Matapos ang dinner ay agad na tumungo si Princess sa study table para sa pag aralin ang lesson nito. " Boss, ba't ganito ka-kapal ang topics? " usisa ni Princess.
" H'wag ka nalang mag aral kong tinatamad ka. " bara naman ni Leandro sa kaniya.
" Umayos ka nga at prinsesa 'yang kausap mo. " batuk ni Andro sa anak niyang suplado.
" Dad naman. Lumayas na lang kayo at mag aral pa kami. " palayas niya sa dad niya.
" Tskk. Sumbong kita sa mommy mo at nang masermunan ka. " sumbat niya sa anak nito.
" Dadadada.. " sabat naman ni Leandro sa dad niya.
" Sir Andro, ano ho ang pinaglihi kay boss? Para kasi siyang may dalaw. Palaging masungit. " usisa ni Princess.
" Tskk. Manahimik ka nalang nga diyan. Gawin mo iyong lesson mo at makinig ka sa professor mo. " bara sa kaniya nito.
" Ayoko nga at hindi mo naman ako sasamahan. " tugon naman ni Princess habang nakasubsub ang mukha sa mesa.
" Leandro IV, babae iyang kaharap mo at prinsesa. Maging gentlemen ka naman. " wika ni Andro sa anak niya.
" Whatever. Umuwi na nga lang kayo dad at naiinis ako sa inyo. " pabato niyang sabat sa dad niya.Leandro Pov's
Tssk. Ano na naman ba ang kasalanan ko at narito na naman si dad. Nasapawan tuloy ang kapogian ko. " You're acting like silly boy. Be formal and kind, son. " payo pa niya sa akin.
" Tskk. Lumayas na nga lang kayo at walang kasama si mom sa bahay. " palayas ko na naman kay dad. Nakakainis kaya siya at di ko mapigilan ang sarili kong palayasin siya.
" Son, kapag iyang ugali mo ay hindi mo nakontrol. Lalayuan ka na naman ng maraming tao." paalala niya sa akin.
" I don't care and I don't need their opinion. Umuwi ka nalang nga. Pwe! " palayas ko pa kay dad.Kainis talaga ang gabi ko. Isa pa itong pilyang ito at ang hirap paki-usapan. Sabi ko nga sa kaniya na mag-study siya. Pero ayan, nakasubsub lang ang pisngi niya sa mesa.
" At ano ang ginagawa mo? Hindi ba't sabi ko na mag-study ka. " sermun ko sa kaniya. Aba, dapat siyang sumunod sa akin. Mas matanda ako sa kaniya at baby lang siya este baby ko siya.
" Boss, I'm sleepy na po kasi. Can I sleep na? " maarte niyang tugon sa akin. Can I sleep na? Tskk. Ang babaeng ito, nag-iinarte na naman.
" Sabihin mo na tinatamad ka. Pinag-paguran ko pa man ang lesson na iyan para sa 'yo. Tapos hindi mo man lang na-appreciate. " padinig ko sa kaniya. Akala ba niya. Ang dali-dali ng ginawa ko para bigyan siya ng copy. Tskk. Nag-iinarte na naman eh.
Mahirap talaga kapag na-inlove ka sa isip bata. Nakaka inis na parang nakakatawa. Nakaka-enjoy ang ganitong sitwasyon. Pikun na pikun ako sa kaniya. Kung pwede lang kurutin ang babaeng ito. Kanina ko pa ginawa kaso di ko pa siya jowa. Baka makasuhan ako with child abuse.
Nilapitan ko siya sa study table at binuklat ang laptop ko.
" Boss, matutulog na ako. " paalam niya sa akin. Aba, matutulog na daw siya.
" Sabay na tayong matulog. Mag-review ka muna para bukas. " tugon ko sa kaniya.
" Boss, don't worry at matalino naman ako. " pagmalalaki niya.
" Tskk. Mag aral ka na lang diyan. " sabat ko naman sa kaniya.
" Antok na talaga ako boss saka pwede bang bukas na lang. " pagpapa-cute pa niya sa akin.
" Tinatamad ka na naman. Bahala ka nga. " tugon ko na lang ng ganun sa kaniya.Napatitig ako kay dad. Ayan pala at nakikinig lang ng usapan namin. Ang sarap palayasin pero mukhang may kailangan siya sa akin.
" Tratuhin mo namang prinsesa yang kausap mo. " wika niya sa akin. Tskk. Isa pa ito.
" Bakit ba kasi andito kayo? " pranka kong usisa kay dad. Napaka-walang modo ko talagang anak.
" Hindi mo ba ako na-mis? " usisa niya ng ganun at ngumisi.
" Tskk. Whatever. " sabat ko sa kaniya.
" Sus, hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo pa din alam kung paano ipakita iyang nasa loob mo." tugon niya. Alam na alam ni dad ang kilos ko at sa kaniya ako lumaki.
" Dad, umuwi na nga lang kayo at walang kasama si mom sa bahay. " palayas ko sa kaniya.
" Nasa labas ang mom mo may kausap siya. " balita niya sa akin.
" Sus, na-mis niyo lang ako para sermunan. Princess, mag-study ka muna. " baling ko ng uspan sa babaeng pilyang nakahiga na sa may sofa.
" Ayoko talaga mag-study ngayon at masama ang pakiramdam ko. " pagkasabi niya ng ganun at agad siyang bumangon.
![](https://img.wattpad.com/cover/257028571-288-k848466.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.