Chapter 105 Leandro's Love!

384 11 2
                                    

Sa malaking bahay na mansiyon ng binatang si Leandro IV. Kakarating lang ng binata at agad siyang binati ng mga manang. " Maligayang pagbabalik, sir Leandro! " bati ni manang Isabel sa boss nilang parang binagsakan ng pagod at agad na napasubsob sa sofang nasa harapan nito.

Maririnig na lamang ang mga yabag na paparating mula sa kusina. Magyu - yukuan ang mga manang sa ginang na may mataas na mga kilay dahil sa nakita na naman ang binatang anak sa sofa nakasubsob. " How many times I've told you na wag kang sumubsob diyan. " pagalit na sermun sa anak niyang matigas ang ulo.

Mapapa angat na lamang ang ulo ng binata at saka titig sa mom niya.
" I love you, mom. " tugon niyang loko at saka bumalik sa pagkasubsob. Nagtawanan na lamang ang mga manang na naroon.
" Tskk.... Bumangon ka diyan at niluto ko iyong paborito mo. " wika niya sa anak nito.
" Paborito? " angat nitong pag usisa na tila nakalimutan niyang nagpaluto pala siya.
" Ulyanin ka talaga! Paano ka magugustuhan ni Princess kung magiging ulyanin kana! " sermun niya sa anak nito.
" Mom, FYI gusto ho ako ni Princess at hihintayin ko siya. " pagmamayabang pang bangon nito na pinagtawanan siya ng lahat.
" Wee???? Paano mo nasabi? " usisa ng mom niya.
" Umamin na ako sa harap ng parents niya kanina. " pagmamalaki pa nito sa mom niya sabay hug dito.
" Anong ibig sabihin ng hug na iyan? Hindi ka naman ganiyan dati. Pinapalayas mo nga ako sa sarili mong bahay. " wika ng mom niya.
" Mom, na mis ko na ang sermun mo. I love you, mom. " sabay kiss sa pisngi ng mommy niya.
" Ayieee.. Sweet rin pala si sir Leandro. " wika ng mga manang.
" Manang Isabel, paki linis naman ng kwarto ko. Mom, tabihan mo ako mamaya. Patulugin mo ako gaya ng dati tapos lolokuhin kita. Kunware tulog na ako at nakakumot. Iyon pala ay unan na pinagpatong patong. " kwento pa ng binata.
" Sus, palibhasa ayaw mo matulog at magkukulong ka naman sa opisina ng dad mo. " sabat ng mommy niya.
" Kaya nga mom, alagaan mo ako ngayon kasi may sakit ang baby Leandro mo. Plz, " pagmamakaawa nito sa mommy niya na ikinagulat naman nito.

Lean Pov's
Tskk.. Naglalambing ang binata kong anak. Ano kaya nakain nito at nilalambing ako. Nakakapagtaka kasi hindi niya ako pinalayas sa bahay niya.
" Mom, magtatampo talaga ako. " aba, tinakot pa ako ng lalaking ito.
" Kumain ka muna at baka malamig na iyong niluto ko. " yaya ko sa kaniya.
" Thank you talaga mom at kahit na suplado ako ay hindi niyo pa rin ako sinukuan. " hug na naman niya.
" Paano kita susukuan. Anak kita at mahal na mahal kita kahit na kinuha ka sa akin ng dad mo. Ewan ko ba at ginawa niya iyon. Wala naman akong kasalanan sa kaniya. " pagkainis kong pagka alala.
" Kalimutan muna iyon mommy at dito na kayo sa bahay titira. Promise di ko na kayo papalayasin. Ayokong iwan niyo ako mom kaya pumayag na kayo. " pakiusap niya sa akin.

Napangiti ako bigla sa sinabi niya. Bakit ba ngayon lang siya nagkaganito. Dati - rati ay pinagtatabuyan niya ako pero ngayon parang butiking naka dikit sa akin.
" Oo na, baby Leandro ko. " hawak ko sa pisngi niya.
" Yes! Wala ng bawian mom at pumayag na kayo. " sabi niya ng ganun. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti at nakakatuwa siyang pagmasdan.
" Oo! Upo kana at paghahainan kita. " sabi ko sa kaniya.

Dumako ako sa niluto kong sopas kanina at mainit - init pa ito. Binuksan ko na at naghain sa kaniya. " Hm, ang sarap mom at na mis ko talaga ang sopas niyo. " takam niyang sabi.
" Heto na! " lapag ko sa mesa.
" Mom, kulang iyan sa akin. Gusto kong kumain ng marami. " reklamo niya.
" Aba! Ngayon ka lang nagreklamo. H'wag ka nang magreklamo at nagluto ako ng isang kaldero para lang sayo. " tugon ko naman.
" Yes! Thank you talaga, mom. Na mis ko talaga ito! Thank you for this mom! " sabay tayo niya at yumakap sa akin.
" Gusto mo gawan kita ng sandwich? " usisa ko sa kaniya.
" Talaga mom! I love you, mom. " sabay kiss niya sa pisngi ko.

Hala, nakadalawang kiss na siya sa akin. Parang dad lang niya at kapag naglambing ay papaulanan ka talaga ng halik. " Kain ka lang ng kain diyan. Iyong gamot mo ay wag mong kalimutan. Babatukan talaga kita kapag nakalimutan mo na naman. " sermun ko sa kaniya.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon