agad ni Julleanna.
" Ma, sama ako sa kanila. " sabi namani ni Rosehan.
" Sige ba. " kurot ni Rosemarie sa baby girl nila ni Luhanne.

Maghihintuan na lang sila ng biglang magring ang phone ni Alex na nasa mesa.
(On call)
" Hello. " tugon nito.
" Hi Mr. Alexander Vergara, si Ethane ito at bukas ay kasal na nina Yjune at Athena. So, darating ba kayo? " pa alam nito kay Alex.
" Ay grabi! Iyan talagang singkit na 'yan nangbibigla. " pagkatuwang reaksiyon ni Alex sa kausap.
" Pumunta na kayo at masaya ito. Hindi alam ni Yjune na tinawagan ko kayo. " balita pa niya kay Alex.
" Sige sir Ethane at maraming salamat. " paalam nito.
(Call ended)

Napalukso sa tuwa si Alex at agad na binalita sa mga kapated na naroon.
" Magpapakasal na si singkit bukas! " pagkatuwa niyang balita.
" Aba! Talaga ba? " usisa ni Jullianne.
" Grabi, hindi siya nang e-inform sa atin. " sabat naman ni Luhanne.
" Teka. Dadalo ba kayo? " usisa ni Allyson.
" Tskk. Hindi kami ang dadalo kundi tayong lahat. " sabat ni Alejandro.
" Yehey! " pagkatuwa ng mga dalaga at sabay na pupuntahan ang mama at papa nilang nakaupo.

Kaytuwang pagmasdan ang magkakapted na mga Vergara kasama ang mga anak at asawa nila. Hinahabol man sila ng panganib ay walang alintana sa kanilang pagtutulungan.

**//****
Thank u☺😘Keep safe po.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon