Kumalat agad ang balitang nililigawan ng ika apat ng Prinsepe ng UK na si Leandro IV ang Prinsesang si Princess Maria na nakaupo bilang First Princess sa trono. Hindi naman makapag timpi ang mga nag iidolo sa dalaga na batiin ito. Ngunit sa kabilang banda ay may naiinggit sa balitang kumalat. Hindi daw kasi bagay ang dalaga sa edad nito. Sampung taon kasi ang pagitan nila kaya naman naulan ng haka - haka ang social media.
Sa harap naman ng mansiyon de la Vega.
Naglalaro ng water gun ang triplets na anak nina Maria Carllotta ng biglang may maligaw na tubig na tumama naman sa mukha ng dalagang si Princess na noo'y kumakain.
" Arghhh! Kainis kayo mga kuya! " inis niyang tayo na ikina taray niya.
" Uy, si Princess nagagalit! " tukso pa nina Red na halatang wala pa ring jowa ang tatlo.
" Argh! Mga kuya, inaaway ako! " sumbong ng dalaga na agad namang rumesbak sina Carll at Llex.
" Sinong umaaway sa princess namin? " usisa ni Carll.
" Sila oh! Iyong tatlong walang jowa! " sumbong pa nito na agad namang naghabulan.Matatawa na lamang si Princess at pupunasan ang mukha niya ng tissue. Itatali niya ang buhok at babalik sa kinakain. Mapapansin namang palapit sa kaniya ang binatang boss nito.
" Teka, hindi ka pa rin tapos kumain? Gusto mo bang kunan pa kita? " usisa pa niya sa babaeng mahal.
" Tskkk.. Doon ka nga at kumakain ka ako. Nagpapataba ako kaya wag mo akong isturbuhin." palayas sa kaniya ng dalaga na ikinakamot niya sa ulo.
" Pwede ba kitang mayayang mamasyal? " yaya niya sa dalaga na hindi naman siya pinansin.Leandro Pov's
Hay naku! Tama nga naman kapag bata talaga ang minahal mo. Asahan mo na mahilig sa pagkain pero hindi naman tumataba. Naku! Immature pa ang pag iisip niya.
" Hihintayin nalang kita kapag tapos ka nang kumain. " wika ko naman. At umupo ako sa harap niya. Hm, sasabayan ko nalang siya sa pagkain.
" Teka, namumula ka na boss! Mukhang kailangan mo nang umuwi. Parang lasing kana kasi. " puna niya sa akin. Tskk, di pa naman ako lasing ganito lang talaga ang mukha ko.
" Ayokong umuwi saka mag uusap pa nga tayo. " tugon ko sa kaniya. Hindi talaga ako uuwi hangga't di kami nakakapamasyal.
" Bahala ka! Sumbong kita sa mama mo na lasing kana. Para pauwiin kana! " aba, iba din itong babaeng ito. Isusumbong ba talaga ako? Ay naku!
" Princess naman. Gusto lang namin kitang yayaing mamasyal. " pakiusap ko sa kaniya.
" Eh boss, naka inum kana at kung may masamang mangyare sa 'yo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Masyado pa namang mahaba ang araw. Mabuti pa matulog ka muna tapos yayain mo ako kapag hindi na mamula iyang mukha mo. " payo niya sa akin.Napangiti na lamang ako bigla. Kiligin ka naman boss! Concern ang prinsesa mo oh. Saka sundin mo ang payo niya para masaya. Ito na nga at may camping daw mamayang gabi. Woah, ang exciting non kaya matutulog na ako.
Nagpaalam na ako na magpahinga muna. Matutulog muna ako ng dalawang oras at bago iyon ay babatiin ko si mom. " Hi mom, Happy Happy Happy Valentine's Day. I love you, mommy ko. Punta ka dito mom at may ibabalita ako sayo. " bati ko sa kaniya sa kabilang linya.
Narinig ko na lamang si mom na napahikbi, " Why mom? May nangyare ba? " usisa ko dahil narinig kong humihikbi siya. " Anak, may nangyare kasi. Papunta na ako diyan. " tugon lang ni mom.
Hindi ako mapakali at lumabas ako sa kotse ko. Hayst, sana naman walang masamang nangyare. I love my mom at ayokong nasasaktan siya. Hayst, wag naman ngayon at araw ito ng mga puso.
Inabangan ko si mom na papasok sa hallway ng mansiyon de la Vega. Napuna nila ang pabalik - balik kong lakad. " May problema ba? Baka may maitutulog kami? " usisa ni sir Carllex sa akin.
Huminto ako ng bahagya ng makita ang kotseng paparating. Si mom na iyan dahil siya lang naman ang may kakaibang model ng kotse.
" Mom, ano ba talaga ang nangyare? Bakit kayo humihikbi kanina? " usisa ko ng ganun habang papalabas pa lang siya ng sasakyan. Natigilan ako ng may makita siyang sugat sa noo.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomansaTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.